Chapter 28

697 33 17
                                    

Dedicated to: jahislife. and also for my silent readers. Thank you for the reads, comments and vote. Maraming salamat!



FIRST HUG







-

I've recieved a lot. A lot hugs from my friends, my family, my mom and that is and would always be my favorite. But this time around, i'm sure this hug.

This kind of hug that he is giving me would not be just my favorite, i dunno how should i call this. But his protective hug and gentle tap on my back is something that makes my heart feel at ease. Parang gusto ko nalang kalimutan ang buong mundo para lang manatili sa gantong posisyon.

This is the first time that i am hugging a man like this. Yung tipong yakap na ayaw kong pakawalan. Tipo ng yakap na gustong sa kanyang bisig na lamang manahanan. Tipo ng yakap na alam kong hahanap hanapin ko sa susunod na mga araw.

"Shh.. it's fine. It's fine.." he softly said. Naramdaman ko ang paggiya nya sa akin paalis sa lugar na iyon. Hawak nya ang aking mga braso.

"Ken. Kamusta si Ma'am?" Stell.

"Take her outside.. baka napano sya.."

"Guards. Guide them. Kami muna bahala sa mga nandito.."

"Sige, may sugat si Ma'am. Dalhin ko lang sya sa labas diretso kami sa Van.."

Hindi ko makita ang mga pagmumukha nila dahil tinatakpan ako ng jacket ni Ken. Habang nakayuko lang ako at ngayon ay yakap ko ang sarili ko.

"Halika na, Ma'am. Gawas sa-- i mean, labas po muna tayo.." tumango nalang ako sa sinabing iyon ni Ken.

"Get in the zone break! Hi, we are SB19!" I pressumed, Bumalik na sila sa gitna at bumati at nagpakilala sa lahat kahit na alam naman naming lahat na kilalang kilala sila ng mga tao dito. Dinudumog na nga ee.

"Thank you the love and support for us."

"Sana po ay nagustuhan nyo po ang inalay naming performance sa inyo ngayon ngayon lang.."

"Maraming salamat po sa oras.."

Hindi ko na masyadong narinig ang sinasabi nila ng tuluyan ng kaming lumayo roon.

"This way, Ma'am.." kahit na hindi ko makita ang daan ay tumango lang ako. Doll shoes ko lang at rubber shoes nya ang nakikita ko kaya yun lang ang gabay ng mga mata ko para hindi ako tuluyang matanga at madapa na naman. Kahit na gusto kong magpasalo kay Ken ay wag na muna. Masyado ng malaki ang kahihiyang naidulot ko kanina. Dagdag pa na nakauniform ako.

I've been called "Ma'am" by different kinds of people from i think all ages because of my profession. Mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda. Mula sa loob at labas ng eskwelahan. Maging sa mga nakakasabay ko sa pagpunta at pag-uwi. The way they greet me with Ma'am was a bit nice on my ears. But when the SB19 mentioned that word with their worried voice. It felt so, lovely. Especially when Ken called me that. That felt and sound like a music to my ears. How lovely!

Nang papalabas kami. Actually, hindi ko talaga alam kung saan kami dumadaan ngayon dahil sa pinipilit rin syang lapitan ng mga fans nila kaya nadadamay ako sa pagiging maharot ng mga Fans nila. Grabe ilang kalmot at bugbog ang natanggap ko ngayong araw buti nalang talaga ay makapal ang ipinantakip sa akin mula ulo hanggang sa natatakpan ang likod na jacket ni Ken.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now