Chapter 23

921 27 8
                                    

GONE









Hindi ko mapigilang hindi ngumiti habang naalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong magpasalamat kay God at nadisgrasya kaming dalawa kami pinagtagpo ng tadhana at dito pa talaga sa ospital gaya ng nasa panaginip ko.

Nung unang nagising ako, sila ang unang bumungad sa akin na syang dahilan kung bakit sobrang saya ko. Sobrang saya ko kasi ang dating pangarap ko ay natupad na. Nakakatawa lang na panaginip lang pala ang lahat ng iyon.

But today, this is all real. Totoong nakita ko na sila. Totoong nakaharap ko na sila sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

Who would have thought na sa ospital kami magkikita na parehong may benda sa ulo. Iniligtas pa ako sa muntikan ko ng pagkadisgrasya ng magising ako mula ng macomatose ako.

Who would have thought na makikita ko syang hinahabol ng hindi ko mabilang na fans nya kasi hindi ko naman talaga binilang dahil nakitakbo rin ako. Who would have thought na makikita ko syang hinihingal na hinahabol ng mga taong nababaliw na sa pagkakagusto sa kanya.

Who would have thought na ang kwartong pagtataguan ko lang sana dahil sa takot akong madamay sa gulo ay sya palang kwarto na magiging hide out naming dalawa na syang nagbigay sa akin ng pagkakataong hindi lang makasama sya kundi ang makausap, mahawakan, mayakap, makalandian-- may sakit kasi ako na 'Harotism' ang tawag. Ibig sabihin nyan, nagiging active ang kaharutan cells ko sa katawan kapag napapalapit ako sa taong mahal na mahal ko o taong gusto kong kaharutan. At wala naman akong ibang gustong harutin kundi si Kim Taehyung-- char! Si Kenchicken Suson lamang. Ang aking Palangga, ang aking mahal, ang aking puso't kaluluwa-- char ulit!

Habang pinapagalitan ako ni Tita, Tito at ng mga ate ko dito ay hindi ko naman maiwasang hindi ngumiti. Hindi rin ako naiinis o naiirita sa mga pinagsasasabi nila. I have this attitude na ayaw kong pinapangaralan ako, ayokong pinapagalitan ako kasi nasanay na akong ako lang nakikialam sa buhay ko. Ayokong pinapagalitan o pinapakialaman ako kasi pakiramdam ko yun lang ang nakikita nila sa akin. And that is frustrating! but today, pakiramdam ko nawala ang attitude kong ganyan. Wala ni katiting na galit o inis o irita akong nararamdaman. Alam kong nag aalala sila sa akin.

"Ba't ba kasi umaalis ka ng walang kasama huh? Bakit hindi ka nagpapaalam kung lalabas ka ng kwarto?! Paano kung napano ka dun sa labas?!"

"Bata ka?! Hanggang kailan mo ba kami pag-aalalahanin, huh?!"

"Sinabi na namin sayo na wag kang lumabas na walang kasama diba?!"

Kanina pa nila ako pinapagalitan pero wala akong sinasabi o wala man lang akong ginagawa. Nakayuko lang ako habang kinakagat ang pang ibabang labi ko para pinipigilan ko lang na mapangiti.

Inangat ko ang tingin ko sa kanila. "Tita.." ang sabi ko ng siya ang una kong makita.

I bit my lower lip trying so hard not to make a grin. But i can't help it. I really can't help it. Masyado akong masaya. Masyado akong kinikilig para pigilan pa.

And there my lips formed a happy smile.

"Oh no.. don't give me that kind of smile, Lovely. De yo ta gusta.." sabi nya sa akin. But i don't care. May pa iling iling pa syang nalalaman. Nakikinig at nanonood lang naman sa amin ang mga natitira pa dito sa kwarto.

"Tita.. may sasabihin ako.." yumuko ako and i bit my lower lip again. My hands played together playing with my fingertips. Saka ako muling humarap sa kanya.

"Tita.. finally.." ish! Kinikilig kasi talaga ako. Nahihirapan tuloy akong sabihin ang gusto kong sabihin. They just listened to me.

"Finally.." sabi ko. Aish! Paano ko ba sasabihin 'to?

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now