Kabanata 40

174 11 1
                                    

Kabanata 40

Family

Dumalaw si Mommy Chic sa bahay para ipagdala kami ng miryenda ni Zac. Although day off naming pareho ni Humprey ay naroon siya sa bahay kaya naabutan siya ni Mommy Chic doon at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

Pinaulanan niya si Humprey ng mga tanong kaya panay ang awat ko sakaniya ngunit hindi ito matigil.

Naka dress si Aira nang madatnan ko sa tapat ng milktea-han nina Josh, masaya ako para sa dalawang kaibigan ko na sa loob ng mahabang panahon nilang pagiging single ay sila lang pala ang magkakatuluyan.

Sumide line ako sa shop at naroon si Mika na nagbabantay. Hinanap niya agad si Zachill nang makita ako nguni't nang sinabi kong kasama niya ang tatay niya ay nagpakwento ito.

Maraming beses akong nagpasalamat sakanilang magkapatid dahil kung hindi ay wala akong makukunan pampaaral at sa panggastos ng pangangailangan ni Zac noon. Mabuti nalang at tinanggap nila ako at tinulungan kahit papaano.

Mabenta ang milktea ngayon dahil narin sa tag-init. Minsan ay nauubusan pa kami ng stocks sa ibang flavor pero agad naman nagagawan ng paraan.

Puno ang shop ilang oras matapos akong magsimula bilang kahera narin, habang si Mika ang gumagawa ng mga inumin. Marami akong kakilalang nangangamusta, at parang reunion na ang iba.

"Pakisulat nalang po dito ang pangalan niyo para mamaya matawag namin kayo kapag ready na ang order niyo."

I wonder kung anong ginagawa ng mag ama ngayon sa bahay? Lalo na't nandoon si Mommy Chic. Bumuntong hininga ako saka na umupo nang wala nang pila. Lumapit sa akin si Mika at tumabi,

"Akala ko ate, kayong dalawa ni Kuya ang magkakatuluyan." hagikgik niya.

Ngumiti ako, "Maganda't mabait naman si Aira kaya huwag kang mag alala." pangungumbinsi ko.

Tumango siya sa akin saka tumayo at pumasok sa loob ng stockroom. Ilang oras nalang din at uuwi na ako dahil maagang magsasara ang shop na ito.

"Next. Bebe ko?" basa ko sa basong may nakapangalang bebe ko.

"Yes bebe ko?"

Tumambad sa harapan ko si Humprey na buhat buhat si Zachill! Malaki ang ngisi niya sa akin saka inabot ang isang libo.

"Teka, sukli mo-"

"No need. Kiss will do." aniya.

Namula ang pisngi ko at parang gusto ko siyang suntukin sa mukha! Inirapan ko nalang siya saka sinuklian.

Bumusangot si Humprey habang tawang tawa naman si Zachill. Punwesto sila sa malapit sa counter saka kumain, umorder din sila ng specialty dito saka ako tinawag.

"Mama!" tawag ni Zac.

Nagpaalam ako kay Mika saglit saka linapitan ang dalawa.

"Kain kana, mahal ko." malambing na turan ni Humprey.

Hinampas ko siya sa balikat, "Ang cringe mo! Nakakadiri."

Kumain kaming tatlo habang wala masyadong customer ang umo-order. Inabot ng kalahating oras bago mag sara si Mika.

Nagpasalamat kami dito bago na umuwi. Nakatulog ako sa byahe kahit hindi masyadong kalayuan, nguni't paggising ko ay nasa may juvilasyo na kami at kaming dalawa lang, hindi kasama si Zachill.

"Hump?" I called.

Lumabas ako sa kotse at kinusot ang mga mata ko. Sa malayong parte ng kinatatayuan namin ay kitang kita ang bundok ng Araiat. Pumuwesto si Humprey sa likuran ko at saka ako yinakap.

Ang sariwang hanging nararamdaman namin sa aming mga balat ay hindi gaanong mainit, at hindi rin gaanong malamig. Sakto lang siya para prumesko ang pakiramdam namin.

"You know, when the last time we talked...I feel bad for myself. Kasi I know you really fell inlove with me yet, niloko pa kita, ginamit pa kita. I'm a total jerk, babe. I'm sorry."

Hindi ako makaimik, gustong gusto kong marinig ang paliwanag niya ngayon kung bakit niya nagawa iyon sakin noon. It's not too late to forgive him.

"Reyma's mother wants to break your cousin's business that's why she asked me para mapalapit sa iyo at malaman ang sikreto ng pinsan mo. But I was shocked when you told me that. I'm shocked because you really trust me even we barely know each other."

Wala akong alam isagot. Nanatili akong tahimik hanggang sa humigpit ang yakap niya sa akin. Binaon niya ang mukha sa leeg ko saka iyon hinalikan.

"I can't forgive myself that time. Lalo na't pinagtabuyan mo pa ako noong gabing iyon. Masakit para sakin iwan kita, pero mas masakit palang ipagtulakan mo ako palayo. When you filed a case against me, alam kona agad ang magiging bunga ng plano mo kaya ako nagparaya. Pareho nating hindi gustong bumagsak ang isa dahil lang gustong umangat ng isa, I understand you on that part." paliwanag niya.

"And for today, I don't want to vocalize everything. I'm so very thankful na hindi mo nilaglag si Zac even it's your dark days. Naging mabuti kang ina sakaniya, at hindi mo siya pinabayaan tulad ng pagpapabaya ko sa iyo, sainyo. But can I ask something?"

Hinarap ko siya nguni't nagulat ako nang nakaluhod na ito.

"Will you be my wife, Joie?"

Life teaches us so many things. Sometimes kailangan lang nating laliman ang pang unawa sa buhay. Kahit kaya mo na, may mga pagkakataong bibigay at bibigay ka parin.

Be thankful for everything you have, and you've got, dahil hindi lahat ng tao mayroon niyan.

Sa ilang taong pamumuhay ko sa mundo, pinaka natutunan ko ang maging matapang sa lahat ng pagsubok. Kapag nanghihina kana, at parang hindi mona kaya, you can cry. Because crying can ease your pain.

Being pregnant on an early age is a challenge of course, you did a mistake and you need to face all the consequences of the said failure. But you don't need to end something para lang makaahon ka.

Lilipas din ang bawat tsismis at mga usapang hindi maganda tungkol sa iyo. Unang una mong gawin ay huwag silang pansinin at patulan, kailangan mo lang isipin ang kapakanan mo at ng bata para hindi kana makapag isip ng iba.

Pinagsisihan ko ang panahong naging mahina ako para sa aming dalawa ni Zac, kaya lubos akong nagpapasalamat sa mga kaibigan kong walang sawang sumuporta sa akin. I am thankful that I have ones who cares for us.

Pagbalik namin ng bahay ay naroon ang lahat ng mga kaibigan ko, they are holding a white balloons at may pa cake pa!

"A-Anong mayroon?" halos pabulong kong tanong.

"Surprise! Congratulations!" anila.

Bigla akong napatitig sa singsing na bigay sa akin ni Humprey. It comprising a band of precious metal, a gold, set with a continuous line of identically cut gemstones, or simply the diamonds.

"I'll love you babe, until eternity." bulong ni Humprey saka hinawakan ako sa baywang bago inilapit sakaniya.

Lumapit sa amin si Zachill saka ito binuhat ng kaniyang ama.

"Wait!" ani Avi. Kinuha niya ang dslr niya saka kami pinicturan. "Happy family!" sigaw niya habang tinitignan ang mga shots niya sa amin.

I smiled at him while he was staring at our son. They are the best thing that ever happened to me. Lahat ng sakripisyo ko ay worth it dahil sakanila. Marami man akong hirap na napagdaanan, sa huli sila ang pinakamagandang nangyari.

Every sacrifice deserves the best outcome. The result of my challenges is my family, na sa wakas ay may buo akong pamilya. Everything is fine, and the only thing that's left is our wedding.

Humprey and I both doing our best in our jobs to give Zachill a better future. We may be the worst children for our family, but we can make sure that we will be the best parents for Zachill.

And up to eternity, our strongest promise will be kept until death do us apart.

Muse Beauty (Officer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon