Kabanata 35

151 12 2
                                    

Kabanata 35

Fifth

Katulad ng mga nagdaang taon, bongga ang pa birthday nina Avi, Rain, at Aira kay Zachill. Kasama din si Josh na may biniling limang cake para sa anak ko. Sinasamaan ko siya nang tingin sa tuwing ngumingisi siya sa akin.

Hindi sa bahay ginawa ang ikalimang taong kaarawan ni Zac. Sa isang exclusive na resort naka booked ang event para kay Zachill. Namumura ko sina Avi sa galit dahil sa mga gastos nila para sa anak ko.

"Ano kaba naman, tel! You're so KJ ha! Wala pa naman akong anak saka di pa naman mag aasawa itong si Rain. Hayaan mong ang anak mo muna ang spoil namin." tuwang tuwang sabi ni Avi.

Kinotongan ko siya, "Eh kung masanay iyan sa luho niyo aber? Alam mo naman di ko afford mg binibigay niyo sakaniya eh."

Tumawa siya ng malakas, "Then, tell Daddy Humprey to buy him stuffs!"

Tinakpan ko ang malaking bunganga ni Avi. Malakas naman ang tugtugin nila pero nag iingat ako at baka marinig ni Zachill ang patungkol sa Ama niya. Hindi pa ako handa para doon lalo na ngayong nagkita kami ulit nitong nakaraan.

The party goes well. Galak na galak si Zac sa party na binigay sakaniya ng mga ninang nito. Panay ang langoy niya sa pool na inaantabayanan naman ni Josh.

"Ang hot ni Dada." bulong ni Aira. "Nakakabusog na ata ang apat na pandesal sa gitna, hmm!" sambit nito.

Sinamaan ko siya ng tingin saka bumalik sa pag aayos ng mga pagkain. Tumili sina Aira dahilan ng paglingon ko.

Umahon na sa tubig sina Josh at Zachill at naglalaway na sila sa kakatitig sa katawan nito.

Tumawa si Rain na nasa harap ko, "Kapag iyang anak mo lumaking gwapo, pag asawanin natin yung anak ko at anak mo ah." tawa ni Rain.

"Gaga! Buntis kaba?" tanong ko.

Umiling ito, "Bakit? Ganon lang sinabi ko buntis na agad?!" irap niya. "Age doesn't matter naman e. Walanv problema sakin kung 20 years gap sila."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Iniwan ko siya doon at lumapit kay Avi.

"Hoy, hanggang anong oras tayo dito?" tanong ko.

"One week gusto mo? I can extend naman."

Inirapan ko lang siya. She keeps on spoiling my son, nakakagaga naman itong isang ito.

"Mama! Swim!" yaya ni Zac sa akin.

"But baby, Mama don't marunong swim."

Bumusangot siya saka hinawakang maigi ang salbabida niya. "Pleast!"

Wala akong magawa kundi ang bumugtong hininga. Nag shower muna ako saglit bago lumusong sa malamig na tubig.

Tuwang tuwa si Zac nang makita ako at lumangoy pa papunta sa akin. "Mama! House!" turo niya sa malaking building malapit sa resort.

"Baby, hindi iyan house. Building iyan. Bil-ding."

"Bwil-ding!" pumalakpak ako bago siya yinakap.

Ilang sandali pa ako nagbabad bago nagdesisyong iahon na sa tubig si Zachill.

Pinakain ko muna siya habang ang mga tito't tita niya ang naliligo sa pool. Nagbabasaan sila kaya di namin maiwasang mabasa din ni Zac.

"Cristhel. Tawag ka ni Chief." ani Aira saka inabot ang cellphone sa akin.

"C-Chief." bungad ko.

"Hello? Is this Cristhel Alonzo?" matigas na sabi nito.

"Yes sir, speaking."

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now