Kabanata 32

131 11 1
                                    

Kabanata 32

Third

"Sorry tel, ngayon lang ako nakauwi. Masyadong late kasi nagpalabas ang prof ko, kaya mo pa bang humabol?" sambit nang hinihingal na si Avi.

"Oo, bibilisan ko nalang siguro sa paglalakad. Kayo nang bahala kay Zac ah?"

Tumango siya at binuhat na ang anak ko. Hinalikan ko ito sa noo kayo nagpaalam. Mabilis ang naging lakad ko hanggang sa makapasok sa gate. Kumuha ako ng night shift sa criminology kapag regular classes lang dahil ito lang ang pupwedeng oras para may magbantay kay Zac.

Minadali ko ang pagpasok sa classroom namin, nandoon na rin ang ibang mga kaklase ko. Mabuti nalang at wala pa amg prof namin para sa araw na ito.

Attentive akong nakinig kahit na pagod at inaantok. Kung sa umaga ay pagtitinda sa milktea-han ang trabaho ko, kasama na ang pag aalaga kay Zac, ay nakakapagod na. Plus the fact na madaling araw na ang uwian ko sa gabing ito.

Bigla kong naalala na third birthday na ni Zac sa makalawa. Sakto at wala akong pasok, titignan ko nalang mamayang kauwi ang ipon ko at baka sakaling maipaghanda ko ang anak ko kahit spaghetti man lang.

"Yo Cristhy, nasaan si baby Zac-Zac?" tanong ni Aira.

"Ah, nasa amin kasama ni Avi." sagot ko.

"Kapag may event mo lang ba sinasama si baby Zac-Zac? Miss kona anak mo!" aniya.

Tuwing may events ay sinasama ko si Zachill dito sa school, kasama ko naman si Josh kaya may katulong ako sa pagbabantay sakaniya.

"Hindi kona siya pwede masyadong isama ngayon eh. Alam mona malikot na."

Ngumuso siya at umupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung may ipon naba ako, pero kung wala hiram na muna ako kina Rain.

"Nga pala. Pwede kaba sa makalawa?" tanong ko. Nilingon niya ako at kumunot ang noo nito.

"Don't tell me you are going to the bar nearby with us for the first time?" gulat niyang tanong.

Ngumisi ako at umiling, "Hindi gaga. Third birthday ni Zac, baka maipaghanda ko siya."

Maligaya siyang tumango at pumalakpak pa. Hindi fit ang excitement sakaniya ngayon.

Pareho kaming humikab ni Josh pauwi. Nilalakad lang namin ang school na pinasukan namin dahil narin sa mas malapit ito sa bahay at sa milktea-han.

"Cristhel, sobra na ang pinayat mo ano?" puna niya.

Totoo. Sobra nga ang ipinayat ko magmula nang magbuntis ako, at lalo na ngayong doble kayod para sa aming dalawa ni Zac.

"Hindi mo man lang ba sasabihin sa tatay ni Zac na may anak siya?" tanong nito.

Hindi ko rin alam kung sasabihin ko kay Humprey ang patungkol kay Zac. Pero sa sarili ko, ayoko.

"H-Hindi ko alam." halos pabulong kong sagot.

Tumingala siya sa taas habang naglalakad kami, "Kung...wala kang balak ipaalam sa tatay niya. Pwede bang ako nalang ang tumayong ama? Aakuin ko ang responsibilidad nang nakabuntis sayo, Cristhel."

Pareho kaming napahinto sa paglalakad. Hindi ako makapaniwalang tumingin sakaniya habang siya ay seryoso lang ding nakatingin sa akin na parang seryoso din siya sa sinabi nito.

"I can be the father of Zac. Alam kong hindi ko siya mapapalitan biologically, pero kahit emotionally at physically man lang...pwede." dagdag niya pa.

Ilang beses pa akong pumikit pikit hanggang sa mapansing nasa tapat na kami nang bahay na inuupahan ko.

"P-Pasok na ako, Josh. S-Salamat."

Ngumiti siya, "Anytime. Pero sana...sana pag isipan mo. Seryoso ako sa sinabi ko, Cristhel."

Hindi ako makatulog kahit na nakaalis na sina Avi at Rain dito ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Josh kanina.

Kinalimutan ko muna iyon pansamantala at nagisip nang maaaring gawin para sa nalalapit na birthday ni Zac.

"Ugh! I don't know how to cook spaghetti!"

Sabay namin siyang inirapan ni Rain, "Why don't you follow the instruction given sa likod nang pack?!"

Busy kaming tatlo sa pagluluto habang si Josh ay nakikipaglaro kay Zac sa sala.

"Alulululu, ano yan ha." pang aasar ni Rain sa akin. "Alam ko iyang ganiyang tingin, alulululu."

Inirapan ko siya at bumalik sa pagluluto. Kahit na ganito kami ka-busy ay naaalala ko ang sinabi sakin ni Josh. Alam kong mahirap sakaniya na umako ng batang hindi naman kaniya.

"Hoy." tawag ni Rain. "Spill the water, betch!"

Kinukwento ko sakanilang dalawa ang lahat. Pa impit na tumitili si Avi habang si Rain ay humahalakhak.

"Sabi na daddy eh!"

"Edi may soon to be daddy na, ahhh!"

Nag apiran pa ang dalawa. Umiling nalang ako at bumalik ulit sa pagluluto.

Isa-isang nagdatingan ang mga kaklase ko at unang una si Aira na dumiretso sa kinaroroonan ni Zac at binuhat ito.

Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Josh na pumunta sa pwesto namin.

"Need help?" lapit niya sa akin.

Nag thumbs up si Rain at kumindat habang si Avi ay pinipigilan ang pagtili.

Bumalik ulit ang atensyon ko kay Josh, "Ah! Pakihalo na muna ito, bibihisan ko lang muna si Zachill." sambit ko.

Tumango siya at kinuha sa akin ang sandok, lumapit ako kay Aira at kinuha ang anak ko.

"Bakit naman ang aga mong kinuha sakin si baby Zac-Zac eh kahahawak ko palang sakaniya!" reklamo niya.

"Gusto mo nang baby, gumawa ka! Huwag kang mag angkin ng anak ng may anak!" binelatan ko siya dahilan para itaas niya ang gitnang daliri niya sa akin.

Pagkabihis ni Zac ay may dumating na mga lobo at cake. Regalo daw ni Avi at Rain para sa anak ko.

"Baka lumaking spoiled yan?"

"Mas spoiled pag nakilala ng Daddy!" tawa ni Avi na siya lang mag-isa. "Ay! Sorry."

Tinitigan ni Zachill si Av, bigla akong kinabahan sa anak ko.

"Birthday wish nang baby." ngiti ko sakaniya. Lumingon siya sa akin saka matamis na ngumiti.

"Dada!"

Sa puntong ito, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nagsalita nang desente sa unang beses si Zachill o maiiyak dahil sa salitang lumabas sa bibig niya.

Gulat na gulat din ang lahat lalo na ang dalawa kong kaibigan. Siniko pa ni Rain ni Avi at sinisi sa sinabi. Wala ni isa sa amin ang naka get over sa sinambit ni Zachill dahil alam nila ang nangyari.

Anak, please...repeat you wish. Mama can't provide what you have saidth.

Muse Beauty (Officer Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora