Kabanata 10

117 12 1
                                    

Kabanata 10

Accused

Pinapanood ko lang si Avi na namimili ng mga damit tapos ay itatapat sa katawan ko at siya nang bahalang mag decide noon. Hindi parin kasi mawala sa isip ko ang mga nawalang mga dokumento ng mga officers.

"Hindi ba naka on ang CCTV?" biglaan kong tanong.

Natigilan si Avi sa narinig at nilingon ako, ngumiti lang siya sa akin saka binayaran lahat ng mga pinamili.

Sunod kaming pumunta sa bilihan ng mga make ups at wala ni isang salita ang narinig ko mula kay Avi patungkol sa school.

"Av." Tawag ko.

Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pamimili ng mga make up, kaya naman tumalikod na ako at agad na lumabas para mag abang nang masasakyan.

"Cristhel!" sigaw ni Avi nang makasakay na ako, hingal na hingal ito sa may gate ng mall.

Nagpahatid ako papuntang school, may mga tao pa naman siguro doon.

Pagbaba ko ay may iilang nakatingin sa akin ng masama, alam kong pangit ako kaya huwag kayong mainggit please.

Pumasok ako sa SCO at laking gulat ko na naroon si Humprey!

"H-Humprey? Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Why can't you believe me, Miss President? Kumakampi ka yata sa kaibigan mong magnanakaw?" sambit ni Reyma.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sakanila, what are they talking about?

"Accusing people without enough evidence is wrong, Miss Lugreta." sagot ni Sean.

Ngumisi ang bruha saka nilingon ulit ako, "But, how about asking the Vice President? I believe she saw your friend alone in your office?" aniya.

"Hoy! Pinagbibintangan mo ba ako ha?" lumapit ako nang kaunti nguni't hinarangan ako nina Francis. "Paraanin niyo ako!"

"Sorry tel, pero under investigation kapa." sagot niya.

Natigilan ako at napatingin sa mga kaibigan. Sean just frowned saka nag iwas ng tingin ganoon din si Rain. I can't believe this!

"A-Ako?" tanong ko habang nakaturo sa sarili. "H-Hindi kayo naniniwalang hindi ko ninakaw ang dokumentong iyon? P-ta! Anong gagawin ko sa mga 'yon? Makakain ko ba 'yon ha?!"

Naiyak ako sa sakit ng dibdib, bakit? Bakit mga kaibigan ko pa? Bakit hindi nila ako mapagkatiwalaan? Is this all planned?

Lumabas ako ng SCO at dumiretso sa faculty para kitain si Mommy Chic, pero kamalasan nauna na pala siyang umuwi.

May mga masasamang tingin from teachers akong natatanggap. Para saan pa? Baka isa din sila sa nambibintang sa akin.

"Gusto niya nga kasing manalo kaya ninakaw niya. Grabe, gusto lang magkaroon ng malinis na pangalan magnanakaw pa." dinig kong sambit ng iilan sa hallway.

Yumuko ako at lumabas na ng school. Pumunta ako sa may nagtitinda ng isaw at walang ganang bumili doon.

"Bakit ka malungkot, ineng?" tanong ng tindera.

Ngumiti ako nang mapakla sakaniya bago kumain. "Napagbintangan po akong magnanakaw." tawa ko nang bahagya.

Hindi siya nagsalita, ngumiti lang siya sa akin saka nag ihaw pa ng iba.

"Oh heto, para naman maging maayos na ang pakiramdam mo. Libre kona iyan sayo."

Naluha ako, "S-Salamat po."

Pagkatapos kong kumain ay natanaw ko sa kabilang daanan si Humprey na pinapanood ako. Madilim ang mga mata niyang nakatingin sa akin, inirapan ko siya saka nag abang ng tricycle.

Pagkababa ko sa tapat ng bahay ay naroon si Raina kasama si Avi. Inirapan ko sila saka binangga sa balikat ang mga ito.

"Tel." tawag ni Raina.

Tumigil ako sa paglalakad at nanatiling nakatalikod sakanilang dalawa.

"I know who wouldn't do such thing."aniya.

Humarap ako, "Talaga? Sana all."

Avi sighed, "I know this will happen kaya kita sinama sa mall." sambit nito.

Hindi ako sumagot, nanatili lang sakaniya ang titig ko. "Sana all ganyan ang pag-iisip. Kasi ako? Hindi na eh. Iniisip ko nalang na may pumasok na bad spirit sa katawan ko tapos naisipan niyang nakawin yung mga documents niyo tapos lumabas na sa loob ko." nakikita kona ang mga namumuong luha ko, "A-Alam niyo ba ang feeling ng akusahan sa bagay na hindi mo naman ginawa? Alam niyo ba ang feeling na magmukha kang criminal sa mata ng lahat? Para na akong mamamatay sa mga titig ng mga tao!"

"You need to be calm--"

"Paano akong kakalma kung nasasaktan ako ha!" Sigaw ko. Nagsimula na akong humagulgol sa harapan nilang dalawa. "Natitiis ko yung mga panlalait niyo, nila. Nasasabihan ng mga masasakit na salita kasi feeling ko deserve ko naman, kasi hindi naman ako matalino, hindi rin ako maganda. Pero yung madungisan ang pagkatao ko, yun ang hindi ko matitiis."

Wala ni isang nagsalita sakanila, tinapos ko ang pag iyak ko kahit sa loob ko ay masakit pa rin.

"Umalis na kayo." sambit ko saka tumalikod sakanila.

Pumasok na ako ng bahay saka ko narinig ang pag andar ng sasakyan nila. Huminga akong malalim saka umakyat ng kwarto.

Doon ko iniyak ang lahat ng mga sakit sa dibdib. Nagpatugtog pa ako ng mga kanta ng bangtan para lang matakpan ko ang mga paghikbi ko.

Bakit ba napakadaming judgemental sa mundo? Wala pa nga silang proweba agad na silang nanlalait? At kahit pa napatunayang wala kang ginawa, ikaw parin ay mananatiling marumi sa mata nilang lahat.

Minsan lang madungisan ang pangalan at pagkatao mo, buong buhay kanang madumi.

"Cristhel?" katok ni Mommy Chic.

Isa pa siya, nahihiya na ako sakaniya. Ano nalang ang sasabihin sakaniya ng mga kasama niyang teacher?

"Anak, pahinga kana. Kahit malakas iyang pinapatugtog mo, naririnig kopa ang paghikbi mo. Pahinga kana, Tel. Huwag mo munang isipin ang mga problema mo ngayon, naniniwala akong wala kang ginawang mali. Pinalaki kita ng tama." aniya sa likod ng pintuan.

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niyang iyon, dagli akong tumakbo para buksan ang pinto at yakapin siyang mahigpit.

Hinagod niya ang likod ko, "Ssshhh, tahan na. Magpahinga kana, anak." Aniya.

Ilang minuto din akong umiyak sa balikat niya at nang makaramdam ng pagod at antok ay agad din akong nakatulog.

Muse Beauty (Officer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon