Chapter 29

652 26 3
                                    

"MISSED CALL"










I was pacing back & forth as i am holding my phone in my hands waiting for someone's call. It's been two days since that most awaited part of my life had happened na una'y akala ko'y sumpa ngunit kalaunan pala'y blessing.

I guess i should have thanked that yawa for pushing me dahilan para mapansin ako ng SB19 during their free show on that Mall especially the love of my life, Ken Suson ang pinaka hot, pinaka sexy at pinakamakalaglag panty sa gwapo na dancer. He has always been my Langga. Pakiramdam ko tuloy ay dati na kaming mag-asawa sa nakaraang buhay namin at nareincarnate lang kami ngayon. Pakiramdam ko naudlot lang talaga ang pagmamahalan namin dati dahil sa masyado kaming perfect sa isa't isa noong unang panahon ee alam naman nating walang perpekto sa mundo diba? So i think, na threatened ang mga feeling perfect at insecure sa lovestory namin that make us end our relationship in a very tragic way. Hays!

Kaya ngayon ay binigyan kami ng pagkakataon ng tadhana na ituloy ang naudlot naming pagmamahalan. Yun nga lang, hindi nya pa naaalala ang lahat lahat ng tungkol sa meron sa amin sa past life namin. I gasped! Baliw na ba ako? Sa pagkakaalala ko, Physical Education, ang major ko at hindi history. Gosh! Nakakabaliw talaga ang pag-ibig. Lalo na kung ang iyong iniibig ay si Ken Suson. Pero bawal mo syang mahalin, ako lang pwede. Possessive ako ee.

Ano ba naman 'tong iniisip ko ngayon? Bumabalik na naman ako sa dating ako na sobra kung nababaliw dahil lang sa lalaking pinakagusto kong makuha.

"Why is he not calling me yet?" Napanguso ako habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Tulog na ang lahat. Tahimik na ang paligid dahil masyadong malalim na ang gabi.

"Nagbabasa pa ba sya?" Kausap ko sa sarili ko saka pabagsak na naupo sa kama.

"Ugh! What am i even thinking! Gosh! Malamang at this hour tulog na yon.. " at baka nga hindi nya pa nababasa ang libro dahil sa sobrang busy nya. I rolled my eyes heavenwards as I make bagsak my likod to make higa on my soft bed. Ang arte ko sa part na yon. Char!

Nakatulala ako ngayon sa kisame ng kwarto ko. As i sighed. Hays!

I guess, i just need to sleep.. baka maloka na ako kakausap sa sarili ko. but before ako matulog ay tiningnan ko pa ng isang beses ang telepono ko saka napanguso ng wala parin. For these past three days, lagi kong tinitingnan ang cellphone ko para makita kung may text ba o tumawag or notification sa kahit na anong social media accounts ko na may nag chat ba or whatever pero tatlong araw na rin akong bigo at patuloy na umaasa.

Wala namang kaso sa akin na angkinin nya ang libro ko ee. Dahil ibibigay ko naman talaga sa kanya yun. I was just shocked when he told me he would just barrow it and let me write my contact number para makontak nya ako if ever he'll return me my book. Ang totoo'y kaya ko ibinigay ang contact number ko is that, para may maging communication kami. Diba antaas ng confidence level ko sa katawan. Pero sana pala ay number nya nalang ang kinuha ko. Antanga ko talaga!

Bigo parin. Pero kailangan kong maagang magising bukas ee. May klase pa ako kaya kailangan ko ng matulog kaya inilagay ko nalang sa bedside table ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga standee ng SB19 sa gilid ng kama ko. I did pray to God and then finally take my beauty rest...

--

SEJUN'S POV

Tagaktak ang pawis, alingawngaw ng napakaangas na musika, nakakangilong tunog ng bawat pagtapak ng sapatos sa sahig maging ang paglagapak nito sa tuwing tumatalon, kabilaang salamin ang siyang nasa loob ng isang silid.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now