Kabanata 9

104 12 1
                                    

Kabanata 9

Preparation

Sinamaan ko ng tingin si Humprey habang sinisipulan si Raina na naka P.E shorts ngayon. Umirap ako nang tumingin siya sa banda ko.

"What?" Pa inosente nitong tanong.

Mama mo what!

Minsan ayoko na ding maniwala sa mga taong katulad ni Humprey. Masyadong mapaglaro, bagay na bagay ang salitang Playful sakaniya.

Damn you, playful Humprey.

"Bakit kaba nandito? Wala ka bang pasok?" Naiirita kong tanong.

Nakatanaw lang siya kay Raina saka pasipol sipol, umirap ako nang hindi niya ako sinagot. Lamukin ka sana jan!

"Aray! Bakit ba may langgam dito?" aniya.

I rolled my eyes again nang langgam ang kumagat at hindi lamok.

Tumayo siya at pumadyak padyak sa damuhan. Umirap ulit ako but this time nakita na niya.

"What? Why are you rolling your eyes?" he asked.

Umirap ulit ako. "Bakit? Umiikot naman talaga ang eyeballs ha? Anong gusto mo? Dukutin ko't ipadala sayo?"

Nagkibit balikat lang siya saka tumingin ulit sa may field. Iniwan ko siya roon at dumiretso sa may SCO, wala ni isang bumungad sa akin kaya umupo nalang ako sa upuan ni Raina at nagpa ikot ikot doon.

Sumandal ako ay tumapat sa may aircon nang may napansin akong katambak na libro sa may gilid ng mesa ni Raina at mga folders.

Binuklat ko ang mga folder doon at saka ibinalik. Mga walang kwentang files na nagpapatungkol sa kasaysayan lang ng school.

"Tel?" nilingon ko ang kadarating lang na si Raina at may kasama pa siya, inirapan ko nalang si Reyma saka tumapat ulit sa aircon.

"What's that smell? It's disgusting!" maarte nitong sabi.

Sumang ayon naman ang mga uto-uto niyang alipores.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ni Rai.

Umirap ako, "Nagpapahangin sa aircon?"

Hindi siya umimik kaya nilingon ko ulit siya, nakatitig lang siya sa akin saka umiling. May mga sinabi siya kina Reyma kaya nakaalis na ang mga ito.

"Tel? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya ulit.

Irita ko siyang binalingan, "Nagpapahangin nga!" sagot ko.

"Wala kabang--"

"Cristhel!" sabay naming nilingon si Humprey na kakapasok lang sa SCO. Umirap ulit ako saka agad na tumayo.

"Hi." Bati niya kay Raina. Hindi nag abala pang bumati pabalik ang kaibigan ko, inirapan niya lang ito at umalis sa harapan niya. "Sungit."

Nagpunta kaming dalawa ni Humprey sa mga store kung saan pwedeng bumili ng mga masusuot ko.

Sponsored by Alicia Victoria.

"Ayoko yan masyadong kita ang balat."busangot na angal ni Humprey.

Naiinis akong tumingin sakaniya, "Gusto ko ito eh! Bakit kaba nakikialam ha? Ikaw magsusuot? Ikaw magsusuot?" irap ko.

Marami na din kaming nabili kaya dumiretso kami sa hotel nila.

He manage to travel his hand on my body while he's kissing me so deep...and wild.

Nakailang beses kami ngayong araw hanggang sa umabot kami ng gabi at sobrang pagod kona.

"Take a bath first." Aniya at nilahad sa akin ang boxers at tshirt niya. Padabog ko itong kinuha at nag martsa papuntang banyo.

Agad akong natulog dahil sa labis na pagod. Pagkagising ko kinabukasan, nakatitig ako sa salamin habang kinakapa kapa ang katawan ko.

"Mommy chic!" Sigaw ko. Agad naman siyang umakyat, "P-Pahiram nga ng timbangan!"

Muntik nakong himatayin nang nabawasan agad ako ng sampu sa timbang ko! Siguro tama nga si Humprey, gosh!

Masaya akong nagtungo sa school at binalita agad iyon kina Rain at Raina.

"But that's bad! What if you get buntis niyan?" Here we go again.

Hindi kona sinagot sila at hinanap ko si Avi para ipakita ang mga pinamili namin kahapon.

"It's so maganda! Are you sure this will fit you?" taas kilay niyang tanong.

Umirap ako, "Of course! Anong akala mo sakin tanga?"

Nagkibit balikat siya saka hinarap ang cellphone niya. Namiss ko tuloy bigla si Joy, may bagong barkada kasi e.

"Aba, muse daw ng SSC ang ilalaban. Pustahan, unang ma e-eliminate iyan oh!" tawanan ng mga lalaki sa may hallway.

Hindi ko sila pinansin at nag dire-diretso lang ako sa paglalakad. May mga banner na sa iba't ibang mga rooms ng mga representative nila. 

The SSCs are just busy sa mga booths and other things, tanging sina Avi lang ang umaasikaso sa akin at minsan, wala.

Minsan naiisip ko nalang na baka hindi naman talaga sila seryoso sa pageant na ito at pinili lang ako para may representative pero ang matindi jan, baka dahil pinili lang ako para ipahiya.

"H-Hey!"

Nilingon ko ang banda kung saan ko narinig iyon, at saka ko nakita si Humprey na hinahalikan si Reyma sa leeg.

Parang sinaksak ang dibdib ko nang makita silang dalawa. Dapat walang string sa amin!

Kumuha ako ng bato saka binato sila at agad na tumakbo. Hingal na hingal ako pagdating sa classroom. Iniirapan lang ako ng mga kaklase ko pati na ang barkada nung muntikan ko nang mapatay, sana natuluyan na. Psh.

Lutang ako sa natitira naming klase dahil sa nakita. Kung may milagro pa ring ginagawa si Humprey na hindi ako ang kapares niya, paano na kung magkasakit siya?

Dapat na ba akong bumitaw sa deal? But the pageant is week from now.

Workout, Tel! Workout!

Busangot akong pumasok sa SCO kung saan aligagang aligaga ang mga nandoon.

"Sa Faculty iyan, tapos ito kay Sir Prime. Go!" utos ni Sean.

Hinila ako ni Avi saka pinaupo, sinenyasan niya akong manahimik muna bago bumulong.

"May nagnakaw ng questions sa pageant. At iba pang files ng mga officers." Aniya.

Kumunot ang noo ko saka nilingon sina Raina na naghahalughog ng mga gamit.

"Di pa kilala ang salarin?" tanong ko.

Umiling siya saka ngumuso, nag type siya sa cellphone niya saka tumayo. May sinabi siya kay Raina kaya napabaling ito sa akin.

"Tara." Aya ni Avi, "Marami pa tayong bibilhin para sa preparation ng pageant." aniya.

Bumalik ang tingin ko ulit kina Raina, "Tuloy pa?"

"Yap. Pero baka baguhin na mga questions and criteria dahil sa pagkawala ng mga files. Let's go na."

Muse Beauty (Officer Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora