Chapter 10

1.4K 41 0
                                    

Chapter 10

" Mhelanie ."

" Gin."

Ilang minuto akong tulala sa mukha niya. Kumurap kurap pa ako pero habang tumatagal nakikita ko sa kanya si Gino.

Kamukhang kamukha niya talaga ang anak ko.

Pakiramdam ko ang putla putla ko na at nanginginig na yung tuhod ko. Napaatras ako ng hawakan niya ako sa braso ko. Napansin niya yata ang reaction ko dahil binaba niya nalang ang kanyang kamay tsaka namulsa.

" Kamusta ka na?"

May ngiti sa labing tanong niya at halatang namamangha sa mga reaction ko. Kumurap kurap ako nung lumabas ang dimple niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Mag hunos dili ka mhelanie ... Bakit mo nararamdaman to? Siya parin ba? Umiling ako. Hindi. Matagal na lumipas ang panahon. Imposible namang mangyari yun. Kay Gino nakafocus ang mundo mo ngayun mhelanie.

Kay Gino lang ... At ang ama niya ay nasa harapan mo ngayun.

Lumapit siya sakin at tinagilid ang ulo niya para hanapin ang mata ko.

Napaatras ako at bigla nataranta. Lihim akong napahawak sa dibdib ko. Parang may kabayong nakikipagkarera sa dibdib ko. Anong gagawin ko? Tatakbo ako?

" Thinking of running away? "

Napatalon ako ng magsalita siya. Nagulat ako ng bigla niyang ginulo yung buhok ko tulad ng ginagawa niya sakin noon at tumawa.

" Hey? Natatakot ka ba sakin? Don't worry i won't hurt you."

Napabuntong hininga ako.

Alam ko. Alam ko naman yun. Kilala ko siya mula pagkabata alam kong hindi niya ako sasaktan. Pero bakit ako kinakahan? Dahil lang ba kay Gino? Dahil may secreto ako?

Sinalubong ko yung kayumanggi niyang mata. Ngumiti ako sa kanya kahit may nagwawala na sa bandang dibdib ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ko ulit iniwas ang paningin ko.

" Okay naman ako Gin. Buhay pa naman."

Sabi ko ng hindi nakatingin sa mata niya atsaka tumawa.

" It's been a years."

Tumango ako. Yeah. Mag aanim na taon narin yung anak mo.

" Saan ka? " casual niyang tanong. "Let's have dinner."

Umiling ako.

" Hinihintay ako ni Gino."

" Who's gino ?"

Napaawang ang labi ko at biglang nanlamig. Bumalik ulit ang kaba sa dibdib ko. Umiwas ako ng tingin at nag isip ng ibang isasagot. Pwede namang kaibigan o classmate diba? Sige yun nalang.

Magsasalita palang sana ako pero inunahan niya niya ako.

" Your boyfriend.?

Sinalubong ko ang mata niya na ngayun ay diretsang nakatingin sakin. Tila nahipnotismo ako at wala sa sariling tumango. Nakita ko ang pagtaas baba ng adamsapple niya. Gumalaw pa yung panga niya at umiwas ng tingin.

Umatras siya at namulsa. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ngayun ko lang napansin ang lapit namin.

" Next time then?"

Tumango ako at tumalikod na. Tatlong hakbang palang yung nilakad ko ng bigla niya akong hinabol at mahigpit na hinawakan sa braso. Napatingin ako sa kamay niya at umangat sa kanya.

ILLEGAL SOCIETY( COMPLETED)Where stories live. Discover now