Kabanata 24

119 13 6
                                    

Kabanata 24

Camp

Maaga akong naligo kinabukasan dahil mahabang pila ang gagawin sa dami ng mga tao dito. Pagbalik ko nang kwarto ay naroon ang kagigising lang na si Avi, namumungay pa ang mga mata.

"Anong oras na, tel?" mahina niyang tanong.

Nilingon ko ang orasan sa gilid ng isang mini side table, "Alas sais."

Nanlaki ang mga mata niya, "Ha?! Alas sais imedya magsisimula ang laro nina Andrew!"

Bumilis ang bawat kilos niya at mabilis na tumakbo palabas. Ilang minuto lang ay nakabalik na siya...nagmamadali parin.

"Dali! Gusto kong manood ng men's  volleyball ng live!" aniya.

Umupo kami sa may second floor ng gymnasium. Malaki din ito at may tatlong court na nakahilera sa gilid. Nasa unang court ang mga players namin, nagwa-warm up sila saka nag practice ng pag recieve ng bola.

"Si Andrew ba ang Team Captain?" tanong ko.

Maligaya siyang tumango, "Siya din ang alas natin!" proud niyang sagot.

Nagsimula ang laban nang pumito ang lalaking nasa dulo ng net, referee siguro. Unang nag serve ang kabilang team at malinis namang na recieve ng mga players namin.

"You know our defense is the strongest among all players right here." aniya habang nakatingin sa mga naglalaro.

Nanood ako ng mainam sa may court, lahat ng mga spike ay malinis nilang nakukuha. They are keeping the ball in play, their libero is amazing huh.

"Barbeque party daw mamaya! Woo!" sigaw ng mga players namin nang manalo silang 2-0. Tuwang tuwa sila at nagpahinga sandali sa may bench.

"Huh? Taga Holy Cross ang sunod na lalabanam niyo?" dinig kong tanong ni Avi.

"Oo. Kaya kailangan naming magpahinga sandali, alam mo naman gaano kahirap ang laban pagdating sa mga taga HCC." ani Andrew.

Habang tumatagal ay painit nang painit ang laban, kahit na practice matches lang ito ay parang sineseryoso na ng iba.

"Connect!" sigaw ni Avi nang makuha ng isang player namin ang muntikang out ng bola. Pero nang sinundan ko ng tingin ang lumilipad na bagay, it's a bit off...paano pa nila makukuha iyan.

"All right!" the man in number one smash the ball at hindi ito nasundan ng mga players namin. Isang puntos para sakanila.

"Bwiset!" sigaw ni Avi. "That captain really piss me!"

Ngumisi ako, "Yeah. Ang gwapo nga niya no? Nakakabwisit." sinamaan niya ako ng tingin nguni't inirapan ko siya. 

Nag take ng penalty ang grupo ng mga vb players namin, tumakbo sila sa kabuuan ng gym ng tatlong beses at nag one lap diving skill pa! Lupet.

"Paano kaya maiiwasan iyon? We need to do something about that straight." tanong ni Andrew sa sarili.

"Hey, watch out!"

Isang malakas na kulubog ang narinig sa buong gym. Isang malaking impact ang tumama sa may likuran ng ulo ko at para akong nahihilo.

"C-C-Thel!"

Ilang saglit pa bago ako makabangon. Nahihilo parin ako pero nagawa kong samaan ng tingin ang nag spike sa may likod ko.

"Gago kaba?!"

"S-Sorry! Masyado kasing intense ang laban kaya--"

"Wala akong pakialam sa laban niyo! Nasa kabilang court kami at malayo sainyo tapos hindi mo sinasadya?!"

Pinipigilan na ako nina Avi at Andrew sa pagsugod sa lalaking iyon. Umiikot pang bahagya ang paningin ko at napapamura ako sa sakit.

"Cristhel." napalingon ako kay Sean, nanonood din pala ang gagang to. Ngumisi siya sa akin saka hinampas ang likod ko! Pucha!

"Don't mind." aniya pa!

Kinuwelyuhan ko siya, "Anong don't mind?! Ikaw kaya ang spike-in ko sa ulo at hampasin sa likod?!"

Sa huli ay dinala nila ako sa clinic. Tinignan lang nila kung may na damage sa ulo ko but I'm totally fine.

Lunch. Tulad nang napag usapan ay barbeque party nga ang ginawa ng mga kasama namin. Nakisama na din ang ibang school kaya lalong sumaya.

"A-Ano..." nilingon ko ang nagsalita. Iyong lalaking nag spike sa ulo ko kanina!

Kumunot ang noo ko sakaniya, "Kailangan mo?" pagsusungit ko.

"Sorry pala kanina. Hindi ko talaga sinasadya, masyado akong intense maglaro kaya-"

"Alam mo, ma pride akong tao. But since gwapo ka, sige pinatatawad na kita." I smirked.

Tinagilid niya ang ulo niya na parang di niya na gets ang sinabi ko. "Batayan ba ang itsura para patawarin ang isang tao?" nagtatakha niyang tanong.

"Hindi naman." dahil may isang taong mas gwapo pa sa iyo na hindi ko kailanman mapapatawad.

"Josh. Josh Santaniel." Pagpapakilala niya.

Inabot ko ang kamay niya. "Cristhel Joie Alonzo."

"Nice to meet you, Joie." ngisi niya.

Umirap ako, "No second name basis, please."

Nagtatawanan kaming lahat habang nagkukwento si Josh ng iba pa niyang karanasan sa volleyball. Marami na daw siyang natamaan sa mukha at ako palang daw ang tinamaan niya sa likod ng ulo. Namura ko tuloy siya ng wala sa oras.

"Masarap ba ang barbeque na niluto ko?" tanong ni Avi.

Nagtaas ng kamay si Josh. "Oh right! Walang di masarap na pagkain sa taong gutom!"

Nagtawanan ulit ang lahat at sumimangot nalang si Avi. Naging masaya ang barbeque party nila hanggang abutin kami ng alas dos ng tanghali.

"May round two pa. SMACP naman ang kalaban namin." ani Andrew.

Nanood ulit kami ng iilan pang game hanggang sa mag gabi na, pagod na pagod ang lahat. Nauna na akong bumalik sa kwarto at dagling naligo. Nawala nang kaunti ang stress ko sa mga nangyari nitong nakaraan.

Paglabas ko ay natutulog na ang tatlo nguni't wala pa si Avi dito. Naisipan ko na mauna nang matulog sakaniya. Pinatuyo ko ang buhok ko saka na  nahiga.

"Ahck!" mabilis akong tumakbo papasok ng banyo at nagsuka ng walang tigil. Sumobra yata ako sa barbeque kahapon at ngayon lang nilabas ng tiyan ko.

"Cristhel? Ayos ka lang ba?" tanong ni Avi. Kagigising niya lang at magulo pa ang buhok niya. Flinush ko ang nilabas ko saka isinara ito bago umupo.

"A-Ayos lang. Pakikuha nalang yung pouch bag sa may gamit ko."

I kept myself calm. Nang iabot sa akin ni Avi agad kong kinuha ang tissue ko, nguni't nanlamig ako sa nakita.

"A-Avi anong araw ngayon?" nanginginig kong tanong.

"Huh? 15 na ngayon. Bakit?"

My mens was late! Hindi ko kailanman dinatnan ng late ng isang buwan, minsan ay dalawa hanggang tatlong araw lang! But right now is a month and two weeks.

Namalipit ulit ang sikmura ko kaya napaharap nanaman ako sa kubeta. I nonstop vomiting and tears are falling down my cheeks.

Bakit ngayon pa? Bakit ko na missed ang pag inom ng pills? Bakit kailangan ka pang mabuo? Ano nanamang kamalasan ang dadalhin mo sa buhay ko? Damn!

Muse Beauty (Officer Series #2)Where stories live. Discover now