Chapter Four (Weekend)

154 65 21
                                    

Since today is Friday, and technically the first day sa pagbibigay ng letter, nag-stay muna kami sa school for an hour kahit dismissal na namin.

Ewan, overwhelmed kami masyado dahil sa ginawa namin and we are all having anxieties sa kung anong posibleng mga mangyari.

Hell, this is our first time at kapag ito, pumalpak at makaabot sa guidance councilor ay baka hindi kami ipapagraduate ng grade twelve. Jusko. With the thought na kakasimula lang namin sa senior high ta's may ginawa na kaming kabalastugan sa department na ito.

"Shocks, kinakabahan talaga ako," Lorraine whispers while she's facing her phone, "Sab, sure ka talaga ha. Wala nang atrasan 'to."

I laugh on what Lorraine uttered and so does Christine and Kisses. Ipinangko ko ang buhok ko into a messy bun habang nakaharap sa salamin ng classroom namin.

"I am. Hello? Nakasulat na nga ako diba?" I butted yet my eyes are still fix on the mirror. "Atsaka, go na. Para magkaroon naman ng thrill ang buhay ko. Bored na ako masyado." I added nonchalantly.

And yep! I made this idea dahil one, I am bored, two, gusto ko ng thrill and three, well, point taken already na gusto ko si Alexis.

Tsaka, hindi naman kami papalpak sa gagawin namin kapag marunong lang kaming mag-ingat.

"Oh, paano kung mahuli tayo?" Christine ask while she's applying a matte lipstick on her lips, "diba lahat rin tayo thrilling ang buhay sa guidance." She added and chuckled right after.

Napatawa naman ang dalawang naka-upo sa arm chair. Good thing kaming apat nalang ang natira dito dahil gahol sa bahay iyong mga classmate namin. Once matapos nila ang mga classroom duties nila, deretso takbo ang mga 'yon sa gate. Actually, isa kami sa mga ganoong klaseng studyante but we have business to talk about this afternoon and kailangan namin pag-isipan and pagplanohan ng matindi ang bagay na ito para hindi kami mahuli.

Jusko, takot ko lang 'no.

"But seriously, Sabrina. Ayaw mo talagang magpakilala?"

And that question made me stop on my track. Napabuntong-hininga ako at kinuha ang liptint ko sa pouch at nakatitig lang sa salamin. Ewan ko rin. I made myself clear na hinding-hindi ako magpapakilala but there is something inside me na tumutulak sa akin na kailangan kong magpakilala.

I shrug my shoulders then went back to where my bag is.

"Never."

Lorraine made a shriek habang tinatanggal ang pagkakakulot ng kaniyang buhok. "Kahit sa last day lang?"

"Oo nga, Sab. Sayang din naman ang effort mo ta's hindi ka magpapakilala." Kisses added, "and in fact, wala na rin naman sila dito next year so there is no reason para mahiya."

I laugh. "Wow, Kisses ha? Sa iyo pa talaga nanggaling? Ikaw nga itong takot na takot simulan ito." I fired her at umupo sa teachers' table.

"Eh, bakit ba? Naexcite kasi ako nang nilagay natin kanina 'yong letter. Shocks! Kapag ikaw manotice ni Alexis, ereto mo agad ako sa kaibigan niya!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kisses at sinundan naman ito ng tawa mula kay Lorraine. "Tingnan mo 'to, may hidden agenda pala. Pasimpleng landi ka rin Kisses." Panulak ni Lorraine na ngayon ay sinusuklayan na ang kaniyang buhok.

"Sus! Nako, Kisses ha. You're taking my feelings towards Alexis for granted." I saw her made a face at kinakalikot ang cellphone niya, "well, why not hit two birds with one stone right, Kisses?" I then wink at her at nakita kong namumula ang mukha niya.

God, my friend is seriously whipped!

"Tara na?" Christine butt in. Tiningnan ko naman ang orasan ko na nasa bisig at tiningnan sina Lorraine at Kisses, "let's go? Five PM na. Mahirap nang makahanap ng jeep papunta sa amin ngayon."

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Where stories live. Discover now