Chapter Nine (Third Day)

93 33 2
                                    

I am facing my binder right now while marking some important terms written on it. My head throbs with the unfamiliar names and ilang beses ko na ring nasampal ang sarili ko.

Sino ba kasing may sabi na huwag kang makinig sa mga discussion?!

Wala! I wanted to shout at myself but pinigilan ko dahil nasa likod ko lang ang kapatid ko, na kaharap din ang libro niyang Mathematics. Napaka pabibo pa naman itong batang 'to. Baka sabihin pa nito, nagiging baliw na ang kapatid niya.

Duh. As if.

I scan through the pages, hoping may makikita pa akong important information na nakasulat sa ibang parte ng binder ko. Ganito kasi ako, sulat nang sulat kahit saan, napaka-unproffesional lang. Para talaga akong hindi babae sa lagay na 'to.

Ting!

My forehead creased and slowly check for the chat head if sino ang nag-message. Agad lumaki ang mga mata ko nang makitang group chat naming apat 'yon.

Iyong STEM BABIES ang name. Parang gago lang iyong si Lorraine. Sabi niya kasi, baby raw kami nung mga taga STEM kaya ganiyan ang ipinangalan niya.

Hangal.

🌸🌹🌼🌺STEM BABIES🌺🌼🌹🌸
Active Now •

Kisses: Sab!

Kisses: Omgyghaaaad

Kisses: @Sabrina Raine
Yuzon

Christine: Haha ano na
naman yan Kis?

Sabrina: Ano yaaaan?!

Kisses: may chika si ate
sa akin bago lang!

Kisses: lagot ka.

Kinabahan naman ulit ako. Anak ng! Nag-aaral lang naman ako dito ta's ako na naman? Inaano ko mga tao ngayon?

At tsaka, pansin ko lang. Simula noong ginawa namin iyong pagbibigay ng letters kay Alexis, walang araw na hindi namin sila nakikita. It seems like everything goes up side down right after we chose to continue this thing. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o hindi. I am torn. Iba kasi ito.

Paanong iba, Sabrina?

I wanted to slap myself after that realization. Paanong naiiba sina Alexis sa mga nagdaang katarantaduhan naming apat?

Kasi nga, you like the guy and you are just scared na ereject ka kapag nakilala ka niya.

My insides shouted at halos manghina ako sa inuupuan ko. I feel so empty.

That thought gave me an idea. Paano nga kung ganoon? What if he won't accept me as a person na nagbibigay sa kaniya ng mga letters?

Ting!

Napabalik ako sa katinuan ko nang umingay muli ang phone ko.

I tap the chat head and read Kisses' messages.

🌸🌹🌼🌺STEM BABIES🌺🌼🌹🌸
Active Now •

Kisses: naitanong ka
ni ate kanina!

Sabrina: Huh? Bakit
ako? Anong meron?

Kisses: remember
nung time na nandito
ka sa bahay namin?
Mga second week yata
nun ng January?

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora