Kabanata 2

193 20 9
                                    

Kabanata 2

Encounter

Ang sabi nila, beauty is in the eye of the tiger. Pero paano ako? Baboy daw ako eh? Edi wala sakin ang beauty?

Being fat is not a problem, it's a choice. And my choice is to eat a lot and enjoy my life. What's the matter with that?

Ang dami-daming problema ng mga tao, pati buhay ng iba pinapakialaman. Bakit hindi nalang ang buhay nila hindi ba?

Mga judger.

Naubo ako nang makita si Sean na may kasama, aba galing pumulot ng lalaki ah. Gagang to, hindi nag s-share!

Gustuhin mo man silabg istorbuhin ay wala akong magawa dahil once na umalis ako dito sa pwesto ko, wala na akong mababalikan.

"Pig! Pig! Yuhoo!"

Hindi ko sila pinansin, ang mga nagtatawanan sa likod ko ay mga bully na. Malakas lang loob ng mga iyan dahil ako lang mag-isa eh. Ayoko na rin patulan dahil dapat ay maging role model ako sa mga kasama ko.

Pero nasaan ang hustisya?

Naramdaman ko nalang ang isang basang bagay sa buhok ko, nang hawakan ko iyon ay malagkit...parang strawberry na palaman.

Nilingon ko sila at nagtatawanan parin. Nakita ko strawberry jam sa mesa nila, mga bugok.

"Hoy! Sinong nagbato sa akin nito?" tanong ko.

"Bakit piggy? May magagawa ka ba? Wala, kawawa ka naman. Bagay lang sayo yan! Panget na mataba pa! Nyenyenye."

Naikuyom ko ang kamay ko sa pang gigigil. Hay nako girl! Kung gusto mo pang mag aral magsabi ka!

Inirapan ko nalang sila saka bumalik nalang sa pagkain, unti-unting nagsidatingan sina Rain, Raina, Avi, at Joy.

"Oh anyare sa buhok mo?" tanong ni Rain.

Umirap ako, "May demonyong nambato ng palaman eh." sambit ko.

"May pamalit kapa? May mga gamit ako panligo sa bag." ani Raina.

Umismid ako sakaniya, "Ano ako poor? Maliligo dito sa school?"

"Kesa naman sa malagkit ka jan, pamugaran ka ng lamok." pagtataray niya.

Inirapan ko siya saka tinignan ang relos ko. Sheez ang bagal naman ng oras! Magkikita pa kami ni Niro.

"May ka s-x ka uli?" tanong ni Rain.

Nilakihan ko siya ng mata kaya natawa siya, "Dude, bunganga mo."

Avi coughed kaya napatingin kami sakaniya, "You know guys? Let's party tonight! My friend gave me six tickets sa isang sikat na bar!"

"Baka bodi yan ha?" tanong ko.

"Ayaw mo nun? Marami kang mapapapasok!" tawa niya.

Umismid ako saka binalingan ang tulalang si Joy. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Hoy bruha!" sigaw ko sakaniya. "Tulala ka jan?"

Hindi siya nagsalita. Bigla siyang umalis saka tumakbo, problema nun?

Tumayo si Raina saka hinabol ang nag walk out naming kaibigan.

"There's the hero."

"Raina's doing her best to comfort everybody. She's very caring, Cristhel." defend ni Rain.

Mag best friend nga.

Binasa ko sa CR ang buhok ko. Nakakainis naman oh! Malagkit at mabaho na din, paano kung maamoy to ni Niro?

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now