Kabanata 37

153 13 4
                                    

Kabanata 37

Back

Panay ang irap ko sa tuwing tinatanong ni Humprey ang gusto ni Zachill. Nasa mall kami ngayon dahil narin sa kagustuhan ni Zachill at saktong nasa tapat ng bahay kanina si Humprey para bisitahin ang anak ko.

"Do you want this or that? Or both?" tanong nito habang may hawak na mga laruan.

"Both!" sagot nito.

"Zac." awat ko. Yumuko siya saka na tinuro ang isang laruan na hawak ni Humprey.

Nag angat ito ng tingin sa akin saka nagtaas ng kilay. Mataray ko siyang tinitigan, kaya umiwas siya sa mga mata ko at binalingan ang nakayukong si Zachill.

Masayang masaya si Zac lalo na't binili ni Humprey ang dalawang laruang gusto nito. Pinigilan ko siya nguni't ang isinagot niya ay...

"Ako naman ang magbabayad, hindi ikaw."

Wala akong nagawa kundi ang matahimik nguni't paminsan minsan ay inaawat ko ang anak ko.

"Want to ride a horse?" sabay turo niya sa mga kabayong sasakyan na pambata.

Nahihiyang tumango si Zachill. Hinila ko siya papunta sa likuran ko at hinarap si Humprey.

"That's enough" mahinahon kong sabi.

Nagsalubong ang kilay nito, "What's the problem, Joie? I just want to make it up Zachill."

"You're spoiling him! At wala ka sa plano ngayong araw na ito kaya huwag mong sisirain ang araw namin ng anak ko!"

Nagdilim ang mga mata niya, "Anak ko din siya, Joie."

"Paano mo nasisiguro? You and your fool instinct!"

Hindi siya sumagot, hinila ko na ulit si Zac paalis nguni't hinabol pa kami ni Humprey.

"Hey, hey." habol niya. "Fine. Hindi na ako manggugulo sa plano, just...let me spend time with my son." aniya.

Ngumisi ako, "You don't have a son."

Hindi siya nakasagot, "Hindi porque may naging connection tayo ng nagdaang mga taon ay sa iyo na si Zachill. I have Josh, remember?"

Blanko ang kaniyang mga titig sa akin, kahit ako ay hindi makapaniwalang ginamit ko si Josh sa ganitong sitwasyon. Ayokong ipagsungit si Zac sa kaniyang tatay nguni't ayoko ding mas marami siyang oras sa kaniyang ama na niloko kaming dalawa.

"F-Fine. Then, a tito may do."

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi nito, kinokonsensya niya ba ako? Bakit ba gustong gusto niyang kasama si Zachill? Bakit ba ayaw niya kaming tantanan? Ito ba ang tinatawag nilang lukso ng dugo?

"Hey big boy. Want to eat somewhere?" may bahid ng lungkot sa mga salita niya.

Masayang tumango si Zac, "Mama, Pizza!"

Hinawakan ni Humprey ang kabilang kamay ni Zac. Tumatalon talon ang bata habang papasok kami sa Pizzahut. Tatlong pizza ang inorder nito at pina take out ang isa.

"Mama!" tawag ni Zachill kaya napatingin ako sakaniya. Sinubuan niya ako ng isang pizza saka humarap kay Humprey at sinubuan din ito.

"Hello po Ma'am and Sir. We are doing a thesis about How Families bond together. Can we take a picture of you po?" tanong ng isang estudyante na may hawak na mga papel kasama ang isang may dalang camera.

"Ah! Sorry pero hindi kami-"

"Sure, why not?" ani Humprey sabay tingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin saka inirapan.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now