Kabanata 11

109 11 0
                                    

Kabanata 11

Foundation

Mabilis lang lumipas ang oras, foundation na namin ngayon at sa huling araw ng event na 'to, doon gaganapin ang pageant.

Itutuloy daw sa kadahilanang kailangang koronahan ang bagong Mister and miss Paralaya. But, hindi ba nila ako papalitan?

Masyado na akong maraming issue ngayon at mainit ako sa mga mata ng lahat. Tanging ang mga kaibigan ko nalang ang nakakausap ko dahil ang lahat tingin sa akin ay kriminal.

"Hoy cheer up ka nga, papangit ka lalo." ani Rain habang nakaupo kami sa may garden.

Naka upo lang ako habang nakatanaw sa labas ng gate, at siya naman ay may binabasang kung ano.

Huminga akong malalim, "Sigurado kabang kailangan ko pang lumaban? Alam mo naman yung issue ko ngayon."

"Tel, in order for you to clean your name is to fight. Hindi yung aatras ka sa laban dahil lang sa inakusa sayo, magmumukha ka lang guilty no! Duh." irap niya.

Wala na akong maidugtong sa sinabi niya, maybe she's right. Kailangan kong linisin ang pangalan ko.

Nakarinig ako ng untugang mga bote kaya napatingin ako kay Raina. Napatalon ako sa gulat nang makita ko siyang ganoon ang itsura!

"A-Anong nangyari?"

Ang mahaba niyang buhok ay naka braid ng hati, habang nakasuot sakaniya ang isang salamin!

"M-Manang??" sambit ko.

Inirapan niya ako at tumabi kay Rain. May pinag usapan sila nguni't dahil busy ako sa kakakain ay hindi na ako nakinig pa.

"Nga pala, hinahanap ka ni Humprey sa akin kanina." biglang sabi ni Raina kaya nabaling ako sakaniya. "Ilang araw mo na daw siyang di kinakausap." dagdag pa nito.

Nagkibit balikat nalang ako at nawalan ng gana sa pagkain. Ikaw ba naman makasaksi ng nakakakilabot na halikan nila ni Reyma! Nangailiti ako at napakuyom ang mga palad ko sa gigil.

"Chubby Joie." tawag nito.

Hindi ko siya pinansin at nagdiretso nalang sa lakad,isa lang ang sinasabi ko sa sarili ko para malagpasan ko siya ng ganoon...

Hindi ako marupok, hindi ako marupok...wait, mali. Hindi na ako marupok, hindi na ako marupok.

"Babe." nangilabot ang buong katawan ko nang tawagin niya akong ganon! Walang hiya...

Kunot noo ko itong binalingan, "Mandiri ka nga!" Sigaw ko.

"Wow, arte naman 'te. Hindi ba't ako dapat ang mandiri?" nakangiwi nitong sabi. "Nga pala, why are you avoiding me huh? Akala mo hindi ko napapansin? Iniiwasan mo ako."

Serves you right.

Umirap lang ako at nilagpasan siya nguni't hiniwakan niya ang palapulsuhan ko.

"Hey, what's wrong?" he asked. Seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa akin, kung kaya't ni isang tingin ay hindi ko magawa.

"Wala!" Sigaw ko at mabilis na nag martsa papuntang classroom.

Katulad parin ng nakaraan ay mainit pa rin ang issue patungkol sa akusang magnanakaw sa akin. Minsan nakakapikon na dahil sumusobra na sila.

"Magnanakaw iyan, huwag mong lalapitan."

"Naku baka manakawan din ako, mahirap na."

Paulit-ulit na senaryo sa tuwing nakikita ako. Hindi ko man pinapansin pero sa loob loob ko, masakit.

"Ang panget niya lang tapos magnanakaw pa? Kung gaano kapangit sa labas, ganoon din pala kapangit ang loob ano?"

"Oo naman, lalo na kung gusto mong maging famous nanakawin mo iyong mga tanong para sa pageant saka mo pag aaralan mga sagot. Boom! Sayo na korona, famous kapa. Kaya hindi ko siya masisisi kung dadayain niya ang sarili niya."

Nanatili akong nakayuko sa may bench kahit na nawala na ang mga nag uusap, kung may paraan lang para mawala ang issues kong hindi totoo ginawa ko na.

"Chubby Joie." hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagbibilang ng daliri. "Huy."

Tumayo na ako at naglakad papuntang canteen. Nakasunod parin siya sa akin kaya pinagtitinginan na kami ng lahat.

"Hindi ba siya yung taga Andrews? Close ba sila ni Cristhel?"

"Oo siya nga, di ba niya alam na nagnanakaw iyang si Alonzo? Mukha pa naman siyang mayaman."

I sighed nang marinig ko nanaman ang mga bulungan patungkol sa akin. Kailan ba sila titigil?

"Bakit ba ayaw mo akong pansinin--?"

"Hindi kaba nakakahalata?! Ayaw na kitang kausapin! Pwede ba layuan mo ako?!" hingal na hingal ako nang masabi ko iyon. May kung anong masakit sa dibdib ko pero hinayaan ko nalang.

Nauna na akong naglakad saka pumila sa may bilihan. Nang magbabayad na ako ay patapong ibinalik sa akin ang pera ko.

"Sayo na iyan! Hindi kami tumatanggap ng pera sa magnanakaw!" ani nito.

Nagtawanan ang mga nasa loob at nagsimula na ding magbulungan. Nilingon ko ang seryosong mga mata ni Humprey sa akin ngayon, umirap ako.

Patapon ko ding binalik ang sandwich na binili sa may mukha ng tindera.

"Sa'yo na rin iyan. Di baleng nagutom ako, huwag lang akong pagbentahan ng isang hipokritang gaya mo!"

Call me walang galang, that's true. Dahil ako si Cristhel Joie Maximiana Alonzo. See? Walang galang sa pangalan ko, kaya you can call me walang galang. Saka na ako mag c-complain kapag naging Galang na ang apelyido ko.

My neck hurts so bad. Umuulan ngayon kaya medyo nahinto ang preparation para sa iba pang mga activities ngayong  foundation.

"What a scene!" salubong ni Avi. "Look! The journalist made you a headline!" sabay latag ng isang dyaryo sa mesa saka hinilot ang sintido niya.

"Bayaan mo."

Napatingin ang lahat sa akin. Bumuntong hininga ako saka yumuko sa mesa para sana matulog nalang kaya lang nagsalita sila.

"Bayaan? Pangalan mo ang nadudumihan, Cristhel."

"Oo nga saka, we can't just stand right here and talks about it. We need to clear your name!"

"Paano naman? Through takutin sila dahil sa officer tayo ng SSC?"

Natahimik sila sa biglaang pagsasalita ni Raina, well may point din siya. Hindi nila kailangang manakot dahil sa akin.

"All we need is evidence na makapagsasabi na hindi talaga si Tel-tel ang kumuha ng mga files or documents para sa pageant."

Bumuntong hininga ulit ako at sumandal sa sofa. Masyadong nakakapagod ngayong araw.

"Cristhel." tawag nila.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now