Kabanata 31

119 12 2
                                    

Kabanata 31

Blessing

Napuno nang iyakan ang araw ng libing ni Raina. Ayoko mang umiyak pero hindi matigil tigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Mas masakit pala ang mawalan ka ng isang mahal sa buhay na kahit kailan ay hindi mona makikita pa.

Ilang buwan na rin akong hindi umuuwi kina Rain at alam nila iyon. Bumukod na ako kahit ayaw nila, regular parin akong nagtatrabaho sa milktea-han ni Josh na siyang naging kaagapay ko rin sa lahat ng bagay.

Nakapag enroll na din kami ni Josh bilang isang criminology student. This will be rough for me dahil kailangan kong bantayan ang anak ko habang nag aaral at mag doble kayod pa sa pagtatrabaho para matustusan ang pangangailangan ko sa pag aaral pati narin sa baby ko.

"Kailan daw ang due date mo?" tanong ni Josh habang naghuhugas ng pinggan sa kusina.

"Last week daw nitong buwan. Kaya nga naghanda na ako eh, baka kasi bigla nalang akong mag labor." tumawa ako.

"Medyo hype ka nga ngayon eh." tawa din niya.

Bigla tuloy akong nainis, "Huwag ka ngang tumawa!" irap ko.

"Ayan napo, mood swings ng nanay."

Lumabas nalang ako at naupo sa gilid. Sakto naman ang pagdating ni Mika at nang mga kaibigan niya.

"Hello, Ate Cristhel!" kaway niya. Kumaway din ako pabalik nguni't sumakit ang tiyan ko.

Bigla kong nakita ang dumadaloy na tubig sa hita ko!

"M-Mika!" una kong natawag. Mabilis siyang nagpunta sa pwesto ko at hinawakan ang tiyan ko.

"H-Hala! Kuya!"

Lumabas si Josh habang nagpupunas nang kamay, nguni't bigla ding naalerto nang makita ang kalagayan ko.

"Mika, ikaw na munang magbantay dito ah!"

Binuhat ako ni Josh papasok sa tricycle niya. Hindi ko alam kung papaano ko nakayanan ang mga bawat bako bakong daan patungong hospital.

Pinasok nila agad ako sa D.R at inasikaso. Sobrang pagod na pagod ako, nguni't hindi ko magawang makatulog lalo na nang narinig ko ang unang iyak niya.

"Congrats Ma'am! It's a healthy baby boy!" ani ng isang nurse sa gilid ko.

Binuhat ko siya at nang maramdaman ko ang bigat niya ay hindi ko maiwasang mapaluha. Ikaw ang pinaka magandang blessing na natanggap ko kahit na maraming malas akong naranasan.

"P-Patawad anak kung binalak kong patayin ka." umiiyak kong turan. "Sorry. Sana mapatawad mo si Mama, mahal na mahal kita."

Kinuha nang nurse sa akin ang anak ko saka nalang ako nakatulog. Nagising nalang ako nang nasa regular na room at naroon si Avi at Rain kinukunan nang litrato.

"Congrats! May baby na tayo!" tuwang tuwang sabi ni Avi.

"Mommy Tel, tinatanong napo ng nurse kung anong ipapangalan sa baby." ngisi ni Rain.

Bigla akong napaisip, ano nga ba ang ipapangalan ko? Sa dami nang iniisip ko sa buong siyam na buwan ay hindi ko man naisip ang magiging pangalan niya, not to mention na alam ko na ang magiging gender nito.

"Zachill." unang pumasok sa isip ko.

Nanlaki ang mga mata ni Rain sa akin, "A-Alam mo ba ang meaning ng pangalan na iyon?" tanong niya.

"Ano?" si Avi.

"It means pain or slang? Ewan basta may mean siya about pain." nag aalala nitong sambit.

"Oo. Siya ang bunga nang paghihirap ko, at kahit na masakit ang lahat nang nangyari, he became my strength."

Tumango nalang si Rain sa akin saka binuhat si Zachill.

"Ang cute ni baby Zac! Kamukha niya si Humprey!" tuwang sambit ni Avi. Napawi ang ngiti ko nang marinig iyon.

"Av." awat ni Rain.

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig, totoo bang kamukha niya si Humprey? Ni isang beses ay hindi ko siya pinaglihian. Ganoon ba kalakas ang dugo ng isang Trinidad?

Dumating si Josh na may dalang mga prutas. Nakibuhat din siya kay Zac saka nakipag selfie pa. Binalik din nila siya kalaunan matapos ko siyang hawakan.

Pinakain nila ako at nagtanong sa nurse kung ilang araw pa ako mamamalagi sa hospital.

"You know I can baby sit him! Habang nagtatrabaho ka sa amin muna siya!" ani Avi.

"Oo nga Tel, tutal mag aaral kana kamo at ayaw mo nang tulong namin. Kahit ang pag aalaga nalang sa inaanak namin, pumayag kana."

Wala akong naging choice kundi ang pumayag sa kundisyon nila. Ang mahalaga ay ang makaipon ako para sa aming dalawa ni Zac.

Ilang linggo bago ako makalabas ng hospital, sobrang pasasalamat ko sa dalawa matapos nilang bayaran ang naging hospital bills ko. Kasama narin si Josh na siyang pabalik balik para sa mga gamit namin.

"Dito nalang ba?" tanong niya nang makauwi na kami sa apartment na tinutuluyan ko.

"Uh Tel? Ayaw mo ba p renovate ko itong house mo? It seems very creepy kasi because it's very dark."

"Av, hindi naman sa akin itong bahay na ito para pa renovate ko. Plus the fact na inuupahan ko lang."

"Then I'll buy this house and make a gift for you!" palakpak niya.

Umismid ako, "Hindi ko matatanggap iyan-"

"Oops, wrong word. It's for my inaanak so wala kanang dapat na ireklamo, diba baby?"

"Avi. Hindi namin matatanggap iyan, kaya ko namang kumayod mag isa para mabili itong bahay." sambit ko.

Bumuntong hininga siya at sumuko na. Sobrang daming pinamili nang dalawa para kay Zachill. May stroller agad kahit na ilang linggo palang siya.

Napuno ang isang kwarto ng mga regalo galing sa dalawa. Mag gabi na nang umuwi sila pati narin si Josh, labis ang pasasalamat ko sakanila sa mga tulong.

Inihiga ko si Zac at binihisan. Hindi ko maipagkakailang may hawig nga siya ni Humprey. He really resembles his father's features, at nakakatakot na baka isang araw ay malaman ito ni Humprey at kunin sa akin ang anak ko.

This blessing is for me. Mine only. And no one can take him away from me without ny consent. Magkakapatayan man, hinding hindi ko isusuko ang anak ko na dinala ko nang siyam na buwan.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now