Chapter 11

1K 50 6
                                    

Dedicated to:FeelingAsawaNgEsbi

CALL ME KUYA, THEN





--

Agad akong nagtago sa likod ni Stell ng mapansin kong parang tinatambangan kami. Omooo, hindi ba talaga pwedeng matapos ang gabi kong 'to na walang problema?

Akala ko pa naman mailalagay ko na ang araw na ito sa listahan ng mga masasayang araw sa buhay ko. Hays.

Matikas na hinarap sila ni Stell. Ni wala man lang akong naramdamang takot sa kanya. O baka naman ay magaling lang talaga syang magtago ng takot? Charot. I don't think Stell is a kind of person kasi na open sa trouble o bugbugan baka siguro ang Ken ko pa.

"May problema ba mga brad?" Mahinahong sabi ni Stell. I peek while holding his shirt on his waist. Bahagya nya akong nilingon saka ibinalik ang tingin doon sa mga kausap. Bakit ba parang nawala mga tao dito sa paligid? Naubusan na ba ng chismosa ang Pasonanca? Lol.

"Wala naman pero mukhang pinopormahan mo syota ko ee." Agad na nagusumot ang mukha ko dahil sa sinabi nito.

"Eh?" Nasambit ko nalang bilang hindi pagsang-ayon.

"Syota mo si, Lovely? Pinaglololoko mo ba ako brad? Syota ko kaya sya.." angil ng kasama pa nito.

Nagreklamo din ang natitira pa nitong mga kasama.

"Luh?"

Nagkatinginan kami ni Stell dahil sa pagtatalo ng mga ugok na nasa harap. Gusto ko sanang isiping astig sila sa mga suot nila. Lakas maka Kpop dahil sa All black outfit nila. Kaso lang, may mga sapak sa utak. Kinulang ata ng turnilyo.

"Andami mo palang, jowa.." nanlaki naman ang mata ko sa pagbulong bulong na sabi ni Stell.

"Oy! Wala akong jowa noh! Single and ready to mingle ako!" Malakas na sabi ko. I sound like a defensive suspect sa krimeng nagawa ko though wala naman akong nagawang krimen.

"Oh, easy.. easy.." natatawang sabi nito. Umalis na ako sa pagkakatago sa likod nya. Hindi rin naman pala nakakatakot ang mga ito ee. Baka siguro pag sinapak ko ang mga 'to tulog 'to agad ee.

Iningusan ko sya.

"Pre, pinopormahan talaga si Ms. Sexy ee.."

"Hoy Tisoy! Lumayo layo ka nga ng distansya sa nobya ko!"

"Nobya ko sya sabi ee!"

"Tumahimik nga kayo! Wala ni isa sa inyo ang naging jowa ko!" Sigaw ko. Nakakahiya naman. Alam kong maganda ako pero hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi nitong mga monggoloid na 'to.

"Lablab naman! Di mo na ba ako naaalala?" Madamdaming sabi nung lalaking nasa gitna.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Isa lang naman alam kong tumatawag sakin ng ganyan uh?

Wait--

"Jomar? Tama.. Jomar nga!" Malakas na sabi ko. Natawa pa ako ng masiguro kong naalala ko sya.

"Lablab!" Natawa naman ako sa pagtawag niya sa akin. Gosh! Jomar Aquino my best childhood buddy! Lumapit ako sa kanya para mas lalong masiguro. Hindi namin napigilang mapayakap sa isa't isa. Ginulo nya pa buhok ko. Humiwalay din naman ako sa kanya agad. Saka inayos ang buhok kong nagulo.

"Uwuuu! Jomar, ikaw na ba talaga yan?" Natutuwang sabi ko saka pinaglandas ko ang tingin sa kabuuan nya. Ang laki ng pinagbago nya uh? Mas lalong tumangkad din sya. Sana all.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now