Chapter 32

679 27 5
                                    

"INDEED.. A HAPPY HEARTS DAY"






The most awaited part of our lives was those part we know that we would cherish it for the rest of our lives. It is those part that maybe meaningless for others but meaningful for ourselves.

I've waited so many years for this day to come. A day where i could finally set my eyes to those hot performers that set the stage on fire.

"Bessy, sabay na tayong pumunta sa concert mamaya?" Agad na sabi ni Lesly ng masagot ko ang tawag ko sa kanya. Wala man lang good morning or kahit anong bati, straight to the point. Pustahan tinamad na naman 'to sya.

"Good morning bessy.." sarkastikong pagbati ko sa kanya na may kasama pang pag irap sa kawalan na animo'y kaharap ko sya. Habang namimili ako ng damit na susuutin ko mamaya. "No na. I can handle myself. Magkita nalang tayo doon. Ayoko munang makita ang pagmumukha nyo ng pinsan ko at wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya on the way there.." sabi ko.

'Alin kaya ang maganda? Should i wear dress para feminine na feminine talaga?' tanong ko sa sarili ko habang hawak hawak ang isang thin strap U-line fitted dress na may light color. Umiling ako saka itinabi ito. Hindi ako magiging komportableng magagagalaw doon pag nagdress ako.

"Sus! Ang dami mo pang sinabi! Oo o hindi lang naman ang sagot." Sabi nya. Saka umirap pa. "Ay! Alam ko na kung bakit ayaw mong sumabay. Haha!" Napaarko ang kilay ko sa sinabi nya.

"Oh, bakit daw?"

"Kasi, pagod ka ng maging chaperone namin habang nagdedate kami.."

"Bwisit ka! Sasaglit kasi muna ako sa school may ibibilin lang ako sa mga estudyante ko.."

"Wushuu... Well, sabagay. Mabuti narin yung hindi ka sasabay sa amin mamaya.."

"Ang sama ng ugali mo! Plastik ka!"

"Matagal na." Natatawang sagot nya. "Geh, na bye. Amboring mong kausap!"

"Wow huh! Bwisit ka!" Inis na sabi ko. Saka pinabayaang patayin nya ang tawag. Rinig ko pa ang malakas na halakhak ng babaitang yawa na 'yon. Na high blood ata ako bigla kahit na sinabi ko na sa sarili ko na good vibes lang dapat ee.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagpili ko ng mga damit. At halos mahalungkat ko na ang laman ng wardrobe ko ay nahihirapan parin akong pumili. Kaya in the end i just chose white shirt na may logo ng SB19 saka black maong skirt na hanggang tuhod ko lang. Saka white airmax (rubber shoes), at black belt.

Tingnan mo nga naman sa dinami dami ng pinagpipilian ko. Yung pinakasimple lang din naman pala ang mapipili ko. Nagpagod ka lang Lovely. Magandang attitude yan Ma'am. Tss.




--

"Happy Valentines Day Ma'am!" Nakangiting bati sa akin ng mga estudyante sa school. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa gate--- even nung pagbaba ko palang sa sinasakyan kong motor ay bumungad na agad sa akin ang iba't ibang greetings ng tungkol sa araw ng mga puso.

I am overwhelmed by that actually. So, this is how it feels like to be a teacher. You'll recieve a lot of love not just with you family by blood but also by your sons and daughters at heart.

Kung dati ay nabibitter pa ako sa mga ganyang greetings. Yung tipong, 'edi wow!' 'Anong happy sa Valentines ko?' 'Sana all may kadate..' may motto pa nga ata ako dati ee. 'Okay lang walay ka-date sa valentines atleast naay diploma karung march."  Ganyan ako ka bitter dati. Di ko alam. May nanliligaw naman, wala rin akong pakialam sa kanila. Hahaha

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now