Kabanata 18

109 13 0
                                    

Kabanata 18

Cousin

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla akong sampalin ni Leciel pag uwi ko. Galit na galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin na tila ako na ang pinakamasamang taong nakita niya.

"I told you to stay away from that assh-le, b-tch!" sigaw niya.

Nasa likuran niya si Mommy Chic na nagulat din sa biglaang pagsampal sakin ng pinsan.

"Ganiyan kana ba ka desperada sa isang gwapong lalake ha, Cristhel? He's no good for you! Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?!"

"M-Mahal ako ni Humprey!" agap ko.

Tumawa siyang parang baliw nguni't bakas parin sa mga mata niya ang galit laban sa akin.

"Mahal? Sige, sabihin na nating mahal ka niya. Pero hanggang kailan?"

Natameme ako sa tanong niyang iyon. Dalawang buong araw kaming nagkasama ni Humprey, at hindi kopa siya gaanong kakilala. But I'm sure, darating din kami sa puntong iyan.

"Kapag ikaw nasaktan ka ng isang Trinidad, huwag mo akong kakausapin!"

Lumabas na siya saka sumakay sa sasakyan nila. Inirapan niya pa ako bago isinara ang bintana niya. Umirap din ako habang nakahawak parin sa pisngi ko.

Ano bang problema niya sa mga Trinidad? As far as I remember, wala naman silang kaalit sa mga ito. May nangyari ba sa pagitan ng dalawang namumuno ng  naglalakihang hotel sa bansa?

Tulala ako habang nakikinig kay teacher. Hindi ko mapagtanto kung ano nga ba ang pinaglalaban ng pinsan ko? Is that serious?

Maraming oras ang lumipas at tulala lang ako sa kawalan habang aligagang may ginagawa ang mga kasama ko. What now?

"Hoy baboy. Ano nanamang iniisip mo?" ngisi ni Sean.

Inirapan ko siya saka nagdukmo sa mesa. Hindi pa kami nakapag usap ni Humprey dahil kay Leciel. Hindi ko tuloy alam kung lalayuan ko ba si Humprey para magkaayos kami ng pinsan ko, o susuwayin ko si Leciel para sa kaligayahan ko?

Sobrang selfish ko naman sa second choice. Hays.

"Fifth sigh? What bothers you, taba?"

Inirapan ko nalang ulit siya kahit nakayuko ako. Pag angat ko ng ulo ay nakatingin lahat ang mapanuri at chismosang mata sa akin.

"May nambubully nanaman ba?" si Rain.

Umiling ako, "Cousin problems lang siguro."

Naubo si Raina kaya binigyan siya ng tubig ni Rain. Weird.

"S-Si Leciel Maximiana ng DHVTSU ang pinsan mo hindi ba?" tanong niya.

Tumango ako, "Oo. Yung impaktang tumatawag sa sarili niyang Queen ng La Candaba. Bakit?"

"Hala! Oo nga no. Kilala ko na!" si Avi. "Hindi ba't ang hotels nina Leciel ay ang number one sa bansa?"

"Oo." Sagot ko.

"Tapos ang kina Humprey ay number two lang! So it means naglalaban ang pamilya niyo when it comes to business!"

Napaisip ako sa sinabi niya. Posible ngang nagkakaroon ng alitan sa dalawang kumpanya, pero sapat nabang dahilan iyon para layuan ko si Humprey?

Pagod na pagod akong humiga sa kama habang iniisip ang magiging desisyon ko. What do I do now?

"Tel nandito si Ciel!"

Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga at napatayo nang marinig ko si Mommy Chic.

Pagkababa ko at nalaglag ang panga ko nang makita ang tatlong maleta niya.

"What's with the stare?" malamig niyang sambit.

"B-Bakit may maleta ka?" I asked.

"So? I'm gonna live with you, at the same time go to school with you. I need to watch you out, para naman maiwasan mo iyang Trinidad na iyan." irap niya.

Ilang beses pa akong napapikit pikit dahil hindi makapaniwala! Tinatanggalan niya ako ng kalayaan!

"Hindi pwede!" sigaw ko.

Nagsalubong ang kilay niya saka pumameywang sa harapan ko. Mataray ang mga mata niyang nakatingin sa akin nguni't sumisigaw nalang ng karangyaan ang buong katawan niya.

Wala akong nagawa kundi ang bumugtong hininga. Para kang sinasaksak sa bawat tingin sayo nito, no doubt she can call herself a Queen dahil iyon ay totoo.

Parang bata siyang tuwang tuwa habang inaayos ang mga gamit niya sa kwarto ko. She'll staying with me for real!

"Tang juice." bulong ko habang pinapanood siya.

Kahit papaano naman ay hindi siya nang iistorbo sa akin, ayos na iyon. Maaga siyang natulog kaya bumaba muna ako para uminom ng tubig, bumuntong hininga ako nang maalalang hindi muna kami dapat magkita ni Hunprey ngayon lalo na't lagi ko nang makakasama si Leciel.

"Pst!"

Muntik ko nang mabasag ang hawak kong baso nang biglang may nag pst sa akin! Nilingon ko ang bintana namin at may naka silip doon. Lumunok ako bago binuksan ang pinto.

Agad niya akong hinatak patago sa mga halaman saka agad na sinunggaban ng mga halik.

"I miss you." bulong niya.

"H-Humprey?" pabulong ko ding tanong. He sexily chucked bago hinalikan ang leeg ko.

We did a quickie bago ko naisipang bumalik na at baka malingat pa si Leciel. I kissed him bago pumasok sa loob. Sinara ko ang pintuan saka nilock ito.

"Anong ginawa mo sa labas?" napatalon ako sa gulat nang makita ang inaantok na mga mata ni Leciel!

"Ah! N-Nagpahangin lang." pagsisinungaling ko.

Nagtaas siya ng kilay at sinuri akong mabuti, "Nabukas yata ng hangin iyang zipper mo."

Natulala ako at agad na sinara ito. Sinamaan ko siya ng tingin, "Umihi ako bago lumabas!"

Nagkibit balikat nalang siya saka tumalikod sa akin. Pagpasok sa kwarto ay may kinakalikot siya sa cellphone niya.

"Make sure you didn't lie to me. You can't talk to me anymore once na nakita kitang lumapit pa sa Trinidad na iyon."

At this point, naisip ko na patago na lamang kami makakapag usap at magkikita ni Humprey.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now