Kabanata 21

124 14 2
                                    

Kabanata 21

Down

"Why you look so down?" nag aalalang tanong ni Avi.

Tinignan ko ang inuupuan ni Leciel, umalis na siya sa amin kahapon. Ilang araw niya akong hindi kinakausap pagkatapos nang araw na malaman kong engage na si Humprey. Wala na ding paramdam ang isang iyon, mag iisang buwan na since ang huling interaction namin.

"Miss mona pinsan mo? Why don't you go in their house saka mo kamustahin?" suggest niya.

Bumuntong hininga ulit ako saka tumingin sa malayo. Sa ilang araw naming hindi pag uusap ni Ciel, alam kong may mali.

Madalas din siyang may kausap sa cellphone niya. Minsan naman nag aaway na sila ni ate Liesel. Hindi ko man alam kung tungkol saan pero alam ko importante.

Wala kaming pinagsabihan ni Raina patungkol sa naging engagement ni Humprey at Reyma. Sa tuwing magkikita kami ng bruha ay ngumingiti siya ng malapad saka fini-flex ang kaniyang singsing. Nilalagpasan ko nalang sila saka dinededma.

"Sorry sa pinsan ko ah? Medyo may kayabangan kasi si Reyma." nahihiyang turan ni Faith.

"Ha? Medyo lang ba? Akala ko kasi todo na iyon eh."

Naging malapit din kami ni Faith, mabait siyang tao at mapagkakatiwalaan naman. Nagkakausap kaming madalas tuwing P.E kaya marami kaming napagkukwentuhan.

"Reyma's family is one of the trusted agents of the Trinidads. Matagal na din simula nang maging malapit ang dalawang pamilyang iyan, pati tuloy kami napalapit na." Kwento niya.

"Buti hindi ikaw ang ipinangako kay Humprey?" tanong ko.

Mahinhin siyang natawa, "H-Hindi no! Saka, I don't think kuya Humprey will like me. Sa ilang buwan ko siyang nakasama gusto niya yung mga babaeng carefree."

Sang ayon ako doon, I can see that. Pero bakit hindi ako? Nagtatanong kapa Cristhel? Sino kaba sa lipunan nila? Kung sila iyong mayayamang nag aagawan ng teritoryo, ikaw yung skwater!

"But their hotels mixed and collaborated beautifully, though ang hotel parin ng pinsan mo ang nangunguna they're playing fair."

Hindi ko man nakuha ang sinabi niya pero pakiramdam ko ay may mali.

"Ah! Marami naman kasi talagang pinamamalakad ang hotel ng pinsan ko. They are into it, since iyon ang iniwan sakanila ng tita ko they have no choice but to keep it up."

Tumango siya saka tumayo. "I need to go na, classes will start any minutes right now. See you later!".

Nagtungo ako sa may SCO at naroon silang lahat at may pinag uusapan. Nanlaki pa ang mga mata ni Avi at Sean nang makita ako,

"Uy! K-Kapag darating ka naman, announce yourself!" Ani Avi.

"Anong pinag uusapan niyo?" I asked.

Umiling sila saka nagsibalik sa pwesto. Nang tumayo si Raina ay akmang hahawakan ko siya nang hawakan ako ni Rain.

"Don't die this early." ngiti niya.

Nang tumalikod na siya ay hinarap ko ulit si Raina, nagkatitigan kaming dalawa nguni't sa nga titig niya ay para na akong sinasaksak ng paulit-ulit. Nangilabot ako ng husto.

Nilagpasan niya ako at bumalik sa mesa niya, wala ni isang sumagot sa tanong ko. Akmang magtatanong ako ay napansin ko ang dyaryo sa may sofa.

Trinidad and Lugreta's Hotel became top one! Beating Maximiana who ruled for the past five years.

H-Hindi. Hindi ako makapaniwala! Natalo ang hotel nina Ciel?! How is that--

"We'll be seperating our ways after this right?" tanong niya.

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now