Kabanata 25

115 11 3
                                    

Kabanata 25

Curse

Paano ko nakaligtaan ang napaka importanteng bagay na lagi kong ginagawa? Pero, nakaligtaan ko nga ba?

As far as I know, ang huli naming pagtatalik ni Humprey ay uminom ako. May bawas sa pills na binili ko, p-papaanong nangyari?

"Tel? You're spacing out." puna ni Sean habang kumakain kami.

Wala ako sa mood para kumain ngayon dahil gulat na gulat parin ako. Sobrang kaba ang nararamdaman ko.Hindi naman sigurado pero may hinala na ako. This child is a curse!

"Kumain ka ng marami tulad ng dati mong ginagawa. Ayos naman ang pakiramdam mo hindi ba?" si Avi habang binibigyan ako ng kaninsa plato.

"Ayoko." sambit ko.

Natigilan siya saka salubong na tumingin sa akin, "Nilabas mo lahat ng laman ng sikmura mo kaninang umaga, you need to eat!"

Nag init ang ulo ko sa lamimilit niya, "Sabing ayoko eh! Wag nga kayong mapilit!" sigaw ko.

Nagulat ang lahat kaya tumayo na ako at umalis doon. Nakakapikon sila, pinipilit ako sa ayaw ko naman. Wala nabamg freedom to choose? Tsk.

"Ang baho." bulong ko nang makarating sa may garden.

"Wala namang mabaho eh." nilingon ko si Josh na nasa likod ko lang pala. "Ang bango nga ng mga santan. Bakit ayaw mo ang amoy?" tanong niya.

"Kase ayoko? Teka, bakit kaba nandito ha? Alis!" taboy ko.

Tumawa siya saka umiling, "Hindi mo pagmamay ari to kaya wala kang karapatang paalisin ako no. Saka sungit mo today, ano nanamang pumalo sa ulo mo?"

Hindi ko siya sinagot at pumasok na sa loob. Pagdating ko sa kwarto ay naroon si Raina, hawak ang cellphone niya. Sinulyapan niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa gadget. Umupo ako sa kama saka yinakap ang unan, ngayon ko tuloy ramdam ang gutom pero ayokong kumain. There's a monster inside of me at ayoko siyang buhayin, sabay kaming mamatay kung sakali.

"Tel." binato sa akin ni Raina ang isang supot. Sinamaan ko siya ng tingin saka tinignan ang nasa loob nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang PT na laman nito!

"Try it." aniya.

Naninigas akong pumasok sa banyo at umupo. Nang tignan ko ang resulta ay lalo akong nanigas at nanlamig.

"Hm, positive." bulong ni Raina at agad na pinutol ang PT. "Uuwi na tayo." aniya at lumabas na.

Ilang minuto akong nanatili sa loob ng restroom. Iniyak ko lahat ng sakit, disappointment, at regret. Gusto kong suntukin ang puson ko at ilabas ang batang 'to! Paano na ang future ko?

Dapat inisip ko na ito dati! Ang bobo ko talaga!

"Oh? Uuwi na kayo? Next week pa matatapos ang training camp ah." ani Josh.

"Hindi maganda ang pakiramdam ni Cristhel, kaya iuuwi ko na siya." sagot ni Raina.

Tumango na lang sila at sinundan kami ng tingin. Nag abang ng tricycle si Raina at dagling pumasok doon, sumunod lang ako at sinulyapang muli ang mga kasama.

Nakatulog ako sa byahe at nagising nang nahihilo ulit. Binigyan ako ng ointment ni Raina.

"How's your feeling?"

"Okay naman." sagot ko.

May parte sa aking guilty dahil sa mga pang aabuso kong pisikal sakaniya, nag aalala lang ba siya sa akin kaya niya nasasabi ang lahat ng mga narinig ko?

"Talk to Humprey about the child--"

"Hindi!" sigaw ko sakaniya. "Ilalabas ko itong batang 'to!" iyak ko.

Nagsisimula nanaman akong makaramdam ng kung ano. Basta ang alam ko, gustong gusto kong umiyak sa puntong ito.

Nakarating na sa bahay ay kinausap ni Raina si Mommy Chic. Hindi ko alam kung papaano kong sasabihin kay Mommy Chic na buntis ako, at ang nakabuntis sa akin ay ikakasal na ngayong buwan.

Pumasok nalang ako sa kwarto ay ni-lock ang pinto, kung sanang kaya ko nang mabuhay mag isa ginawa ko na. Marami pa akong gustong gawin sa buhay pero bakit dumagdag ang isang 'to?!

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Humprey, kung gaano kasingkit ang mga mata niya at kalalalim ang mga dimples niya.

Unti-unti nanamang tumutulo ang mga luha ko. Ayokong tawaging anak sa labas balang araw ang magiging anak ko, kaya ko naman siguro siyang palakihin mag isa at hindi nakakailanganin pa ang kaniyang ama.

Napuyat ako sa kakaisip ng mga posibleng gawin ko kasama nang batang dinadala ko. Pero ni isang senario ay walang lumalabas!

What if siya nga ang magdadala ng kamalasan sa buhay ko? Paano kung maghirap ako dahil sakaniya?

Pero may parte sa puso kong masaya kahit papaano. Gusto ko siyang mahaling buong buo, gusto kong lagi akong nasa tabi niya kahit na ano mang mangyari. Dahil ayokong maranasan niyang maloko ng ibang tao, tulad ng nangyari sa akin.

I want to raise this child as good as I can. It will be a high risk for me, if she or he's a curse or a blessing for me.

Ayokong abandonahin ang batang ito tulad nang pag aabandona sa akin. Gusto kong maranasan niya ang pagmamahal, kung saan bilang isang ina ay sapat na at hindi na niya kakailanganin pa ng ama.

Hindi ko maiwasang hindi maisip na ito ang reality. It was a big slap for me na masyado akong nag focus sa mga kagustuhan ko lang. I was so selfish.

Nausea again early in the morning. Mas minabuti ko nang tumahimik ng kaunti at baka malaman pa nina Mommy Chic ang sitwasyon ko ngayon.

Nakakahiya na kinupkop na lamang nila ako tapos sakit pa ng ulo ang ibibigay ko sakanila. Malapit lapit na din naman ang graduation at sana umaasa akong magiging maayos na ang mga susunod pang taon.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now