Kabanata 33

124 12 1
                                    

Kabanata 33

Dada

Biglang lumapit si Josh kay Zac saka ito binuhat. Kiniliti ni Josh ang bata dahilan nang malakas na paghalakhak nito.

"J-Josh." tawag ko.

Nilingon niya ako saka ngumiti, inabot niya kay Aira si Zac saka lumapit sa akin. Nagpunta kaming pareho sa kusina, wala ni isa ang unang nagsalita bago ako maglakas loob na kumprontahin siya.

"Bakit? Bakit kailangan mong gawin iyon?" tanong ko sakaniya.

"Gusto ni Zachill na magkaroon ng tatay, Cristhel. Ayaw mo bang ibigay ang hiling ng anak mo?" mahinahon niyang sambit.

Napayuko ako, it's not that I didn't want it, but still hindi niya kailangang akuin ang responsibilidad ni Humprey kay Zachill!

"Ah! I see, I knew. Siguro iniisip mo na bakit ko aakuin ang anak ng may anak?" he chuckles, "To be honest Cristhel, bawat araw, buwan, taon na magkasama tayo, I can see your bravery. I witnessed all of your pain and sacrifices, then started to admire you."

Natameme ako sa oras na'to, this will be the first straightforwars confession infront of me, "Pero lalong lumalalim, it's like habang patagal nang patagal ang koneksyon nating dalawa ganoon kalalim ang paghanga ko sa'yo. That's why I'm doing this para hindi kana mahirapan pa. I can be the father of Zachill-"

"Hindi! Naiintindihan mo ba ako Josh? Hindi pwede!"

Naluluha na ako dahil sa nangyayari ngayon. Ayoko, ayoko nitong ganito. Ayokong mawala ang pinagsamahan namin ni Josh dahil lang sa nararamdaman niya sa akin, dahil alam kong kahit kailan ay hinding hindi ko iyon masusuklian.

"Alam ko hindi, Cristhel. Pero...magiging pwede ba kung ipagpilitan ko?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko kailanman na-imagine ang panahong ito, I can't even imagine na magkakagusto sa akin si Josh even though nagpaparamdam sya.

Noong una akala ko natural lang sakaniya dahil close kmaing dalawa, not until I gave birth to Zachill at siya ang madalas na nag aalaga dito. Naki night shift din siya sa klase para maging kaklase ko siya, akala ko wala lang ito. Nagkamali ako.

Because the moment he told you his feelings, he will never stop until he gets what he wants. I wish he can grant my wish too if I want him to stay away. I'm not being rude, dahil unang una ay malaki ang utang na loob ko sakaniya. Hindi ko mabubuhay si Zachill kung hindi dahil sa milktea-han nila.

Ngumiti siya sa akin saka bumalik ulit sa sala saka nilaro si Zac. Sabay-sabay silang kumain nguni't hindi ako makasalo sa saya nila para sa anak ko. Nag iisip pa ako nang ibang paraan para sa pag amin ni Josh.

He can be realiable though. He's a good friend, at ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin dahil lang dito. I admire him also, but not too deep. Matalino din siya at madiskarte, paano sya nagkagusto sa bobo at mahinang tulad ko?

"Hoy momma! Bakit biyernes santo mukha mo jan?! Birthday ng anak mo gaga!" sigaw ni Aira.

Bahagya lang akong ngumiti saka kinuha ang mga pinagkainan. Hapon na nang umuwi sina Aira pati ng iba naming mga kaklase na naging ninong at ninang ni Zac.

Inaantok na din ito kaya inihiga kona siya sa kama. Tinulungan ako nang dalawa sa paglilinis ng mga pinagkainan at pinaglutuan habang si Josh ay nagliligpit sa sala.

"Huy, ang sipag talaga niyang si Papa Josh! Buti hindi ka pinopormahan?" hagikgik ni Avi.

Umismid ako sakaniya.

"Pwede ba? Iwas-iwas ka muna sa mga issue mo sa buhay niyang si mother tel! Gusto ko nang umuwi!" reklamo naman ni Rain.

Ilang oras pang namalagi ang dalawa hanggang sa makatulog si Rain sa tabi ni Zac. Hindi din umaalis si Josh at nakaupo lang sa bench ng sala.

"Girl, choose a man wisely kase. Yung tipong pag pinili mo na siya, wala nang atrasan! Dapat may taste ka, hindi yung palagi lang masarap sa kama-"

"Avi." awat ko. Inirapan niya ako at may kung anong kinuha sa bag niya.

Inabot niya sa akin ang tatlong libo saka humikad, "Ano yan?" kunot noo kong tanong.

"Duh? Pera? Ano bang gusto mo condom?" irap niya.

Ginising ni Avi si Rain para umuwi. Ayaw pang gumising nang isa at yinakap pa ang anak ko. Napuno nang rants ang bahay nang mapilitan itong gumising. Nagpaalam nang umuwi si Avi kasama si Rain na pa ekis ekis nag lakad at nakabusangot.

Kumaway ako sakanila hanggang sa makasakay na sila sa tricycle. Bumuntong hininga ako saka lumapit kay Zachill. Mahimbing itong natutulog kaya kinumutan ko itong mabuti saka hinalikan sa pisngi.

"Cristhel." tawag ni Josh.

Natigilan ako saglit nang maalalang kaming dalawa nalang ang gising sa bahay na ito, plus the fact na sobrang awkward pa.

"I want to talk to you-"

I cut him off, "Kung patungkol iyan sa pagako ng obligasyon at responsibilidad kay Zachill, I refuse."

I heard him sigh bago marinig ang unti-unti niyang paglapit. "Bakit ba ayaw mo? Dahil ba hindi ko siya kadugo? Hindi siya sa akin? Dahil ba gusto mong ikaw nalang mag-isang magpalaki? O dahil may hinihintay kapang bumalik?"

I uttured a silent cursed. He's very desperate! Hindi ko siyang nakitang ganito ka desperado, ever. What gotten into him?

"Umalis kana, Josh...Please."

Hinila niya ang kamay ko at pinako sa pader. Nanginginig ang buong sistema ko dahil sa ginawa niya! Anong binabalik niyang gawin? Lalo na't this deep night? At kaming dalawa nalang?!

"B-Bitawan mo ako!" Sigaw ko sakaniya.

Nag angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang pandidilim ng mga mata niya.

"Bakit tel? Bakit ayaw mo akong piliin? Bakit siya parin?"

Unti-unting pagluwag ng kaniyang pagkakahawak ang ginawa niya matapos magsalita. Bumuntong hininga ulit ito saka lumabas na papuntang sala.

"Hindi ko alam kung bakit ka parin umaasa sa Trinidad na iyon! I've been looking for you since the day I met you in the training camp! Ewan, ikaw ang tinamaan ng bola pero bakit ako ang tinamaan sayo?"

Silence. Dahil sa sobrang awkward naming dalawa sa loob ay tumawa siya nang bahagya.

"I don't want to disappoint you pero...I'll take the responsibility as the father of Zachill hanggang sa magsama kayo nung Trinidad. Siguro naman makakapayag kana don? And, I don't need your permission. Pinapaalam ko lang at hindi ko pinagpapaalam. Una na ako." sunod sunod niyang sabi.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now