Chapter 36

1K 25 1
                                    

Chapter 36

Gumalaw ako at pinilit imulat ang mga mata ko. Kahit nanghihina sinubukan ko paring ibuka yung bibig ko para magsalita.

"T- Tu....tu...b- big.. " pakiramdam ko wala na akong lakas halos hindi muna maririnig yung boses. Masakit ang buong katawan ko. Hindi ko na ito maigalaw ning hindi ko ngang magawang bumangon sa pagkakahiga mula sa sahig.
Nilibot ko ang paningin ko sa madilim na silid. Wala na akong ibang makikita kundi dyaryo , bote ng alak , at iba pang tinapon niya sa sahig.

Napapikit nalang ako ng makita kong gumapang yung dalawang ipis sa paa ko. Ning hindi ko na magawang tumili ko mag inarte dahil mas marumi pa ako sa kanila. Hindi ko na alam kung gaano katagal niya na ang ikinulong dito. Walang araw na hindi niya ako sinasaktan , binubogbog ko pinapalo ng kung ano ano lalo na pag umandar yung pagiging insecurities niya sa katawan. Ramdam ko yung hapdi ng mga sugat ko at sakit ng buong katawan ko.

Nahagip ng paningin ko ang tubig na nasa mesa. Kahit nanghihina pinilit ko yung katawan kong gumapang para maabot yun kahit alam kong imposible. Ramdam kong tuyong tuyo na talaga ang lalamunan ko at unti- unti ng nanlalabo na paningin ko at kapag di pa ako nakainom ng tubig ay baka mahimatay na naman ako sa uhaw samahan pa ng gutom.

Namilipit ako sa sahig ng sinubukan kong igalaw ang aking tuhod. Pakiramdam ko may naipit na ugat sa loob. Habol ko ang hininga ko at patuloy parin sa paggapang. Kumakalat sa sahig ang aking dugo. Napapikit ako at kasabay ng pagdilat ko ang pagbukas ng pinto.

Nang makita niya ako ay ngumisi siya. May hawak siyang sigarilyo sa kanyang kaliwang kamay at namumula na naman ang kanyang mata. Halatang galing palang siya sa paghithit at siguradong ako na naman ang pagbubuntungan niya.

Bawat hakbang niya ay nag iiwan ng tunog at nag e- echo sa buong silid . Nanginig ang buong katawan dahil alam ko sasaktan niya na naman ako.

Hindi nga ako nagkamali ng makalapit siya sakin ay sinipa niya agad ang kamay ko.

" AAAHHHH !!! "

Napasigaw ako sa sakit . Nagkalat ang dugo ko sa sahig at ang kaliwa kong braso ay naliligo na naman sa sarili kong dugo. Hindi pa gumagaling ang sugat ko dito dulot ng paghampas niya sakin ng bote nung isang gabi.

Napaiyak na ako hindi ko na matiis yung sakit. Bakit niya pa ba ako pinapahirapan? Bakit hindi niya nalang patayin ngayun nang matapos na ang paghihirap ko. Nanghihinang umupo ako at niyakap ang sarili ko.

Mas lalong nandilim ang mukha niya at tinapon sakin ang mga dyaryong dala niya. Napaawang ang labi ko ng makita ang mga mukha ko dun at si ---, Gin? Hinanap niya ako ? Kamusta na sila ni gino? Galit kaya sakin ang anak ko.

Lumuhod siya at pinantay ang mga mukha namin. Madilim parin ang mukha niya at pulang pula ang kanyang mata. Tinapon niya ang kanyang sigarilyo sa sahig at hinawakan ang ilalim ng panga ko at sinakal ako dun.

" gkkk..g- gkkk .." demonyo siya tumawa na parang nasasayahan pa siya sa ginagawa niya. Tumingala siya sa kisami bago ibinalik ang madilim na tingin sakin. Binitawan niya ako . Ako nama'y napahawak sa leeg ko at hinabol ang aking paghinga. Hindi pa ako nakakahabol ng hininga ko ng bigla niya akong sinampal ng malakas. Napaawang ang labi ko. Nakita ko ang pagtalsik ng dugo ko sa sahig at nararamdaman ko narin ang pagdu- dugo ng ngipin ko. Bumuka ang bibig ko.

" P*ta ! Karin noh?! Ipapahamak mo pa akong l*tse ka ?! Kung patayin nalang kaya kita?!!" Dinuro- duro niya ang noo ko. "Pero sige lang mamatay karin lang naman. Papahirapan muna kita .... Ang tagal mong mamatay e?! TANG*NA! Limang buwan pero buhay ka pa?!" napaawang ang labi ko. Hindi ko inaakalang limang buwan na pala ako dito. Sa impwernong ito. Parang kahapon lang nangyari sakin ang lahat.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now