Chapter 9

1K 41 12
                                    

THE VISITOR






--

Maaga akong nagising. Ngayon ang unang araw ko sa enrollment para sa second semester. Semestrial break is near at it ends.

Tinatamad man ay kailangan kong sipagan lalo sa pag-aaral para sa susunod na magkita kami ng mahal ko, may mas maipagmamalaki ako sa kanya bukod sa masarap ako este ng mga niluluto ko.

I am a Bachelor of Physical Education (BPED) 3rd year student at ***** University. I could still remember how much i cried dati dahil sa hindi ko alam kung anong kursong kukunin ko sa college. But here i am now, i survived 1 and a half year on college with my course and major.

I just love dancing, and well i bet dancing loves me too. We love each other so yeah, reason why till now, mahal na mahal ko ang kursong napili ko at alam kong mahal ko parin ito hanggang sa makapagtapos ko.

Nasa registrars office na ako para ipapirma ang blueform ko. Unlike the rest, mag isa lang akong nakikipila dito while others have their friends with them, may iba pa akong nakikitang parents na sinamahan ang anak nila kahit college na ito. Probably their daugther is a freshmen. Kahit second sem na, may kasama pang parents. Sana all.

"Omoooo! Ang hot talaga nila kahit kailan!"

"Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nakita ko na sila ng personal bes.."

"Ako rin.."

I promise, hindi ako nage-eavesdrop sa kanila, sadyang ang lakas lang ng boses nila saka panay ang tili.

"Omoo! Ang gwapong manghihilot koooo! Gusto ko talagang akyatin ang stage kagabi tapos yakapin si Stell sabay sabing, pahilot ako beh?" Saka nag iritan ulit. Nilingon ko bahagya ang mga babaeng nag uusap na nasa likuran ko lang pala.

They don't mind me na napatingin sa kanila dahil sa kaingayan nila. Patuloy parin sila sa pag iingay hanggang sa may narinig akong nakakapagpainit ng ulo ko.

"Omoo! Akin si Ken..."

"Hoy! Makasayo ka, walang sayo oy!"

"No, akin sya.. katext ko sya kagabi, sabi nya papakasalan nya daw ako pagkatapos kong grumadweyt! Kyaaaah! I'm so excited!" Halos tumirik tirik pa ang mata nya habang eksaheradang pinapaypayan ang sarili nya gamit ang form na nakalagay sa transparent envelope na hawak nya.

"Excuse me?!" Wala sa sariling sabi ko sa mataray na tono. Hindi ko lang talaga napigilian. Ywa.

Parang bet kong isungalngal sa kanya ang hawak nya.. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya dati. Dati nung sobrang fangirl ako na nangangarap lang, hanggang ngayon nangangarap parin naman ako pero duh! Nakilala ko na sila bago pa ang concert nila noh. Bahagya akong kinilig ng maalala ko nung mga panahong pinapakilig nya ako.

Actually natutuwa akong ang daming humahanga sa kanila, pero wala lang talaga ako sa mood ngayon kaya ganito ako.

Dati rin wala naman akong pakialam mas gusto ko pa ngang sikat talaga siya kasi ibig sabihin non sobrang effective nya as an artist pero ngayon parang feel ko talaga solohin sya, angkinin sya. Yung akin lang talaga. Huhu, this is not good. I am being territorial already.

"Yes, Miss? Dadaan ka?" Mataray ring sabi nung babaeng karibal ko kay Ken na sinungaling naman. Duh! Ako nga hindi pa sinasabihan ni langga ng ganun, tapos mauuna sya? Bakit? Sya ba ang nagluluto ng mga paboritong putahe ng manok na inuulam ni Ken? Siya ba? Psh.

"No, but could you please, minimize your voice? Nakakaistorbo sa iba ee.." i said trying my best not to burst out baka isungalngal ko na talaga sya sa hawak nyang transparent envelope, balatan ang balat gamit ang nailcutter---

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now