Chapter Twenty (Poem: Day 10 of 41)

37 7 1
                                    

Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa papalayong pigyura ng mga lalaki. Tumatawa sila habang naglalakad at napansin kong bahagya pang tinapik sa balikat nung isang lalaki iyong lalaking may hawak ng ballpen ko.

Oh my gosh! Siya pala 'yon?! Bakit hindi ko na maalala? Ta's medyo may nag-iba sa kaniya. Or maybe dahil hindi ko naman talaga siya kilala kaya nasabi kong iba siya ngayong araw?

Nilingon ko ang mga kaibigan kong paimpit kong tumawa at bahagya pa akong tinulak-tulak. Kisses even poke me on my waist kasabay ng pag-tawa niya na parang kinikilig.

I laugh. "Para kang tanga, Kis!" I yell at nilakihan siya ng mata.

She just throw me a grin before looking back kung saan dumaan iyong mga lalaki kanina. "Shet, from private school pa talaga, Sabrina! Patulan mo na 'yon! Hingian mo pangalan ta's sabihin mong single ako."

I made a face. "Ayy wow. Non-negotiable ampota. Ikaw talaga?" I ask in a tone of sarcasm.

Iba rin. Akala ko ako ang ibebenta, sarili niya pala. Napaghahalataang single eh. Kulang sa hilod.

"Bakit hindi ako? Ipagpalit mo na si Alexis? Ha? Kaya mo?" She sneakered.

I puff an air to my bangs before walking again papunta sa grocery store. "Ewan ko sayo, Kisses. Sineseryoso mo masyado 'yong kay Alexis eh." I murmured then a grab a cart. I push it lightly para makasabay sa akin ang dalawa na nasa likod ko pa, chinecheck pa kasi ng guard ang bag nila.

Kisses sprinted on my side, throwing a piece of totsie roll inside my cart. "Pasali diyan. Babayaran kita mamaya." She stated before pushing my shoulder. "Tapos ano nga ulit 'yon, Sab? Sineseryoso ko masyado iyong kay Alexis? Sure ka? Ako lang?" She sneered at me.

I bit the insides of my cheek, not planning to give her a reply. Ewan ko rin eh. I always convinced myself na for the sake of entertainment lang ito. Dahil nga diba, we started this for fun, pampawala ng boredom and well, to be honest, added na ang pagiging deserving ni Alexis sa mga ganito.

Bakit mo nasabi? My inside shouts.

I pouted. Feel ko lang.

"Oh? Bakit 'di ka makapag-salita? Confused? Hindi mo tanggap na from the slightest beating feeling you have for Alexis, to a huge ball of astonishing love?"

I stop my cart at hinarap si Kisses. "Quit it. I started this for fun, I will end this forty-one days happy and satisfied. No strings attached." Giit ko pa.

Naramdaman ko namang may itinapon ulit sa loob ng cart ko kaya nilingon ko ang taong may gawa nun. Christine raise a brow, "babayaran ko!" She raise her voice bago kinuha mula sa akin ang cart. "And Sabrina, dear. Stop convincing us na you seriously planned this out just because you want to have some fun. You can't just admit to yourself na may nagpapatibok ulit niyang puso mong sing tigas ng bato." Christine added.

Her words suddenly caught me off-guard. Sinundan ko ang dalawa kong kaibigan na nauna nang naglakad sa akin papunta sa toiletries section. Christine grab the list from my hand bago bumalik sa cart na tulak-tulak nila.

I sighed. It's still ten days after I started this thing, until now hindi pa rin ako sigurado sa rason kung bakit ko sinimulan ang bagay na ito. I am stuck where to believe indeed - somewhat confuse if this is just an infatuation or more. I do not want to admit to my self that after four years, a guy caught my attention again.

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon