Chapter 2

1.7K 42 2
                                    


Chapter 2


" NAG AARAL KA SA UMAGA ? Nagtatrabaho ka sa hapon at may trabaho ka rin sa gabi ? " di makapaniwalang tinitigan ako ni sheila.

Nasa harapan ko sila ngayung dalawa ni alex. Tinitigan nila ako na parang isang suspect sa ginawang krimen.

Napakunot ako ng noo.

Anong problema nila ? Lumapit sakin si sheila at hinawakan ang mukha ko.  Nilayo ko yung mukha ko sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

Napangiwi siya.

" Halos 24hours kang gising. Sabihin mo mhel. Natutulog ka pa ba ? " manghang tanong niya.

Nakita ko sa noo niya ang isang malaking question mark na parang iniimagine ko kung ano yung ginagawa ko sa loob ng bente kwartro oras.

Lumapit sakin si alex habang may hawak na lollipop sa kanyang kamay. Nakita naman ito ni sheila kaya inirapan siya nito.

" Ano ba yan ? Lex ? Para kang bata!? Itapon mo nga yan. Ang tanda tanda mo na ! Ang sagwa tingnan !"

Lumabi si alex at hindi pinansin ang pagrereklamo ni sheila. Dinilaan niya pa yung lollipop at pinakita niya pa dito. Napangiwi si sheila at umarting parang nasusuka. Napatawa ako. Umirap naman si alex.


" OA ." tumabi sakin si alex at nangalumbaba sa harap ko.

Tinitigan niya ako na parang kinikibisado ang buong mukha ko. Sandali akong nailang at umiwas ng tingin. Napapitlag ako ng hawakan niya ang baba ko. Kuno't noo ko siyang tiningnan.

" Hindi ka namang mukhang haggard. Healthy naman yung skin mo atsaka hindi rin nangingitim ang ilalim ng mata mo. So ? Bakit ka nga nagtatrabaho ? " naningkit ang mata niya kaya napalunok ako. " Sa tanda ko full scholar ka with allowance dito sa University. Ang head mismo ang nagbigay sa yo nun kaya kahit hindi ka magtrabaho may pera ka. Pwera ... nalang kung --., " tumigil siya at tinitigan ako.

" -may pinaggagastusan kang iba ? O di kaya may pinag iipunan ka ? "

Napalunok ako. Siya naman ay ngumisi. Nagkatinginan silang dalawa ni sheila at sabay silang tumingin sakin.

Lihim akong napaastras. Para silang asong ulol na handa na akong kainin. Nakakatakot sila.

" Sabihin mo nga samin ang totoo mhel. Alam mo bang simula palang may hinala na kami ? " nanlamig ako.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon