Chapter 15

991 42 2
                                    

SWEETEST DREAM






--


"Bessy, san ka na?" Agad na tanong ko sa bestfriend kong pinaglihi sa kadyosahan kuno na ubod ng bagal kumilos. Ang usapan namin ay 4 pm sharp, palang dapat nandito na sya sa bahay dahil sabay kaming pupunta ng concert. Pero mag aalas singko nalang hindi pa sya dumadating! Hayst.

6:00 - 8:00pm ang nakasulat sa ticket na schedule ng kanilang mini Concert. Kung kaya't nag-aalala ako baka malate kami.


Oo, concert. Nino? Of course! Ng mga minamahal kong lalaki. Chars! Wait lang, can't contain my happiness and excitements kasi finally, i'll be seeing them perform on stage ng live. Hindi na mula sa screen ng cellphone ko, screen ng computer shops na pinupuntahan ko, screen ng Tv habang nanonood kami ng Asap, mga guestings nila kundi ng personal!

Mararanasan ko na rin sa wakas ang makipagpaligsahan sa pagtili, pagsayaw, pagsabay sa kanilang kanta kasama ang kapwa ko mga A'tin. Tumalon, makihiyaw habang iwinawagayway ang hawak hawak naming lightsticks na may tatak SB. Gosh! I am indeed excited!

"Papunta na bessy." Sagot nya mula sa kabilang linya. I could hear noises of a vehicle. Di ko lang matukoy kung anong klaseng sasakyan pero alam ko na ngayong papunta na nga sya at nasa byahe na.

"Kanina pa yang papunta papunta mo. Saan ka na banda?" Tanong ko naman sa kanya.

"Malayo layo pa, traffic dito sa SR banda ee. Wait ka lang. Basta you'll know when i'll get there. Aabot tayo sa concert. Promise. Libre sabunot pag hindi. Hahaha..." Nagawa nya pang tumawa. Maingay man ay narinig ko parin ng klaro ang mga sinabi nya. I just rolled my eyes. Kainis naman ee! Dapat para sinabi kong 8:00 am syang pupunta dito para mga 12 andito na sya.

Iba kasi yang babaitang yan ee. Nasobrahan sa pag adapt ng Filipino culture and traditions. Yang pag adapt nya sa Filipino time, very hindi maganda. Gosh!

"Oh sige na.. mag-iingat ka.. bilisan mo dyan!" Sabi ko nalang.

"Ang init ng ulo. Opo opo. Wuvyuuuu!" Narinig ko pa ang tunog ng kiss mula sa kabilang linya na ikinatawa ko. Ang kulit talaga.

I was supposed to invite my other bestfriends but hindi sila pinayagan ng mga magulang nila so i thought i would be going alone when kagabi ay biglang nagchat sa akin ang girlfriend ng pinsan kong singkit.

And out of the blues, bigla kong naisip na iinvite sya and pumayag naman agad.. alam kong hindi sya pinayagan ng overprotective kong pinsan pero pasaway yun ee.

What she wants, she gets. Yan kasi, iniispoil nya ng sobra. Namihasa na tuloy. Kawawang pinsan.

Lesly Mae has always been so supportive about my fangirling. Though feel kong hindi nya pa masyadong gusto sila kasi nga naman, i invited her to watch this and thats which was also related sa SB19 but she keeps on saying mamaya na, kung may oras na ako. Antamad talaga. Kaya ako nalang nagsesend ng videos nila sa messenger. That's the time she can clearly watch it.

Antamad nya talaga! Mag search nalang sa youtube, tinatamad pa.

So, i took selfies muna habang naghihintay sa kanila and went online on my social media accounts. Pinopost ko after.

I really love my outfit. Talagang pinaghandaan ko ito. I wore velvet fabric gray tube for top exposing my shoulders and a bit of skin of my tummy, paired it with 6 pocket high wasted pants with black long belt. Wore my favorite black boots and also to complete my outfit, nagsuot rin ako ng plain back knitted bonnet tsaka waste bag na ginawa kong sling. Syet! Ang hot ko talaga! Ewan ko nalang, kung di pa mainlove ng sobra sobra sa akin si Ken.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now