Chapter 31

972 24 0
                                    

Chapter 31

" SHEILA ?"

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Nanginginig ang kamay ibinalik sa bag yung baril tsaka hinarap si sheila na ngayun ay tulala parin at nakaawang ang labi.

" S- Sheila? "

" What was that mhel? It's REAL? Laruan lang yan ni gino diba? Please ...sabihin mo saking laruan lang yan and it's a fake one..." yumuko ako at umiling. Bumagsak ang panga niya at bahagya siyang napaatras.

" Your joking? " di makapaniwang tinitigan niya ako at bumaba ang tingin niya sa bag ko kung saan ko itinago yung baril.

" It's for our protection , shei ."

" Protection from who? Omigod! Hindi ko na 'to palalagpasin mhel." nilabas niya yung cellphone. " Im gonna tell this to gin. He needs to know what's happening... He deserve to know about gino! "

Pumikit ako.

" Can you please...sheila? Wag kang mangialam? You see? This is my problem? This gun is for our protection shei!"

Kumunot ang kanyang noo. "Kanino? Is someone threatening you? What the f*ck mhel ! This is a serious thing. You? Holding a gun? For protection? From what? Damn! "

Napakuyom ako ng kamao at gumalaw ang aking panga.

" Hindi mo na kailangan malaman. Wala akong pakialam sa iisipin mo . Ang mahalaga sakin ay ang anak ko." nagulat ako dahil sa lamig ng boses ko.

Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ako sa braso at hinila pabalik. Matalim niya akong tinitigan.

" Hindi ka tatakas mhel! Harapin mo si gin ngayun! Ayusin mo yung gulong pinasukan mo at dahil tinago mo ang anak niya sa kanya. He deserve to know about gino?! Wag mo na siyang itago at wag ka ng maging selfish! "

Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. At matapang na sinalubong ang kanyang mata.

" Kung ano mang gulo ang pinasukan ko labas ka na dun! Labas na si gin dun! Dahil problema ko 'to. Wala kang karapatang sumbatan ako! Dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko! Kung gano ako naghirap para palakihin ang anak kong mag isa! Kung pano ako nagtrabaho sa maling paraan...." napaawang ang labi niya. Unti- unti ng nangingilid ang luha ko.

" Gusto mong malaman kong ano ang trabaho ko?" tumawa ako. "Nagtatrabaho ako sa club shei!.. G- Gabi gabi..." Nanginginig na yung boses ko." Kahit s- sukang suka na ako sa sarili k- ko...K- Kinaya ko para kay g- gino... Upang m- maibigay k- ko... s- sa kanya ang p- pangangailangan n- niya... Kahit n- nangdidiri na a- ako sa sarili k- ko... k- kahit na binabastos na n- nila ako... k- kinaya k- ko para kay g- gino..."

Sinubukan niya akong hawakan pero umiwas ako sa kanya at umiling. Bumubuhos na yung mga luha sa mata ko.

All this years. Ngayun ko lang nilabas lahat ng kinikimkim ko. Yung bigat sa loob ko na lagi kong dinadala dahil wala akong mapagsasabihan.

Hindi ako makapaniwalang sinasabi ko ito ngayun dahil lang sa galit ako. Sari- saring emosyon ang nararamdaman ko ngayun , galit , takot at pagod . Hindi ko alam kong pano ko nakayanan lahat? Kung wala si gino siguro matagal na akong bumagsak dahil wala akong ibang makapitan kundi ang anak ko lang.

Napatingala ako at mapait na ngumiti. Tinignan ko si sheila. Nakita ko ang gulat at pag aalala na nakaguhit sa mukha niya.

Sinubukan niyang lumapit sakin pero umatras lang ako.

" Hindi mo na kailangang sabihin sa kanya. Dahil ako mismo ang magsasabi sakanya ang tungkol kay gino! "

Napalunok ako dahil bawat oras ay mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now