Chapter 4

1.2K 50 3
                                    

"Btw, I like your adobo.."

"Huh? Ah, thank you."

"No, thank you."

"Eh? Hehe, Your always welcome."

"Cook for me tomorrow, then."

"Huh?"

"Gusto ko, Kare kare.."

--

Have you ever felt or experience something like you're doing something tas bigla bigla kang ngingiti kasi may naalala ka.

Yung kahit na naghuhugas ka ng plato, naglalaba, o di kaya kahit nagluluto ngingiti ka na parang kinikilig na nagdadalaga dahil sa dumaan sa harapan nya ang crush nya kanina.

Have you also felt like everytime you're thinking about that certain person, you'll feel like as if, there's some sort of butterflies flying in your belly na parang nakikiliti ka?

Have you?

Kasi ako. Oo ee!

Ngayon lang.

I mean, i'm sure this is not the first time but i really think and feel na, ito ang 'pinaka' ee.

Pati mga kasama ko dito sa bahay natatangahan na dahil sa kinikilos ko kanina. Paksyet! I can't help it ee! Bakit ba?!

"Eeeeh! Langga naman ee! Bakit ba kasi ampogi mo?!" Eksaheradang sabi ko habang nagpapadyak pa sa kilig.

Pasalampak ang umupo sa kama ko, buti nalang may kutson kundi lagot ang pwet ko.

"Oh, ayan ka na naman. May pa lipbite lipbite ka pang nalalaman!"

"Nilalandi mo talaga ako! Nilalandi mo ako!" Para akong tanga na kunyari ay naiinis na sa kagwapuhan ng jowa nya. Chars! Oo jowa ko!

"Aish! Ewan ko sayo! Ang sungit sungit mo sakin kanina! Buti nalang gwapo ka, tapos--- tapos-- tapos! Ay! Ang hot pa. Syet! I wanna make punas talaga kanina sa pawis mo." Umirit na naman ako sa sobrang kilig na nararamdaman..

Until now, hindi talaga ako makapaniwala na malaya ko silang nakakausap at nakakasama. At nakakalungkot lang na konting panahon lang ang meron kami.

If only i could make them stay, i'll do anything talaga to make them stay..

Kaso alam kong kung gagawin ko yun, tatanggalin ko sa kanila ang bagay na alam kong buong buhay nilang hinahangad. Ang pangarap nila. And that is more important than making them stay.
Sino ba naman ako para pigilan silang malayang makapag pasaya at magbigay ng inspirasyon sa mga taong nangangarap din tulad nila.

I know i am selfish na, gugustuhin kong mapasaakin ang isang  Ken Suson.. but hanggang doon nalang yun.

"Hay, ikaw naman kasi ee! Masyado kang pogi Langga!"

Lumapit pa ako sa poster na nakadikit sa dingding ng kwarto ko..

"Hmmp! Alam mo, pagkatapos ng mini concert nyo dito? Sisiguraduhin kong kahit na umalis ka na dito, yung puso mo, maiiwan mo rito. At pangagalagaan ko yun.." masuyo kong hinaplos ang kanyang imahe na parang sya ang hinawakan ko.

Binalingan ko naman ang poster ng mga kagrupo nya.

"Oy kayo! Alagaan nyo itong Langga ko uh?! Mamahalin pa ako nito.. eee!" Tangina, ako ang kinikilig sa sariling kong mga salita.

"Enebe Langga! Ayoko naaa! Nilalandi mo talaga ako! Nilalandi mo ako!" Eksaherada akong nagpaypay sa sarili ko gamit ang dalawa kong kamay na parang may maibibigay din itong hangin.

Pabagsak akong humiga sa kama. Hays! Hindi ko talaga mapigilang ngumiti habang naiisip ko ang nangyari kanina.

They are so childish.. hindi pakitang tao yun. They are also naturally kind. Alam kong hindi ko pa sila totoong kilala kahit na lagi akong nakasubaybay sa mga interviews, vlogs, and kung ano pang activities nila.

But a day experience with them could somehow make you feel and see na they are good people. And that is why i love them.. so much!

I sighed.

Indeed, i am so much lucky!

At para sa susunod na mga araw na pananatili nila dito sa Zamboanga, sisiguraduhin kong hindi sayang ang pagpunta nila rito. Pagpasaya at pagbigay ng inspirasyon sa akin.

"Fine Langga, I'll cook kare kare for you tomorrow.."

--
"Grabe! Ang sarap talaga ng luto mo Lovely.." bulalas ni Josh.

"Yeah. Parang gusto ka tuloy naming maging cook. With payment of course.." Si Stell. Napakabait talaga nito. Bigyan ba naman ako ng trabaho.

'Ibigay nyo nalang sakin si Langga, Stell. Lulutuan ko kayo araw-araw!' piping sigaw aking isip.

"Talaga? Syempre.. that's what you call, Cook with Love by Lovely Praico.." pagmamayabang ko pa. Syempre! Isa na yan sa masterpiece ko ngayon uh? Proud talaga ako sa sarili ko ngayon.

'Asus! Kasi requested by your Langga kamo.' kontra ng konsensya ko.

Buset! Oo na, isa yan sa dahilan.

Palihim kong tiningnan si Ken. Wala kasi syang imik kanina palang sa Van. Hindi na ako nakaabot sa almusal nila.
Si Tita kasi kung ano anong ang iniuutos akala mo reyna. Tss. Naabutan ko nalang silang papunta na dito. Pinasakay na din nila ako sa Van para sabay na kaming pumunta dito.

Nakakapagtaka man na welcome na welcome ako sa kanila but wala naman silang sinasabi. They don't even treat me as their fan or natulungan lang kundi i feel like i have a family in them.

Kung mararanasan lang siguro ng ibang A'tin ang ganitong pangyayari sa buhay nila. Malamang halos mamatay matay na sila sa tuwa. Napakaswerte naman kasi ng mga taong napapalapit sa kanila ee. Sobrang swerte!

Nang mapansin ni Ken na nakatingin ako sa kanya, sinimangutan nya lang ako.

"Lah? Problema nun?"  I whispered with my brows creased.

"Ang sarap talaga Lovely.." - Ani ni Josh.

Nag thumbs lang naman ang dalawang makukulit habang maganang kumakain.

"Alam ko, pero mas masarap ako.." seryosong sabi ko pero napahagalpak naman agad ako sa kakatawa ng sunod sunod silang nabulunan.

"Yawa.." Ken mumbled na uubo ubo rin.


Ano ba yan?! Pati pag ubo may class! Sana all!

Ampogi, nakakainis!

Kahit na sinimangutan nya ako ampogi nya parin.

"Iba ren!" Si Josh na unang nakabawi sa pagkakabulunan.

"Seriously guys, Pati sa pag ubo synchronize kayo?" Natatawang sabi ko pero nagsalin na rin ako ng tubig.

Ibibigay ko sana kay Stell na nasa malapit sa akin ang tubig na isinalin ko sa baso ng abutin iyon bigla ni Ken.

Hindi ko alam kung aksidente ba o sinadya pero talagang nagdikit pa ang palad nya sa likod ng aking kamay nung kunin nya sa akin ang baso.

And then as cliché as it may sounds, literally my heart pound and i felt the electricity from his touch. Dala non ay kiliti mula sa kaibuturan ng aking puso.

Shet! Papatayin ata ako sa gulat at kilig ng Langga ko.

Habang ako ay halos mamatay matay na sa pagpigil ng hininga umaasang mapipigilan nito ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang taong may kasalanan naman kung bakit ako nagkakaganito ay simple lang at nagawa pa nitong uminom ng tubig sa pinakagwapo nyang paraan.

Yawa jud! My heart..

And then i felt like my world stops revolving around the sun through its axis instantly the moment he open his lips while saying,


"Thanks.." in his serious, low and sexy voice..


CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now