Chapter 19

991 42 20
                                    

HE SAVED ME







--


Nagising akong muli. Umaasa na sana hindi totoo ang nangyayari sa akin ngayon. Umaasa na sana ay totoong kasama ko o nakasama ko ang SB19.

Umaasa na sana ay jinojoke time lang ako ng pagkakataon.. ng panahon.. at ng mga ate ko..

Umaasa na sana ay hindi nalang ako nagising at patuloy na nabuhay mula mundong binuo ng sariling utak ko para sumaya ako.

Ba't kailangan kong magising sa reyalidad kung puro pasakit lang naman ang tanging naibibigay nito sa akin? Why do i have to wake up from a wondrous dream that gave me so much reason to be happy enough..

Why?

Naging masama ba ako?

Ano yon? Panandaliang sarap para sa pangmatagalang hirap?

Hindi ko na napigilang paagusin ang mga luha ko mula sa aking mga mata.

Why does life gave me so much heartache?

Am i not worthy to be happy?


Hindi ko kasi maintindihan ee.

I am not too naive. Hindi ako tanga para hindi malaman na lahat ng nangyari sa akin ay pawang kasinungalingan, mundong binuo ko para sa sarili kong kaligayahan..

Kung sana yun nalang ang naging totoo ee. Edi sana, hindi ako nagdurusa ngayon.



"Lovely? Oh, ba't umiiyak ka?" Rinig ko ang boses ni Tita na nasa gilid ko. Hawak nya pa ang kamay ko. Hindi ko sya tiningnan, hindi ko man lang pinunasan ang luha ko.

Nakatitig lang ako ng diretso kaharap ang mataas na kisame ng kwartong kinalululanan ko.

"Lovely, anak? Ba't ka umiiyak? May masakit ba sayo?" I've never heard Tita Crystal's gentle voice before until now. Halata sa boses nya ang sinserong pagtatanong maging ang concern dito

She had never call me anak before until today. Dahil ba takot silang magpasagasa ako ulit?

Kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko naman ginusto ang nangyari sa akin. At some point parang gusto kong magpasalamat, dahil kahit panandalian lang. Nakalimutan ko ang emotional pain na binibigay sa akin ng reyalidad.

Kahit panandalian man lang, nabuhay akong may gusto at dahilan kung bakit gusto kong gumising ng umaga.

Tinangka kong bumangon pero ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko. Pero nagpumilit parin ako kaya tinulungan na ako ni Tita. Hindi na din ako umangal dahil alam ko namang kailangan ko din talaga ng tulong.

"S-salamat po, Tita.." naiilang na sabi ko. Hindi rin ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Anong gusto mong kainin? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? You want water?" Sunod sunod na tanong nya.

"Tubig lang po, Tita.." sabi ko nalang. Hindi naman talaga ako nagugutom ee. At isa pa, alam kong wala akong gana kumain dahil hindi pa maayos ang panlasa ko ngayon.

"Okay.." sabi nya saka kumuha ng tubig mula sa pitsel na nasa bedside table lang ng kwarto ng ospital na 'to.

Uminom naman ako ng ibigay nya ito sa akin.

"Kamusta ka na?" She asked giving me her gentle smile. Hindi talaga ako sanay.

Hindi ko alam ang isasagot ko at ayoko ring magsinungaling kaya iniba ko nalang ang topic.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now