Kabanata 34

132 14 2
                                    

Kabanata 34

Job

"Mama!" tawag ni Zac. "Susundo ako Dada Josh?" tanong niya.

He's aready four, and he's a smart kid. Nag iisip ko tuloy na baka kay Humprey nagmana ng talino ang batang ito.

He's in a pre-school and he's doing very well. Five stars ang lagi niyang nauuwi, nguni't lahat ay may kapalit.

"Mama, go to park with dada!"

Pinapayagan ko siya sa gusto niya hangga't kasama niya si Josh. It's been two years since si Josh ang tumayong tatay ni Zachill. Ayoko mang aminin pero masaya akong makitang tuwang tuwa ang anak ko.

He can't speak a phrase straight for now, pero dahil alam kong matalino siya, he will learn that in no time.

Nakaupo ako habang inaantay ang oras nang pag off ko. Magkaiba ang duty naming dalawa kung kaya't may magbabantay at susubaybay kay Zachill pansamantala.

It's 6pm. Nag aayos na ako ng gamit at nagpaalam na kay chief. Nagbihis ako ng white tshirt, at inalis ang top ng uniform ko.

"Ingat Momma!" kaway ni Aira.

Siya ang pumalit sa akin sa front desks pagkatapos ng duty nito sa isang emergency kanina.

"Mama!" nilingon ko ang pintuan at naroon si Zac, nasa likod niya si Josh na nakauniporme na din.

Binuhat ko siya at hinalikan. "Kamusta ang araw ng baby ko?" halik ko sa pisngi niya.

"5 stars!" aniya saka pinakita sakin ang braso niya.

"Very good!"

"Baby Zac-Zac!" takbo ni Aira saka kinuha ito sa akin. "Patingin nga ng five stars ng baby. Ang galing naman!" puri niya matapos ipakita ni Zac ang kamay niya.

"Paano, iwan kona si Zac sayo?" kamot ulong sambit ni Josh.

Umirap ako, "Malamang! Anak ko iyan eh."

Sakay nang tricycle na naipundar ni Josh, nagbyahe kaming dalawa ni Zac pauwi. Nguni't huminto ako sa tapat ng 7/11.

"Mama? Bili ka foods?" tanong niya sa akin.

"Oo anak, may gusto ka ba?"

"Milk!" tuwang tuwa niyang sambit.

Pumasok ako sa loob at kumuha ng mga makakain namin. Binilhan kona din siya nang paborito niyang gatas bago pumila.

Matapos akong nagbayad ay nakita ko si Zac na nakatayo sa gilid ng tricycle.

"Zac!" sigaw ko.

Nanginginig siyang lumingon sa akin saka naglakad papalapit.

"Sinabi ko ba sa'yong lumabas ka sa loob ng tricycle?!"

Mukhang maiiyak na siya kaya hinigit ko siya at yinakap ng mahigpit.

"Sa susunod anak, huwag kang basta basta aalis kung saan kita iniwan. Sandali lang naman si Mama, kita mo? Tapos na ako." malumanay kong sabi.

Nagpa sorry siyang ilang beses kaya natagalan kami bago umuwi. Pagdating sa bahay ay siyang mag isa na ang naliligo nguni't binabantayan kopa.

Napaka laki na niya at mabilis mag isip. Napakatalino niya, at kung hindi dahil sa mga kayumanggi niyang mga mata ay baka sabihing hindi ko siya anak.

Ginagawa niya ang mga assignment niya kahit hindi ko siya paalalahanan. He's totally opposite of mine, I'm so proud of you.

"Cristhel! Baroba!" sigaw ni Mommy Chic sa labas ng bahay.

Agad akong lumabas at sinalubong siya. "Ang tagal mong magbukas nang pinto ikaw bata ka!"

Yinakap ko siya at hinagkan, naiiyak nanaman ako sa tuwing naaalala ko ang nakaraan.

It was a fine and peaceful day for us. After 4 years of education, ito na kami! Magiging regular na sa trabaho. I already achieved my goal, nang ako lang ang kumakayod.

Binuhat ko si Zachill at inilipat sakaniya ang kupya ko. Pinaglaruan niya ang iki noon saka pumalakpak.

"Yie! Proud sayo ang anak mo!" sambit nila.

Ngumiti ako kay Zachill saka hinalikan siya sa pisngi. Kinuha siya sa akin ni Aira at binuhat.

"Uh-Cristhel may naghahanap sayo!"

Paglingon ko ay nalaglag ang panga ko sa gulat. Bumuhos ang mga luha ko nang makita ko si Mommy Chic na may hawak hawak ng isang bilaong palabok.

"Mommy Chic." utas ko.

Pinahawak niya kay Josh ang bilao at patakbong yumakap sa akin. Mahigpit ko siyang yinakap pabalik habang hindi matapos tapos ang luha ko.

"S-Sorry anak. Sorry, pasensya kana. Nadala ako ng takot at galit sayo noon, patawad anak." ulit ulit niyang sambit.

"S-Sorry din po."

Nagtawanan kaming dalawa matapos ang iyakan, biglang kinalabit ako ni Aira at binigay sa akin si Zachill.

"Ay susmiyo! Napaka gwapo! I-Ito naba siya?" kinakabahan nitong tanong.

Tumango ako at pinabuhat si Zachill sakaniya. Pikit pikit ang ginawa ni Zac, ito ang paraan niya para kilalanin ang taong bumubuhat sakaniya.

Akala ko nang bumusagot ito ay iiyak na pero yinakap niya si Mommy Chic. Gulat na gulat siya sa ginawa ng bata pero yinakap niya din ito pabalik.

"Susmiyo! Kamukha niya iyong ex mo!" ani Mommy. Umirap ako at kinuha si Zachill.

Magmula noon ay hindi na niya matigil tigil ang pambubulalas sa salitang 'kamuha niya ang ex mo". Mabuti nalang at hindi pa naiintindihan ni Zac ang ganoong bagay.

"Maglilimang taon na agad ang apo ko? Napaka bilis naman ata!" hindi makapaniwalang sambit ni Mommy Chic nang maikwento ko sakaniya ang pag travel naming dalawa papuntang Maynila.

"Oo nga po. Gusto ko lang siyang idala sa mga public museum, tutal mahilig naman po siya sa mga isda." Sabay lingon ko sa iaang aquarium na pinabili niya nitong nakaraan.

Kumunot ang noo niya, "Baka imbes na propesyunal na trabaho ang kunin niyang apo ko eh, baka maging mangingisda nalang iyan?"

Ngumisi ako, "Anong mali sa mangingisda, Ma? Marangal ding trabaho iyon." pang aasar ko sakaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Kinukunsinti mo ba ang anak mo?"

"Ako?" turo sa sarili. "Hindi naman, gusto ko lang ibigay ang mga gusto niya hangga't pwede, at hangga't kaya ko. I was never a perfect daughter, but I promise to be a perfect mother for Zachill."

Iniwan ko si muna sa pangangalaga ni Rain, pagkatapos ng klase niya ay dumiretso siya sa amin para kamustahin ang anak ko. Ang dami nitong dalang mga laruan. They spoiled him so much.

Hinatid ko sina Mommy Chic sa dating bahay. It feels very nostalgic. At kahit na ganoon ay gusto ko paring dito manirahan. Pero inaalala ko si Zachill, namamahay ang isang iyon at matagal bago masanay. At saka nabili kona din ang bahay.

"Putsa!" sigaw ko nang mabangga ng isang kotse ang gulong ng side car ko. "Gago kaba?! Baba!"

Walang bumaba kaya kinatok ko ang salamin sa gilid ng driver's seat. Nguni't pagbaba noon ay nagsimulang magdikit ang lupa at mga paa ko.

"Got a problem?" tanong pa nito.

"Y-You hit my wheel, m-moron!"

Nilabas niya ang ulo sa bintana at sinipat ang nabanggang gulong.

"Oh! My bad." inalis ulit niya sabay abante! Dalawang beses na niyang natamaan!

"Ito na ba iyon, Humprey?! Dito kana maghihiganti?" gigil kong tanong.

"Higanti? Like a giant?"

Gusto ko siyang suntukin sa pagmumukha ngayon nguni't hindi dapat ako paapekto.

"Wala." tumalikod na ako saka sumakay sa tricycle nang sumipol siya.

"I guess my chubby Joie made a miracle workout to achieve that shape, huh. Well then, see ya later."

Huh?! What does he mean?

Muse Beauty (Officer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon