Chapter Eight (Poem: Day 3 of 41)

103 43 19
                                    

"Nakita niyo 'yon?" I asked through whisper while walking down to the ground floor.

Nakadikit sa akin si Lorraine habang nasa isang gilid ko si Kisses at nasa may bandang likod namin si Christine, na hindi man lang kinakabahan.

"Ano meaning 'nun?" I asked again before I step my foot on the first floor.

"Nakita ko 'yon. Sab, sinasabi ko sa'yo, kapag tayo mahuli, ewan ko talaga!" She exclaimed while still whispering.

I bit my lip. Second day pa nga lang ng pagbibigay ko ng poetry ta's mahuhuli agad kami? Huwag naman ganon.

"Sus, hindi ba pwedeng coincidence lang? May nakalimutan sa loob? Or nakita ang mukha mo kaya natakot?" Christine speak at agad namang hinila ni Lorraine ang buhok niya. "Aray, ha!" Sigaw ni Christine nang hilahin pa ito ni Lorraine paibaba.

"Minsan ka na nga lang mag-salita about nito dahil puro ka boyfriend ta's ngayon ang babastos niyang lumalabas sa bibig mo? Sakmalin kita, gusto mo?"

"Ayy! Ahas ka girl?" Kisses uttered at sinundan niya ito ng tawa.

Tumawa rin ako dahil sa mga pinaggagawa at pinagsasabi ng mga kaibigan ko. Akala ko ba ako lang savage dito? Mukhang natuto na yata ang mga alagad ko. Pft

"Pero seryoso," Kisses changed the topic at nilingon ako, "baka nakita tayo kanina?"

"Gaga. Paano nga eh nasa loob silang lahat kanina?"

I stop on my trance when I remembered na may konting space sa likod ng door. Pero hindi naman siguro posible 'yon dahil nasa harapan ang atensyon nila.

Unless may aksidenteng nakakita.

"Wala 'yan." I finally said at nagpatuloy sa paglalakad. We walk to the school gate at nagtungo sa may elementary school na katabi lang ng highschool.

Lorraine bought worth ten pesos pero dalawang five peso ice cream lang ang binili ko dahil ililibre ko si Kisses.

Taghirap at its finest. Kainis.

"Kapag matapos na itong exam and mga bayarin, punta talaga akong jollibee." I murmured while licking my ice cream.

"Yes! Baka next week dahil balik trabaho na ulit si Papa this Saturday." Kisses also uttered habang naglalakad na kami pabalik sa school namin.

"Sama ako." Christine said.

Nilingon ko si Lorraine na busy lang sa pagkain ng ice cream niya.

"Ano, girl? Wala kang plano?"

"Nakalimutan ko nga palang sabihin na wala ako next week dahil libing ng Lola ko this Sunday."

"Eh Sunday lang pala, bakit ka aabsent whole week?" Christine asked at huminto para tingnan si Lorraine.

"Oh sige. Ayos 'yan, one hour lang lang papuntang Cavite, ano?"

Oh.

Bakit hindi niya sinabi sa amin ng maaga? I know na close sila masyado nung Lola niya and I am worried if anong feeling niya ngayon. Maybe she needs a hug?

He's The Subject I Can't Have [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon