Chapter 25

853 31 8
                                    

THE REALITY OF THE BOOK





EPILOGUE

Year After The Hospital Incident:

May mga bagay talaga sa mundo na binibigay sa atin ng panandalian lang. Mga pangyayaring pinasalasap lang sa atin, ang iba'y pang kasiyahan, ang iba nama'y pang kalungkutan but both of that has something to gain, has something to learn. May tao talagang dumaan lang sa buhay natin para tayo ay pasayahin, palungkutin, patawanin, at bigyan ng leksyon o di kaya'y inspirasyon sa buhay.

Indeed that's true. Dahil sa dami ng napagdaanan ko sa buhay bago pa man ako maaksidente o pagkatapos kong maaksidente ay ang dami kong natutunan. Ang daming leksyon ang ibinigay sa akin sa pangalawa kong buhay. Na alam kong papahalagahan ko at ipagpapasalamat ko kay God na nangyari ang mga bagay na 'yon.

During those dark hours of my life, wala akong inintindi kundi ang sarili ko lang naramdaman. Nabingi ako para sa mga paalala ng mga tinig sa akin na nagsasabing mahal nila ako. Nag-aalala sila sa akin. Pinilit kong magbulagbulagan sa mga magagandang bagay na nagawa nila para sa akin na nagpapakita kung gaano ako kahalaga sa kanila. Dahil nangingibabaw sa aking paningin ang mga maling bagay na akala ko'y yun lamang ang tanging bagay na nakikita nila sa akin. Nangibabaw sa paningin ko ang mga panahong pakiramdam ko'y nagmistula lang akong hangin na wala silang pakialam.

Naging pipi ako sa sarili kong mga emosyon. Hindi ko sinabi kung ano yung nakapaloob sa akin. Kinimkim ko lahat dahil pakiramdam ko walang may pakialam sa akin. I was too depressed at that time. But it's true that i never attempted suicide. What happened to me was pure accident. Pero nung maaksidente ako'y ginusto ko nalang na hindi na magising. Tinanggap ko sa sarili kong hanggang doon nalang talaga ang buhay ko but God is too generous to gave me another life to live. Another chance to be happy.

And that is the life that i want to be worth living for. Ginagawa ko ang mga bagay na alam kong makakapagpasaya sa akin.

During my healing process hindi lang sa pagkakaaksidente ko ay pati na rin sa emotional stress ko. Kasama na dito ang anxiety and depression ko and anything that is triggered by my trauma and emotional stress. I've undergone Psychiatric Counselling

Walang masama kung kailangan mong mag undergo ng Psychiatric Councelling lalo na't alam mong ito ang makakatulong para sa pinagdadaanan mo ngayon. Surely, ikaw lamang ang makakatulong sa sarili mo but it is more effective kung hindi mo sosolohin ang lahat. Hangga't hindi mo pa kayang ihandle ang sarili mo ng mag-isa you need the advice of the people who's expert on that field and the people around you.

Halos ilang buwan din akong nagpabalik balik sa councelling hanggang sa naramdaman kong kaya ko na. Kaya ko ng ihandle ang stress ko. The trauma is still here. Hindi naman madaling maialis iyon sa akin. But i believe time will come i'll completely overcome it.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now