Kabanata 30

138 10 1
                                    

Kabanata 30

Death

"Isang chocolate flavor, fifty nine pesos."

Inabot ko ang sukli saka napahawak sa baywang ko. Habang tumatagal ay pabigat nang mabigat ang nararamdaman ko.

"Ayos kapa ba jan, Joie?" tanong ni Josh.

Umirap ako sakaniya, "Pakitigilan nga iyang Joie mo jan! No second-name basis bro."

He chuckled, "Okay po Mommy Cristhel."

Umirap ulit ako at umupo sa may gilid. Pagod na pahod nako nguni't may ilang oras pa bago ako palitan.

Bigla kong naalala si Raina. Maayos na ba ang pakiramdam niya? Bawat araw na lumilipas ay lalo akong nag aalala.

Pero ang sabi naman ni Rain ay maayos naman daw ang kalagayan nito.

I feel sad din dahil miss na miss kona si Mommy Chic. Sobrang tagal na simula nang huli kaming magkausap at magkita.

Sa bawat ipon ko araw-araw ay hinahati kona iyon. I'm planning to take dorm na malapit sa milktea-han ni Josh. Nakakahiya na kita Rain kung mag stay pa ako doon ng matagal.

Ilang buwan pa ay magkikita na kami nimg anak ko, I wonder sinong kamukha niya?

Natigilan ako sa iniisip nang makita kung sinong paparatin! Agad akong naglakad nang mabilis at pumunta sa may kusina kung saan nandoon si Josh at sinenyasan na siya muna doon, mabuti nalang at pumayag ito.

"Anong mayroon? Sino ba iyon?" tanong niya nang mawala na siya.

"Si Faith. Pinsan ni Reyma." Sagot ko. "We used to be friends, but I have a bad feeling towards her."

Tumawa si Josh, "Lakas yata ng instinct ng buntis ah. Sigurado kaba sa feeling mong iyan? Paano mo nasabi?" tawa niya ulit.

Umiling nalang ako at bumalik sa trabaho. Bibista ulit ako sa hospital mamayang gabi para kay Raina-

"Jo-Cristhel, may naghahanap sayo."

Nakita ko ang namamagang mga mata ni Avi. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak nang makita ko siya, agad siyang lumapit at hinawakan ako. Kahit na mabaho sa pang amoy ko ang pabango niya ay nagawa ko siyang yakapin pabalik.

"T-Tel!" tawag niya. "R-Raina's d-dead!"

Parang huminto ang paghinga ko. Is it true? O panaginip lang ang lahat? I've lost my parents dahil inabandona nila ako, I've lost Mommy Chic dahil sa pagkakamali ko, and now I have lost a friend. Ganito ba talaga ako kamalas?

"C-Cristhel!" iyak niya pa nguni't agad din siyang bumawi. "S-Sorry, nabigla yata kita. A-Ayokong mag cause nang kung anong makakasama sa b-baby."

Tulala parin ako habang tumutulo ang mga luha sa mata ko, I feel my body weekened.

"Maybe she's just tired." mahinang sambit ng kung sinong nasa gilid ko.

"Oo, pasensya na at pinayagan kopa siyang magtrabaho. I just wanna help her."

"No, it's okay. You're a big help."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Parang umiikot ang paningin ko at sobrang nahihilo ako.

"Are you okay naba?" Avi asked.

"M-Medyo nahihilo lang ng kaunti."

Inabutan ako ng tubig ni Josh at inalalayang maupo.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"You passed out! Buti at naabutan kapa ni Josh bago bumagsak ang ulo mo sa sahig."

I turned to Josh. Bahagya siyang ngumiti sa akin, nagpasalamat ako sakaniya bago niya ako pinauwi.

"Dapat hindi kana nagtatrabaho! You have Rain and I, we can handle your needs!"

"Pabigat ako girl, huwag ka."

"Matagal kanang mabigat ano! Saka--oh my gosh!" sigaw niya. Ni-head to foot niya ako. "Pumayat ka! Ang laki ng ipinayat mo!" she exclaimed.

Mga linggong iniisip kong patayin ang bata ang nakapagpapayat sa akin. Kumakain lang ako ng kulang at puro chitsira pa ang karamihan. Hindi pako makabawi sa ngayon dahil sa nakakahiya na kina Rain. Ang bawat kalahati sa naiipon ko ay pinanbibili ko nang gatas at mga prutas. But that's not enough.

Napansin ko nalang na nasa PureGold na pala kami at may tulak tulak na shopping cart ang bruha.

Maraming pinagkukuha si Avi na mga prutas, gatas, at tinapay! Ang dami niya pang tinatanong sa mga customer service patungkol sa pagbubuntis.

Nakakahiya kapag linilingon nila ako dahil kay Avi.

"Paano po kapag mag labor na? Ano pong magandang ipa feed sakaniya-?"

"Av, tama na." awat ko. Nakakahiya, sobra.

Namasahe kami pauwi, bahagya siyang ngumiti sa akin bago umalis. Pagpasok ko sa loob ng bahay nina Rain ay nagmano ako kina Tita't Tito. Lahat sila pati si Kuya Renz ay naka kulay itim.

"Pupunta kami kina Maia ngayon, Cristhel. Gusto mo bang sumama o bukas nalang? It's better kung magpapahinga ka muna. Gabi narin naman." ani Tita.

Ngumiti akong bahagya at tumango, nawala sa isip ko si Raina. I want to see her so bad, pero kailangan ko munang magpahinga para narin sa kapakanan ng baby ko. I'm sure Raina will understand it.

Hindi ako makatulog, panay ang lipat ko ng pwesto pero ang mukha ni Raina ang nakikita ko, magmula nang namutla siya, sa pagdugo ng ilong niya, hanggang dalhin namin siya sa E.R.

And now, she's dead.

Ang sakit lang sa part na nawalan ako ng isang model, teacher, advicer, and a friend. Isn't it too early for her to go? Ni hindi pa kami nakakapag college, paano na mga plano naming lima?

Nagising ako kinabukasan sa ilaw na tumama sa mukha ko. Tanghali na pala at hindi ako pa ako nakakabangon, nakakahiya kina Tita.

Bigla akong nagutom. Gusto ko nang langka na may gatas. Lumabas ako at nakita kong walang tao, baka bumalik sila kina Raina.

Binuksan ko ang ref at naghanap doon ng gatas at langka. Uminom ako ng gatas pero parang gusto ko ng langka.

Lumabas ako at nagpunta sa may mga puno sa likod ng bahay. Nilibot ko iyon at naghanap ng puno ng langka pero wala akong makita.

Naglalaway nako sa kagustuhan kong makakain. Naiiyak narin ako dahil I want langka so bad!

"Cristhel!" nagulat ako sa malakas na sigaw ni Rain mula sa pintuan. Tumatakbo na siya papunta sa akin ngayon. "Anong ginagawa mo jan?! Bakit ka umiiyak?" tanong niya.

Suminghot ako, "G-Gusto ko kasi ng langka kaya ako lumabas--"

"Dapat ay kinatok mo si kuya para mabilhan ka sa palengke! Dali na pasok at mainit dito sa labas!"

Ginawan ako ng pabor ni Kuya Renz na bilhan ng langka sa bayan. Nakatungo ako sa harapan ni Rain habang busy sya sa pagbabasa ng libro.

"Wala kabang trabaho ngayon?" tanong niya.

Umiling ako. "G-Gusto kong makita si Raina ulit." sabay kaming naluha nang nahulog ni Rain ang litrato naming lima mula sa pagkakasingit nito sa librong binabasa niya.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now