Kabanata 36

141 13 4
                                    

Kabanata 36

Meet

Ilang oras na akong nakatitig sa paper bag na ito. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba o itatapon. Baka may bomba sa loob?  Pero bakit hindi pa sumabog kanina? At hindi naman mabigat?

Bumugtong hininga ako at nilingon ang pagod na pagod na si Zachill. Yakap yakap niya ang spiderman na unan na regalo sakaniya ni Josh, mahigpit niya itong yinakap nang gumalaw siya ng bahagya.

Binuksan ko ang laman ng paperbag at nakita ko doon ang isang relo na may brand ng Rolex. Gulat na gulat ako nang makita ang pangalan ng brand kaya naibalik ko ito sa box.

Bakit naman niya ako bibigyan ng ganito kamahal na bagay? Is it really for me? Pero according sa appearance ng relo ay pambabae ito. 

Naguguluhan ako ngayon dahil kay Humprey, ni hindi ako makatulog ng maayos kakaisip kung bakit. Katapos ng ilang taong hindi siya nagpaparamdam, susulpot nalang siya bigla-bigla saka mang aabot ng regalo? Ha! Sinong niloko mo.

"Mama!" napabalikwas ako sa pagkakatulog nang marinig ko si Zachill na ginigising ako.

"B-Bakit?"

"School!" aniya sabay kusot ng mata.

I thought it's the reality. Napagod ang utak ko kakaisip sa regalo niya sa aking sa panaginip ko lang pala tinanggap-

"Pucha!" sigaw ko nang makita ang paper bag sa may mesa ng sala. Liningon tuloy ako ni Zac saka nagtatakhang tumingin sa akin

So it's not a nightmare?

"Mama, ganda relo!" manghang sambit ng anak ko habang hawak hawak ang relo na iyon.

Inabot niya sa akin saka ako nginitian. Kumirot ang puso ko nang makita ang matamis nitong ngiti parang sobrang matagal ko nang hindi nakikita iyon.

Ako ang naghatid kay Zac sa school since dumuty ako kahapon kahit off day ko, kaya nagpapalit ako ng schedule sa ngayon. Tuwang tuwa ito nang makasakay kami ng tricycle hanggang sa makababa kami sa tapat ng gate.

"Uy! Cristhel!" nilingon ko ang tumawag sa akin at iyon si Angel. Kumakaway siya saka patakbong lumapit sa akin.

Kumaway ako pabalik, "Oh musta na?"

"Ayos lang. Ikaw ha, laki nang ipinayat mo!" ngisi niya. "Anak mo?" baling niya kay Zac.

Nagkurap kurap ang anak ko at pilit na kinikilala si Angel. Tumango ako at binuhat siya.

"Ang cute! Taba pisngi hmp!" sabay pisil sa pisngi nito.

Nagkwentuhan kami matapos kong maihatid sa silid si Zac. Isa na siyang Scouts Trainer ngayon, teacher at the same time.

"Balita ko uuwi si Ate Sean dito at magpapatayo ng sarili niyang hospital ah?" aniya.

Umirap ako, "Wala na akong pakialam sa isang iyon. Makasarili siya masyado, hindi ko alam bakit namin siya natawag na kaibigan." sambit ko.

"Eh hindi ba supportive naman si Ate? Saka isa siya ng magaling na leader sa school noon? Ultimong mga haters mo napapatahimik niya diba?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko parin makalimutan ang panahong hindi niya sinasagot ang bawat tawag namin dahilan para tumagal si Raina sa ganoong sitwasyon. Naikuyom ko ang kamao ko at pinipigilan ang galit.

Biglang tinawag si Angel kaya nagpaalam na ito. Ilang minuto pa bago ako kumalma at bumalik nalang sa bahay. Naglinis ako at naglaba na din dahil mamayang susunduin ko si Zac ay diretsong pag duty na ako. Si Josh ulit at Avi ang magbabantay sakaniya mamayang gabi.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now