Chapter Thirteen (Kuya, number?)

57 17 7
                                    

"P-po?" Kisses stuttered while she take a step backward. Nabangga niya tuloy ako.

Nagkatinginan silang lahat na nasa itaas bago pinalo ni Ate Leslie ang mga kaibigan niya. "Parang mga tanga 'to." She murmured at bumaba ng hagdan.

"Kis, uuwi na kayo?" She asked while looking at each one of us.

I bit my lip and show an uneasy smile before removing the strands of hair na nakapasok na sa loob ng bibig ko.

Kahiya lang.

"Half-day. Hehe." Lorraine uttered with a hint of confusion on her voice.

"Napano kayo?" Ate Leslie chuckled lightly habang inisa-isa kami ng tingin nang mapansin niyang mukha kaming nakakita ng multo.

"Wala naman! Haha." Kisses finally speak at nakita ko naman siyang tumingin sa itaas ng hagdan. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nandoon pa rin pala sina Jake, Nyka at Felix pero umalis na 'yong ibang mga kaklase nila.

Anong pakana nitong mga taong 'to?! Pinakaba nila ako to the highest level, jusko!

Ayan, katarantaduhan pa more.

I scoff, enjoy naman. Amp!

"Pahiram ulit ng mga calculators. Calculus namin mamaya." Ate Leslie said at lumingon muli sa likod niya.

"Kita niyo ang mga taong 'yan?" She points at those three standing above. "Mga makakapal mukha niyan. Pwede ba raw pahiram ng calculators."

Tumawa si Jake na nasa gilid lang ni Nyka. "I'm out. May calcu ako."

I saw Nyka made a face at bumaba na rin ng hagdan. "Hi, kakapalan ko na talaga mukha ko. Naiwan ko kasi sa bahay 'yong akin." She said that with all her smiles at napatitig naman ako sa kaniya.

Mas gumaganda siya kapag ngumingiti. Sana all. Ako kasi parang wild animal. Char.

"Ah, oo! Sure!" Kisses immediately opened her bag at ibinigay kay Nyka 'yong scientific calculator niya.

"Thank you!" She screamed before turning her head at Ate Leslie. "'Di kasi magpapahiram itong Ate mo, Kisses."

Pinalo naman siya ni Ate Leslie sa balikat. "Hiniram nga ni Alexis!"

Napahinto agad ako. I watch them teasing each other when Nyka jokingly tap Ate Leslie's waist, as if may pinupunto siya.

Christine smiled at the two while covering her mouth using her cellphone, trying to hide her smile.

Walanghiya 'to.

"Ngii, Leslie, may hidden feelings kay Alexis!" Jake butt in ta's lumingon sa may classroom nila. "Bro, Alexis! May nagkaka-crush sa 'yo!"

"Hoy, gago!" Ate Leslie shouted habang nakangisi lang. "Nakakadiri ka oy!"

Jake walks back but stop immediately. He went near the wall malapit sa CR at agad naman akong nanlamig.

"May Lily pa pala!" He shouted habang itinataas ang envelope na nilagay ko kanina.

Nyka ran upstairs at sinundan si Jake na papasok na ng classroom nila. Felix and Ate Leslie was left in front of us while they are pasting a smile on their face.

"Thank you sa inyo. Pasok muna kami." She excuses at tumango lang si Felix sa amin.

We are left, totally drained about whet the hell just happened and Christine broke the silence within us.

"Oh, kalma. Hindi pa tayo nahuli." She kidded at nauna nang bumaba ng hagdan.

"Damn, Sabrina! Araw-araw nalang ba talaga tayo ganito sa kaba?" Lorraine exclaimed while fixing her sweaty forehead. "Shems, ang bangs ko."

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Kde žijí příběhy. Začni objevovat