Kabanata 1

332 22 2
                                    

Kabanata 1
Save

Panay ang pagsama ng tingin ko sa mga estudyanteng nakatingin sa akin. Ano bang nga problema nila? Bakit hindi nalang nila pakialaman ang mga sarili nila? Imbyerna.

"Ang pangit mo, batchoy!" sigaw ng isa.

"Wag kang mag-alala, mas pangit ka. Pakyu!" saka ko itinaas ang middle finger ko sakaniya.

Sanay na ako sa mga pambubully ng mga schoolmate ko, hindi na bago ito mula nang elementary hanggang mag high school ako.

Hindi ko alam kung anong mali sa size ko? Hindi ba nila narinig ang Beauty is in the eye of the tiger? Mga ulol.

Dumiretso ako sa faculty at hinanap si Sean, ang president ng school na ito. She's very busy doing everything that is connected to school activities. Napakasipag ni mudra.

"Bacteria, may maitutulong ba ako?" tanong ko sakaniya.

"Puntahan mo nalang si Aina saka si Rain. Pasabi kailangan ko sakanila yung mga lists ng schedule at yung mga minute ng meeting ng nakaraan. Salamat."

Lumabas ako ng faculty para hanapin ang dalawa. Pero sa kalagitnaan ng paghahanap ko at hinarangan ako ng mga mean girls ng school.

"Hi chubs! Ilang kilo ang dumagdag sa atin ngayon?" sambit ni Aidee.

"Ikaw ilang kapal ng pagmumukha ang hinarap mo ngayon?" tanong ko din sakaniya.

She gasps saka tumingin sa mga kasama niya. Pinagtutulak pa nila ako at hindi lumaban.

"Akala mo kung sino kana! Naging muse ka lang lumaki na ang ulo mo! Sipsip ka. Kaibigan mo lang ang President kaya ka nanalo bilang muse!"

"So ano ngayon kung ako ang muse, inggit ka?" irap ko sakaniya.

"Fuck you! You fat girl--"

"What did you say, miss Aidee Morenz?" biglang sulpot ni Raina sa likod ko.

"V-Vice..."

"Paki-ulit nga ang sinabi mo?"

Hindi na umimik si Aidee at nagsimula nang magsitakbuhan ang mga kasama nito, sumunod na din siya.

"Bakit ka ba dumating sa aksyon! Kaya ko naman sila eh!" reklamo ko.

"Oh? Kaya pala para kanang daga na gusto nang tumakbo dahil nahuhuli na ng pusa."

Inirapan ko siya saka ko napagtanto na sila nga pala ang kailangan kong hanapin!

"Rai, nasaan si Rain?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin at nag cross arm, "Ako yung nandito, iba hinahanap mo? Respeto naman."

Umirap siya sakin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Attitude ka ghorl?

"Dali na, hinahanap kayong pareho ni Pres."

"Bakit daw?" she asked.

"Aba'y malay ko. Inutusan lang ako ghourl." irap ko.

Umirap din siya sa akin saka naunang naglakad. Sumunod ako sakaniya, may iilang nakatingin sa amin at pinagtataasan nila ako ng kilay.

Ahitin ko mga kilay niyo eh!

Bumelat ako sakanila saka pinakyuhan, biglang tumigil si Rai sa kakalakad kaya nabunggo ako sa likod niya.

"Stop sending your middle finger to them. They don't deserve it."

Nagsimula na ulit maglakad si Rai kaya sumunod ulit ako. Pumasok kami sa SCO at nakita doon si Rain na maraming isinusulat. Katambak ang mga papel na nasa mesa niya, nagkalat na rin ang maraming papel sa paligid ng trashbin dahil puno na ito.

"Hoy, tawag daw tayo ni Pres." ani Raina.

Umangat ang tingin sa amin ni Rain saka yumuko na sa mesa, she let out a sighed saka isinuot na ang headband nito. Her short straight hair waves when she flipped her hair.

Taray, may pa hair flip si Mayora.

Sumabay akong naglakad sakanila hanggang sa matanaw ko si Joy na tumatakbo papunta sa amin. Nangingiti ang loko at biglang nadapa ng hindi mapansin ang malaking bato sa gilid.

Tumawa ako ng malakas dahilan para mapatingin sina Rain at Raina sa tinitignan ko. Raina just chuckled softly habamg si Rain ay humugalpak sa kakatawa.

"Bakit ang tanga mo Joy?" natatawa kong tanong.

"Ang sakit non! Tanga nung bato." Aniya.

Tumawa ulit kami saka tinulungang magpunas ng tuhod si Joy, sumama siya sa amin kahit wala naman siyang gagawin. Engot talaga, well ako din naman. Gusto ko lang na gumala ng gumala ng gumala.

Pagdating namin sa loob ay nandoon na si Avi na may katambak na pera sa harapan niya, lumapit ako doon at kinuha ang isa.

"Hoy! Bitawan mo iyan, malilito ako!" sigaw niya.

"Sinisigawan mo ako, pinakain moko ghourl?" irap ko.

Nag make face siya sakin saka bumaling sa binibilang. Halos busy na sila at tanging kaming dalawa nalang ni Joy ang nakanganga. Ginutom tuloy ako.

Hinatak ko si Joy palabas at para kumain na din sa cafeteria o canteen o sa labas, ay bahala na kahit saan basta may makakain!

Nakakita ako ng ihaw sa kabilang kalsada, nawala bigla si Joy sa tabi ko at nakita ko siyang papunta ng garden at may sinusundan.

Psh, pokpok.

Lilipat na sana ako ng biglang may humatak sakin paatras! Nakita ko ang isang malaking truck na biglang sumulpot kung saan!

"Woah, bigat mo ah." napatingin ako sa lalaking nasa likod ko't nakaupo din. "Mag diet ka minsan, Miss."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya! Hindi porket gwapo siya ay hahayaan kong sabihan niya ako ng ganoon!

"Hoy! F.I.Y, kahit mataba ako maganda ako no! Mas gaganda pako kung papayat ako!" Irap ko.

Umismid siya, "Oh? Papayat ka muna." Aniya saka tumawa. "Wala man lang bang thankyou dahil niligtas kita?"

"At bakit? Sinabi ko bang hilahin mo ako?"

Yan girl! Pa hard to get ka dapat!

"Bahala ka nga sa buhay mo." Sambit niya saka tumayo't umalis.

Tignan mo iyon, gago!

Bumili nalang ako ng isaw para maalis ang pagka inis ko, at dahil sa sobrang inis nakakarami na pala ako ng stick.

"Busog na busog ah." ani Raina saka ngumisi, ewan ko sainyo!

Buong araw yata akong wala sa mood. Di bale na nga lang, kakain ako kina Mommy Chick mamaya.

Sakay ng tricycle ay sinundo ko muna sina Jumi at Jaja, mga kapatid kong kambal. Malulusog din sila at cute tulad ko. Umuwi na kami katapos.

Nilantakan ko ang mga pagkain sa ref, saka umakyat na sa kwarto. Nag facebook muna bago matulog.

Share post dito, share post doon. Ganyan ang buhay walang ka chat, walang jowa.

Bigla ko tuloy naalala yung lalaki kanina, sino yun? Base sa uniform niya taga Andrews siya. One of the private schools here in La Candaba.

Isinawalang bahala ko muna ito saka na natulog. Mas maganda ang healthy brain, at healthy body. Magkikita din kami ulit nun.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now