Chapter Seven (Ice Cream Gone Wrong)

115 50 9
                                    

Humahagik-ik kaming apat na naglakad patungo sa kabilang hagdan ng building namin. Magkabilaan kasi ang hagdanan ng senior high school department and we usually used the right side but lately, dito na kami sa left side dumadaan kung saan malapit sa classroom nila Alexis. Wala lang, para madali namin silang makita.

Pasimpleng tingin, ganern.

"Sabrina! Ihhhh!" Lorraine squeal while pinching my right arm.

Ang bilis ng lakad namin ngayon at halatang natataranta sa nangyayari. Some of our batch mates look at us dryly but some are also having those weird faces.

I made a face as I felt another pinch from Lorraine again. "Ano ba, Lorraine! Hayop ka, masakit na ha!" I scream and yank her arms away.

She rolled her eyes bago binitiwan ang kamay ko at narinig ko namang nag-salita si Kisses sa gilid ko. "Sab, patay tayo. Buong classroom na nila ang may alam sa ginagawa natin." She scratch her brows at nilingon ako. "Isn't dangerous dahil baka anytime, may magbabantay sa door nila?"

Christine chuckled at nag-salita rin. "Ay iba! So ano 'yan, kahit may teacher sa harapan, eche-check pa rin nila ang corridor? Hindi 'yan oy!"

"Yuh. And hello? As if naman na magpapahuli tayo? Come on, Kisses. Ba't ka natatakot eh iyong mismong salarin hindi nga kinabahan."

Tinampal ko ang kamay ni Lorraine at tumawa matapos gawin 'yon. Ang bastos talaga ng bunganga ng babaeng 'to.

Demonyo, ganon.

Tsaka, it's not as if hindi ako kinakabahan. Actually, ang bilis ng tibok ng puso ko matapos marinig ang sigaw nila but I remained my poise dahil may mga nakatingin sa amin.

And another thing, maraming mga kakilala ang Grade twelve STEM, hindi namin alam, baka may sinabihan na sila about sa mga nangyayari.

Naku!

"Eh, paano ba? In case you forgot, Lorraine, kapatid ako ng isa nilang kaklase. Baka sabihin pa nung mga 'yon na kasali si Ate dito."

"Hindi nga nila malalaman, okay? Sab won't let that happen." Christine uttered bago tumingin sa akin, "right?"

I nodded my head slowly at tiningnan si Kisses. "Takot ko lang din sa Ate mo 'no." I said and push her using my shoulder.

Ngumiti naman siya dahil sa sinabi ko at tinulak din ako gamit ang balikat niya. "Gaga. Halika na nga!" She exclaimed at hinawakan ako sa pulso.

Christine and Lorraine followed us nang makasalubong namin ang adviser nila Alexis. Galing siya sa second floor at kami ay papaakyat pa lang.

She's tall and she has this fair-skin na katulad ng adviser namin and the way she walk seems she's introverted and antisocial.

Ewan. Iyon ang nakikita ko sa kaniya tho hindi ko naman siya kilala personally since she is a grade twelve adviser and a subject teacher.

"Si Mommy." I whispered nang makalayo na kami sa kaniya. Nilingon ko muna siya for the last time to make sure na hindi niya kami maririnig.

"Sinong Mommy?" Christine asked at naka-kunot ang noo na nakatingin sa akin. So does Lorraine and Kisses.

I chuckled at tinakpan ko pa ang bibig ko. Wala lang. Para sexy, slight. Char.

"Si Mommy! Iyong adviser nila Alexis. Mommy na rin natin siya ngayon." Sabi ko at agad sinundan ng tawa.

"What the hell, Sab?" Lorraine said but there is a hint of laughter on her voice.

"Ayyy oo! Parang Nanay nga ang turing nila Ate sa adviser nila." Kisses added at pinagsaklop ang dalawang kamay. "Mommy ko na rin! Ahihi."

I winch on the tone of her laughter at iniwan siya. Lorraine and I walk up to the third floor at nauna nang pumasok sa classroom.

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Where stories live. Discover now