Chapter 22

850 33 7
                                    

FINDING KEN SUSON







STELL'S POV

"Found him already?" Sejun asked, ang leader ng aming grupo ng magkasalubong kami sa hallway ng ospital.

"No.." Sagot ko. Both of us were panting, catching our breathes out of frustration and tiredness. Kanina pa kami paikot ikot pero hindi parin nahahanap si Ken. Nagpaalam lang ang nagbabantay kanina kay ken na may bibilhin lang itong pagkain sa labas ng pagbalik nya ay hindi nya na mahagilap.

Nagtanong tanong kami sa mga staffs ng ospital at sinabi nilang kanina daw hinahabol ito ng mga fans nyang nakakita sa kanya na nandito sya sa ospital.

Now we're going crazy searching where the hell that damn stubborn man. Pinag-aalala nya kami ng husto. Hindi pa maayos ang lagay nya ng dahil sa aksidenteng natamo nya last month. At nung isang linggo lang syang nagising.

Sobrang takot kami ng malaman naming naaksidente ito. He was riding his favorite Black and White Suzuki AEM Carbon Fiber Hayabusa ng madamay sya sa isang salpukan nung papunta sana kami sa STD para sa rehearsal para sa nalalapit na concert na gagawin namin sa KCC Mall de Zamboanga. Nabangga ito sa isang itim na SUV na dahilan ng pagkatilapon ng katawan nya ng ilang dipa mula sa motor nya. Mabuti nalang at nakasuot sya ng safety gear kaya hindi masyadong naperwisyo ang mga paa at kamay nya pero hindi nakaligtas ang bugbog nya sa likod at sa ulo na kahit ang kanyang suot na helmet ay walang nagawa para protektahan ito.

Sobrang takot namin na baka mawalan kami ng isang member kaya ingat na ingat kami sa kanya pero sya lang din naman pala ang magpapahamak na naman sa sarili nya.

"Seriously?! Ano bang pumasok sa kokote nya at naisipan nyang lumabas ng kwarto nya ng walang kasama?!" Inis na sabi ni Sejun. Napalakas ang sabi nya kaya napalingon ang mga nakarinig na nandito lang sa kanya. Yumuko lang sya.


"We have to find him sooner. Baka napano na 'yon." Sabi ko ng mahinahon. Hindi maganda kung pareho kaming mainit ang ulo at nagpapanic.

"Aish! Alangan namang pabayaan natin ang ugok na 'yon!" Inis na ginulo nya ang buhok nya pagkuway inayos lang din naman. Umiling nalang ako. Saka sumunod sa kanya. Para ipagpatuloy ang paghahanap namin.


JOSH'S POV



"Napaka unfair ng A'tin sa atin. Gwapo naman ako? Ba't hindi ko naranasan ang habulin din ako ng mga fans ko patay na patay sa akin?!" Dismayadong sabi ko habang para kaming mga walang buhay na naglalakad sa mahabang pasilyo para hanapin si Ken.


Galing kaming dalawa ni Justine sa CCTV room ng hospital at nakita namin ang buong pangyayari kanina. Nung una kanina ay ayaw naming maniwala sa sinasabi ng mga napagtanungan naming nurse kanina. Pero ng makita namin ang nangyari sa CCTV footage kani kanina lang ay sinampal kami ng ebidensya na nagsasabing habulin talaga ng mga babae ang main dancer ng aming grupo. Isang malaking insulto 'yon para sa katulad kong face of the group! Though i'm happy for him.


At hanggang ngayon ay may mga nakatambay pa at hinihintay ang paglabas nila Ken. Sa nakita namin sa CCTV footage kanina, may nakita kaming kasama nyang babae. Sana lang ay wala syang gawing masama doon sa babae.

Hays! What am i thinking. Mailap si Ken sa mga babae. Paano nya gagawan ng masama iyon?


"Gwapo din naman ako uh? Bakit ganon?" Paghihimutok ko pa. Nakakapanghina talaga.


"Josh.. may sasabihin ako sayo. Wag ka sanang mabibigla.." napahinto kami sa paglalakad when Jah patted my shoulder while looking at me intently in the eyes. It's as if he's telling me to listen carefully at whatever it is he's going to tell me. Habang hinarap ko nalang sya at tamad na tiningnan.



CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now