Chapter 24

887 33 4
                                    

PUBLISHED

6 YEARS LATER ( 2026 )




"Anak, hindi ka pa ba tapos dyan?" Rinig kong sinabi ni Mama sa akin. Nakatayo sya sa pintuan ng kwarto ko habang bahagyang syang nakasandal sa gilid nito.

"Hindi pa po." Sagot ko ng hindi man lang lumilingon sa kanya. "Pero malapit na po itong matapos.." dagdag ko pa saka nagmamadaling magtipa sa keyboard ng laptop ko. Nakatuon lang ako rito. I need to finish this report for tomorrow.

"Hmm, hindi ka pa nagpapahinga mula pa kanina. At hindi ka man lang rin kumain muna.." sabi nya sa akin. Naramdaman kong pumasok na sya sa kwarto't umupo sa aking kama. Hindi ko muna sya sinagot. Dahil nasa ginagawa ko ang buong atensyon ko.

"Anak, kumain ka m----"

"Hay! Finally!" Malakas na bulalas ko sabay ang isang malalim na buntong hininga ng matapos ko ang ginagawa kong lesson plan pati narin ng Table of Specification para sa report at nalalapit na exam ng mga studyante ko. "Ano ulit yun, Ma?" Tinanggal ko ang aking reading glasses ng humarap ako kay Mama na nakalukot na ang mukha habang tinitingnan ako. I even saw her rolled her eyes. Ang arte ma, hah?

"Kain na. May sinasabi ako hindi mo pala ako pinapakinggan.." napanganga ako sa sinabi ni Mama. Nagtatampo ba sya? Natawa tuloy ako.

"Wushuu... Si Mama talaga. Gusto lang magpalambing ee." Nanglalambing na sabi ko saka ko sya niyakap mula sa likuran as i placed my chin on her shoulder. Apakalambot ng braso ni Mama. Lol

"Heh! Tigil tigilan mo ko Lovely! Kain na don. Kanina ka nakatunganga lang dyan sa laptop mo ee! Imbes unahin ang kain, inuuna pa yan.." napaangat nalang ang kilay ko habang natatawang tinitingnan si Mama na sinisermunan ako.

"Mama naman.. sorry na. Importante lang talaga para bukas ang tinatapos ko kanina.. at dahil tapos na, kakain na po ako.. Ano po bang niluto nyo?" Paglalambing ko sa kanya. Inirapan nya pa ako pero maya maya ay inakbayan nya ko saka sinamahan ako papuntang kusina.

"Si Ate pala Ma? Hindi pa nakauwi?" Tanong ko ng mapansing nakapatay ang tv sya sala. Which is very unusual. Pag nandito kasi sila halos natutulog na lahat ng kapitbahay namin si Ate Rose ay nanonood pa at may tinatapos na namang Korean Drama or Asian Novelas.

"Naku, tumawag kanina si Rose at nagpaalam na bukas na daw sya uuwi dahil may pinuntahan daw silang birthday party. Magkasama din sila ng boyfriend nya ngayon. Kaya she'll be fine.." sabi ni Mama saka hinahanda ang pagkain. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.


Oo nga pala pareho ng may lovelife ang mga ate ko. Buti pa sila. Hays! Si Ate Rose ay magtatatlong taon na sila ni Kuya Arnel. Habang si Ate Rica naman na hindi ko aakalaing magkakaasawa ay nagkaasawa na nga't nagkaanak na rin. Ako kaya, kelan?


Paano naman ako magkakalovelife kung yung lalaking mahal ko ay hindi pa ako nakikilala. Hays ulit!


"Ma, ako na nyan.." sabi ko ng akmang lalagyan nya pa ako ng kanin sa aking plato maging ng ulam. "Ba't nyo naman pinayagan yung dalawang yun, mamaya may mangyaring masama sa kanila dun ee.." napairap pa ako. Natawa naman si Mama. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko?

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now