Chapter 4

1.5K 43 1
                                    

Chapter 4

"BAKIT KA PINATAWAG NI MADAM?" bungad na tanong sakin ni Seline. Na parang concern talaga siya sakin. Lihim akong napairap. Parang hindi ko alam na isa rin siya sa mga babaeng sumasaksak sakin sa likod. Plastik akong ngumiti at umiling at pinagpatuloy ang pagmake up kong naputol.

Napatingin ako sa salamin. Kaunting lipstick lang yung ginamit ko since dito ako comfortable at hindi masyado makapal yung foundation ko dahil maputi nga ako.

Marami nga nagsasabi sakin noon na parang anak mayaman raw ako dahil sa kinis ng balat ko at hindi tagabukid. Wala naman akong ginamit dito kapag naarawan ako ay namumula lang at bumabalik uli sa dati.

Ginamit ko yung daliri ko para maayos yung lipstick. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig sakin ni Seline at napataas ng kilay.

Tiningnan ko siya. Mabilis namang bumaba yung kilay niya at ngumiti sakin. Napailing ako.

Iba na talaga noh ? Harap harapan ka ng pinaplastik ngayun.

Niligpit ko na yung gamit ko at lumabas na ng dressing room. Nakasalubong ko ulit ang grupo ni olivia pero this time ay kasama niya na si madam kaya hindi niya na ako maharangan. Simpleng umirap siya pati narin ang mga kasama. Hindi ko na lang sila pinansin.

Siniko ako ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

" Insecure talaga sayo ang grupo nina olivia noh ? Ang ganda ganda mo kasi. May ginagamit ka ba ? Share mo naman !"

Pinalandas niya yung mahaba niyang kuko sa braso ko. Tinitigan ko siya. Buong mangha at may inggit niyang tiningnan ang braso ko. Mabilis kong iniwas ito sa kanya dahil unti- unting nadidiin ang kuko niya sa balat ko.

Nag igting ang panga ko.

Walang emosyon ko siyang tingnan."Wala , wala akong ginamit. Inborn kasi ang kagandahan ko. Ikaw ? "

Tinaasan ko siya ng kilay. Unti- unti naring tumataas ang makapal niyang kilay.

" Ilang lalaki na yung gumamit sa yo ?" Nanlaki yung mata niya at di makapaniwalang sinabi ko yun sa kanya.

" ANONG SABI MO !?"

Nakita kong nagsisilabasan na yung ugat niya sa leeg. Umirap lang ako at iniwan siya. Bakit maraming nagsasayang ng oras ko? Napabuntong hininga ako at pumunta na sa barcounter.

Naghihintay na sakin yung bartender na si jude. Agad niya akong nakita at kinawayan.

" Buti dumating ka na kanina ka pa hinihintay ng mga suki mo." ngumuso siya.

" Nandun na si Boss Jordan kanina kapa hinihintay ayaw tumanggap ng ibang waitress eh."

Sinundan ko yung tingin niya at nakita ko ang matandang mayaman na nanliligaw sakin. May katabi siyang dalawang babae na hinahawakan siya kung saan saan na gustong gusto niya at nagtatawanan pa yung mga malalanding babae.

Napailing ako.

Kasamahan yun nina olivia. Tumingin ako sa gitna ng stage nakita ko si olivia na sumasayaw sa pool at isa isang hinuhubad yung mga damit. Lahat ng mata sa kanyang katawan niya nakatingin at naglalaway na. Ang iba naman ay tila walang pakialam at nagsawa na sa katawan niya.

Gabi gabi niya kasi ginagawa yan kaya nagsawa narin yung iba at ang iba naman ay natikman narin siya.

Kinuha ko yung tray na may lamang iba't ibang klase ng inumin at ibinigay yun sa mga table buti yung iba hindi ako napapansin dahil ang mata nila ay nasa stage at pinapanuod ang babaeng sumasayaw na nakahubad. Ang iba sumisipol ang iba naman ay umuungol. Mga walang kahihiyan karamihan sa kanila ay may mga asawa pa dito.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang