Chapter Seventeen (Poem: Day 8 of 41)

67 13 1
                                    

Day 8 of 41

Hindi kita gusto
Kaya huwag kang maniwala sa akin kapag sinabi kong
Gusto talaga kita
'Yang mga sinulat ko
Pawang mga kasinungalingan
Hindi 'yan totoo na
Maganda ang kurba ng mga ngiti mo

Alam mo?
Peke ang mga tulang ginawa ko
Hindi
Para sa'yo ang mga liham na sinulat ko
Kakalimutan na kita
Kaya huwag mong isipin na
Ikaw ay ginusto ko pa
Mula pa sa simula
Pinaglalaruan lang kita
Hindi totoong
Ipinaglaban kita ng buong-buo
Sapagka't
Sinisiraan kita, lalo na ang ngiti mo
Kasinungalingan ang
Ikaw ay aking Mundo
'pagkat
Ikaw ay tao lang mismo

Maniwala kang
Hindi ako papayag na
Itong storya ay tatapusin nating dal'wa
Mag-isa ka, hanggang sa huling kabanata
Ayaw kong
Maniwala ka sa'kin
Siya ang gusto ko
Wala akong sinabing
Gusto kita mula pa noong una

Read upward

"Kung gusto mong mapahiya, Sab, pwede bang 'yung wala kami? Tae, tumatawa na sila ngayon!" Kisses shouted but it turns out like a whisper. She is keeping her mouth, as if wala siyang sinasabi para hindi mapansin nung mga lalaki sa ibaba na nag-uusap kami.

Mahirap na 'no. Nag-iingat lang naman kami. Paano kapag may hinala na sila na nasa aming magkakaibigan ang nagbibigay ng mga letter sa kaibigan nila? Ta's ngayon, napansin na naman nila ulit kami.

Iyan kasi, Sabrina. Landi pa.

"Tanga kasi eh." Dagdag pa ni Christine sa gilid ko bago ako tinampal sa balikat. "Magbibihis muna ako." She bid ta's naglakad na papuntang CR.

Naiwan naman kaming dalawa ni Kisses na ngayon ay nakatingin lang sa Ate niyang tumatawa sa ibaba.

"Ang ganda ni Ate 'no?" Usal niya.

Nilingon ko rin si Ate Leslie na kausap 'yong mga kaibigang palagi niyang kasama at tila may nakakatawa silang pinag-uusapan.

"Yuh. Napapaisip nga ako kung saan ka nagmana." I murmured and immediately chuckled. "Charot." Pambawi ko.

"Walanghiya ka." Kisses muttered but there was a mix of laughter in her voice. She sighed. "Alam mo bang pinipilit 'yan ni Ma'am Sandoval na sumali sa Mr. and Ms. this foundation day but she always declined. Magastos daw." She laughed. "Minsan talaga naiinggit ako sa Ate ko eh. Pero mahal ko 'yan."

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon