Chapter Twenty-one (Poem: Day 11 of 41)

33 5 0
                                    

Hanggang sa pag-uwi ko ay iniisip ko pa rin iyong sinabi nila Christine at Kisses. I am even currently facing Alexis' facebook account, contemplating if e-aadd ko ba siya or hindi muna.

Wala namang mawawala kung eaadd ko siya diba?

Siguro? Ewan.

Pwede naman siguro niyang isipin na random add lang dahil kapag eche-check niya ang timeline ko, may marka naman na ibig sabihin ay schoolmate kami dahil nilagay ko naman sa Facebook ko if saan ako nag-aaral.

But what if he would think the other way? Ta's paghinalaan na kami? Bantayan ang mga galaw namin?

Char. Feeling important. VIP kayo girl?

Oo.

Very Immune sa Pahiya?

I exited the app and slid back my phone inside my sling bag. Mahirap na kasing ipasok sa bulsa ng jeans ko dahil nakaupo na ako ngayon sa jeep.

Our home to the city will take almost an hour drive kaya halos isang oras din akong lutang at patitig-titig lang sa kawalan. I shouldn't think exagerratedly but I can not help it. We are just trying to do our best na maitago ang mga pinaggagawa namin. As much as we can do it in silent, we'll going to hide it.

So yeah. Hindi ko siya e-aadd. Duh.

"Bayad ho!" the guy beside me suddenly shouts kaya napalingon ako sa kaniya. He has an earphones on and he immediately went back on his phone matapos kong ipasa ang mga barya na mula sa kaniya. Tsaka ko lamang napansin na naglalaro pala siya ng ML.

Impulsive ka, pre? Baka gusto rin nitong masampulan katulad noong ginawa ko kay Hans few months ago.

Ewan ko ba. I was damn bored that time and ugali ko rin minsan ang mang-inis ng mga kaklase—siyempre iyong mga medyo ka-vibe ko lang din 'no. Ano ako, hilo? Makikipag-pikonan sa 'di ko naman feel ang pagkatao? That's absurd!

Charot.

Eto na nga, I don't even know na napaka-importante pala sa kanila ang larong 'yan na halos nakapabilog na ang mga lalaki naming kaklase sa likod. Dahil hindi naman ako pinapansin ng mga kaibigan ko, nagpunta ako sa likod at manghiram sana ng earphones. Then I saw Hans, seriously facing his iphone at halos hindi na niya ako pinapansin.

"C'mon, pahiram earphones!"

I am now annoyed, too! I mean, ma-attitude rin ako 'no. So, I played with Hans' screen sabay sabi, "touchscreen 'to? Touchscreen?" I playfully asked, tapping his screen. He shoved my hand that time kaya mas lalo akong na-challenge na inisin siya.
Feel ko rin mang-inis sa lalaking 'yon dahil gawain niya 'yan eh.

Paunahan lang.

"Fuck!" Hans shouted nang nagalaw ko ang power key sa gilid ng phone niya. Dali-dali niya pa itong binuksan uli, tinaype ang password but after seconds, he look at me hopelessly.

Halos mamatay ako sa kakatawa noong panahong iyon nang malaman kong nagpapa-rank kuno siya and malapit na sana matapos ang game nila.

Kiber.

Nemesis even snap me because of what I did, pero dahil maganda ako at cute na tao, friends pa rin kami ni Hans.

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon