Chapter Twenty-five (Poem: Day 13 of 41)

36 4 0
                                    

After the flag ceremony, isa-isa na kaming naglakad pabalik sa classroom namin. I even saw Alexis with his friends, falling in line sa bandang likuran namin. Kita na kita pa nga namin siya dahil napakataas niya talaga amongst others and I can't help but to squeal secretly earlier.

We spent another thrree boring hours in class with our subject teachers. Supposedly, practice namin ngayon for field demonstration but the junior high are asking for the grade eleven na kung pu-pwede ay bukas nalang namin gamitin ang ground. Good thing, our PE teacher agreed so say 'no to sun heat' muna kami ngayon. Besides, nakalimutan ko ring dalhin ang mga gamit ko so keri na rin.

When break time came, pinuntahan ako nung tatlo sa kung saan ako nakaupo ta's halatang may gagawin na namang katarantaduhan.

I face palmed. It seems like my friends are obviously going shits because of me. Nagmana na siguro sila sa akin, shems!

"Daan daw tayo sa classroom nila Alexis mamaya." Lorraine invited while wiggling her brows.

I arch my brow at them at iniisa-isa silang tingnan. "Bakit?"

Kisses and Lorraine just grin while shrugging their shoulders then answer, "wala lang."

Nakita kong naka-halumbabang nakatitig lang si Christine sa akin bago pinaikot ang mata paitaas.

"Anong tinulak ng mga ito, Chris?" I asked, still looking at those two weirdly.

After minutes of tugging, Kisses and Lorraine convinced me to go on the second floor para nga, dumaan sa harap ng classroom nila Alexis without any valid reason.

I was having second-thoughts, okay?

Malay ko kung anong gawin nila doon at ibuking ako. Minsan kasi, mga punyeta itong mga kaibigan ko eh. Hindi ko ma-measure if anong degree na nila in terms of katangahan, ganon. All I know is, nasa first spot pa rin ako.

Charot.

We decided to use the stairs near our classroom at doon na dadaan papuntang second floor. Kumbaga, ang classroom namin ay nasa left side ng third floor, sakanila Alexis naman ay nasa right side ng second floor.

While going down the stairs, bigla akong tinulak ni Kisses kaya halos masubsob naman ako sa railing. My friends just laugh at me before looking in our right, checking if nasa labas ba ang mga grade twelve STEM A.

"Fudge," I murmured, giving them a death glare. "Kinabahan ako mga hayop kayo."

Humagikik naman ei Lorraine. "Practice lang." She stated, arching her brows.

Kisses snap at her kaya mabilis naman niyang itinikom ang bunganga niya. My forehead creases even more dahil sa mga pinagsasabi nila.

"Okay, I am out." I finally announce and walk back upstairs but mabilis naman akong hinawakan ni Kisses sabay lakad sa corridor ng second floor.

"What the fuck, Kisses! Ano ba!" I shouted in whispers, going panic dahil sa anong posibleng gawin nila.

I heard Christine and Lorraine's laugh from behind kaya mas nalukot naman ang mukha ko.

"Praning ka naman masyado, Sab." Kisses whispered habang titig na titig sa corridor ng STEM A.

"Hoy, baka raw may pa-quiz si Mr. Daso mamaya!" Rinig kong sigaw ng isang ka batchmate namin na STEM rin.

Nagkatinginan naman kami ng mga kaibigan ko and I know, we are all have the same idea inside our mind.

"Tae, baka may pa surprise quiz din si Sir sa atin mamaya!" Christine whispered just behind me but Kisses, on the other hand is still staring at the grade twelve's classroom, eyes are glued on their corridor, not even worrying about the thing we just heard.

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Where stories live. Discover now