Kabanata 8

117 12 0
                                    

Kabanata 8

Permission

"H-Hump~!"

Hindi ko maitago ang bawat halinghing ko habang binabayo niya ako ng marahas. Panay ang kapit ko sa kaniyang likod kahit na dumudulas lang ito dahil sa pawis niya.

"S-Sshh." aniya habang patuloy parin ang pag uga ng kama.

Kumain kaming dalawang tahimik, medyo awkward lang pero ewan ko ba sa kasama kong to.

Nang matapos na ay nagbayad siya saka ako hinatak papuntang parking lot.

"Sakay." aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay pero sumakay parin ako. Hinatid niya ako pauwi kaya lang ang naratnan namin sa bahay ay si Leciel.

Maitim ang motif ng pinsan ko ngayon at parang may dadaluhang party.

"I already gave you a warning, but still..."salubong niya, saka tinignan mula ulo hanggang paa si Humprey. "Ewan ko sa'yo, Cristhel."

Umalis siya at nag walk out, luh problema nun. Palagi nalang niya akong pinalalayo kay Humprey.

Napalingon ako sakaniya at nakasalubong ang mga kilay nitong nakatitig sa papalayong sasakyan ng pinsan ko.

"Uy." tawag ko. "Type mo yata iyong pinsan ko eh." sambit ko saka siya pakunwaring sinundot sundot ang tagiliran.

Ngumiti lang siya sa akin saka agad na nagpaalam. I sighed.

Sa sobrang gwapo ni Humprey baka mapagkamalan akong squater kapag kasama siya.

Nanood lang ako ng series sa buong araw, lift na ang suspension ko kaya makakabalik na ako sa Paralaya bukas.

Panay ang paalala sa akin nina Rain na kinakailangan ko da wng excuse letter para makapasok sa klase.

Pinagawa ko iyon kay Avi saka siya binigyan ng isang curls. Inirapan niya lang ako saka nagpatuloy sa pagsusulat.

"Girl, hindi naman ako yung na suspend pero bakit ako ang gumagawa nito?" aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin saka bumaling sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitignan niya nang makita ko si Sean kasama iyong taga SMACP.

Humagikgik si Avi kaya napatingin ulit ako sakaniya, "Mukhang inlove na si President ah." sambit niya habang humahagikgik parin, "Hay. Di ko alam kung is it good or bad for her."

Nagkibit balikat ako at sinulyapan muli sina Sean na nag uusap sa may garden.

"Bacteria!" sigaw ko nang makita sina Rain at Raina sa may SCO. Yinakap ko sila nang mahigpit kaya sila nagreklamo.

Siniko ako ni Raina dahilan mapadaing ako, "Gago! Masakit!" angal ko.

"We are busy talking here about the coming pageant, and here you are disturbing..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "...us." tuloy niya.

Tumingin siya kay Rain saka tinaasan ng kilay. Ang weirdo talaga ng babaeng to.

Dumiretso ako sa mesa ni Rain at naghalughog doon ng pwedeng mapaglalaruan. Coz I'm boring.

Hinampas ni Raina ang mesa niya kaya napasigaw ako sa gulat!

"Put-ng! Gago kaba?!" sigaw ko.

Ngumisi siya saka inakbayan si Rain, "Ano sa palagay mo? Pwede na." aniya.

Naguguluhan akong tumingin sakanila nang lumapit sila sa akin at magkabilang gilid pa! Umatras ako ng umatras sa swivel chair ni Raina hanggang sa nahulog ako pabaligtad!

Imbyerna.

"Mag-ayos ayos ka kasi! Pano ka lalapitin ng mga lalaki niyan kung ganiyan ka? And you should wear some tripes na dresses para naman makita hubog mo." pangaral ni Avi habang inaayusan ako.

Umirap ako sakaniya, "Ano ba kasing meron at kailangan may make up make up pang ganito?" naiinis kong tanong.

Sinipa ni Rain ang upuan ko, "Ay put-!" sinaaman ko siya ng tingin. "Kanina kapa ah!"

"Ilalaban ka namin sa Foundation kaya huwag kang mag inarte jan!" aniya.

Hindi agad ako nakapag react sa sobrang gulat! Ako? Ilalaban sa pageant? Naghihingalo na ba siya?

"Gago! Patawa ka." irap ko.

Hindi sila umimik kaya nanahimik ako, pero seryoso ba sila? Ako ang lalaban sa pageant?

"Huy, seryoso nga?"

Avi chuckled, "Oo nga."

"Bakit hindi ikaw? Si Rain? Si Raina? Si Sean? Ang daming deserving!"

Tumigil sa pag d-drawing sa mukha ko si Avi saka nakapameywang na pumunta sa harap ko.

"Hoy bacteria, no other options kapag ang vice president na ang nagdecide. Wala ng baguhan!"

Umirap nalang ako saka sumimangot sakanila.

"Hi, sabi sakin nandito daw si Chubby Joie--" natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon. Yumuko ako at tinago ang mukha.

"Ah si...Joie? You call her Joie?" histerical na tanong ni Avi. "O-Oh! Uhmm, eto siya." aniya.

Ramdam ko ang bawat paghakbang niya papalapit sa akin kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Bakit ka nagtatago? Kanina pa kita hinaha...nap."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mukha ko, tumingin pa ako kay Raina na bahagyang nakangisi at tinapik ang balikat ng nagpipigil tiling si Avi.

Biglang humagalpak ng kakatawa si Humprey dahilan para mapatingin kaming tatlo sakaniya.

"Anong nangyari sa mukha mo?! Mukha kanang clown!" tawa niya.

Hinampas ko ang braso niya kaya natigil siya kakatawa, pero kalauna'y tumawa parin.

"Tignan mo may sobra kapang lipstick dito oh!" Aniya at tinuro ang may gilid ng labi ko.

Narinig kong nagulat si Avi at dagling nagpunta ng harapan ko. "Nasaan wala naman--ay!"

Bigla akong hinalikan ni Humprey sa harapan ng mga kaibigan ko! Na estatwa ako hanggang sa alisin niya ang labi niya sa akin.

Ngumiti ito, "There. Wala na, you should ask my permission before you put make up on. Understand?"

Napaawang ang labi ko sa gulat at napalingon kay Raina na nakangisi parin sa amin, sunod akong lumingon kay Humprey na nakataas ang isang kilay sa akin.

I thought gusto niya si Raina?! What the hell just happened? Sabi kona eh, babaero talaga.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now