Kabanata 12

109 13 0
                                    

Kabanata 12

Pageant

"Cristhel." Tawag nila.

Tamad akong nagmulat ng mga mata at nakita ko silang pare-parehong nakapamaywang sa akin pwera kay Sean na nakahalukipkip.

"Ano?" bored kong sagot.

Sobrang dami nilang dinaldal patungkol sa kung anong mga bagay. Iniirapan ko nalang sila saka yinakap ang throw pillow doon.

"Pero infairness, pumapayat ka ah." Ngisi ni Sean.

Umirap ako, "Nasasarapan eh."

Nagmura siya saka ako hinampas sa likod! Hapding hapdi ngayon ako na tinawanan lang ng mga kasama.

Kabadong kabado akong naharap sa salamin habang hinihintay si Avi na may kausap sa likod. Naroon din si Raina na nakatingin lang sa mga magazines.

Nang makabalik na si Avi ay inumpisahan na nyang kulayan ang mukha ko. Sinasamaan ko siya ng tingin sa tuwing masyado nang mabigat ang mga kamay nito.

"Gaga dahan-dahan!" reklamo ko sakaniya. Inirapan niya lang ako saka pinagpatuloy ang ginagawa.

Naka iglip ako saglit habang inaayusan ako ni Avi, sobrang kinakabahan ako ngayong araw dahil narin sa mga posibleng mangyari.

"P-P-Po-P-ta!" hindi ko makilala ang sarili ko! Hindi ko alam kung iyon ba ay picture lang o g.i.f na ginawa ni Avi sa salamin!

Pumalakpak ito, "How's my talent?" tanong niya.

"Pwede nang pag tyagaan." gulat kaming lumingon kay Raina na nakatingin sa akin. Gaga talaga 'tong isang to!

Kinakabahan ako nang sobra dahil hindi ko naman gamay ang mga pageant tulad nito. Paano nalang kung madapa ako? O di kaya'y matapilok? Nakakahiya!

"Sending flowers to Miss Cristhel Joie Alonzo."

Sabay-sabay kaming lumingon sa may pintuan kung saan naroon ang isang delivery boy na may hawak na kumpol ng mga bulaklak!

"Woah." si Avi.

Pinirmahan ko iyon at pinagmasdan habang inaayos pa nila ang susuotin ko para mamaya.

To: Cristhel Joie

Do your best! Good luck.

-K

K? Sino namang magbibigay sa aking may pangalang K? Ni wala man akong nakakasamang may K sa pangalan?

Ibinalik ko sa loob ng mga bulaklak ang sulat saka nilapitan sina Raina.

"May kilala ba kayong K?" tanong ko.

Nagtaas ng kamay si Avi saka ngumiti sa akin, "Ako! Si Kenji, Klea--"

"Na kilala ko?"

Ngumuso ito saka umiling, gayon din si Raina na nanatiling nasa damit ang atensyon.

"I wonder kung sinong magpapadala saking may letter K sa pangalan?"

"Secret admirer, maybe?"

Napaisip ako, bakit naman ako magkakaroon ng secret admirer kung sa unang lugar ay walang mag gusto sakin dahil sa pangangatawan at pagmumukha ko? Kailangan na yata silang dalhin sa mental.

"Imposible!" Kontra ko sabay iling. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kung kaya't tumangon nalang din siya.

Avi sighed, "Uh, natalo nanaman ang Paralaya sa VB. Grabe pasok sa palarong pambasa ang mga kalaban nila niyan." malungkot na tinig nito.

"Sinong kalaban?"

"HCC."

Punong puno ng mga estudyante ng Paralaya ang covered court, kung saan gaganapin ang Look for Mr. And Ms. Paralaya.

Huminga akong malalim bago nilingon ang mga SSC'ng nagtatrabaho at sina Sean na nag o-operate ng sounds at music.

"Kaya mo iyan. SSC believes in you." ngiti ni Rain.

"Yeah."

Huminga akong malalim bago pumila sa mga contestants, pumwesto ako sa may dulo ng linya saka padarag na binigyan ng numero.

Twelve.

"Good...luck." mataray na sambit ng nagbigay saka ako inirapan.

Umirap ako pabalik saka inilagay ang numero sa may ibaba ng suot ko.

"And now, let's all welcome the contestants for Mr. And Miss Paralaya 2019!"

Bawat hakbang ko ay siyang pagkabog ng dibdib ko, nag iinit ang katawan ko dahil sa kaba. Hindi man ako makangiti ng maayos at palagi akong nayuyuko at pawang nawawalan ng confidence.

Nagsimula nang rumampa ang una, masyado siyang kampante sa mga nasa paligid niya. Nang nagsimula na siyang nagsalita ay naghiwayan ang nga audience sa court.

Lalo akong kinabahan, thinking na baka wala ni isang pumalakpak dahil sa akin. Siguro I just let this event passed and everything will be alright...back to normal.

Palapit na ako at masyado nang maingay sa court, hindi ko alam kung ano na ang ipinaglalaban ko at bakit ako nandito ngayon.

"You okay?" tanong ng nasa likuran ko. Ang make up niya ay hindi ganong kakapal tulad ng akin, lumilitaw ang natural na ganda nito sa light make up niya.

"O-Oo." sagot ko.

Ngumiti siya sa akin, "Mukhang hindi eh. Namumutla ka kahit may lipstick." mahinhin itong tumawa. "Ako nga pala si Faith...Faith Lugreta."

Parang isang matalim na kutsilyo ang dumaan sa pagitan naming dalawa, hindi ko alam kung bakit  gulat na gulat ako.

Isa nanamang Lugreta? Pero ang isang 'to ay mabait naman, hindi siya katulad ni Reyma na kakambal ng isang ahas dahil mapanganib.

"C-Cristhel." pakilala ko.

Ngumiti lang siya sa akin saka tinap ang balikat ko, "Ikaw na ang susunod hindi ba? Kahit may ayaw sa'yo jan sa loob ng court, isipin mo imbes na kamuhiyan ka nila, mamahalin ka. Just think of them loving not hating you, mapapa-boost ang confidence mo doon."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsimulang rumampa sa may stage, sobrang dami ng mga nanonood at may kanya-kanyang banner ang bawat representative.

Nagsimula na akong kabahan at naging dahan-dahan ang paglalakad ko. Unti-unting napapawi ang peke kong ngiti nang makita ang mapanuri at judgemental na mga mata ng lahat.

"GO! CRISTHEL! GO, GO CRISTHEL JOIE! GO, GO, LET'S GO, LET'S GO, CRISTHEL JOIE!"

Gulat. Iyan ang mababakas sa mukha ko pati ng lahat nang makita ang sobrang laking banner sa may likuran. Sina Sean at Avi na nag chi-cheer at ang ibang officers na may mga dalang isang litrong plastic bottle  para gumawa ng ingay.

Bigla akong nabuhayan ng loob nang makita at marinig nag pag chi-cheer nila sa akin.

Kampante akong tumayo sa gitna ng stage saka taas noong pumwesto sa tapat ng mikropono.

"I, Cristhel Joie Alonzo, 19. Sumpreme Student Representive."

Nang maghiyawan sina Sean ay sumabay ang iba sa pagpalakpak at paghiyaw.

Even you are the most hated person in one place, you will earn your name in the right time with the right stage.

In this pageant, it taught me how to fight, to handle, and to be braver to face everyone even if they don't like you.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now