Chapter 30

737 26 2
                                    

GIVE UP OR NOT?





I've always told myself before that if you wanna do the things you wanna do or love to do then do it. It doesn't matter if they don't like you for it. Ang mahalaga ay nagagawa mo ang gusto mo, masaya ka at wala kang inaapakang ibang tao. Because at the end of the day, you are the ruler of you own mind, own body, own self.

At ang mga bagay na gusto mong gawin, kapag hindi mo ginawa, hindi mo sinunod ang gusto mo you'll definitely have regrets in the end. You'll live in regrets and living with full of regrets doesn't look good, and it doesn't feel nice, you won't ever feel right.

Kung kaya't hangga't alam mo kung anong gusto mo, gawin mo. Habang nakahain na sa harapan mo ang oportunidad, sunggaban mo na agad para sa huli ay wala kang pagsisihan kasi wala kang pinalagpas na bagay na gusto mo talagang makuha.

But in my case, sa sobrang tanga ko. Sa sobrang katangahan ko. Napakawalan ko ang isang napakagandang oportunidad na nakahain para lamang sa akin. Gusto kong umiyak ng umiyak sa sobrang pagsisisi.

Bakit? Mali bang magpaganda muna bago ko sya sagutin? Mali bang pagandahin ang boses bago ko sya landiin? Tangina naman! Kung kelan naman kasi hindi ako prepared saka pa tumawag ee!

Tas ngayon, hindi na ako tinatawagan. Hindi na ako makatulog ng maayos kakaisip kung saan ako nagkamali-- chos! Hindi na ako makatulog dahil sa nagulo na nya ang sistema ko at naiisip kong baka tatawag sya ulit. Gusto ko sanang ako nalang ang tumawag ee kaso napaka wrong timing naman ng tadhana ng kamalasan para sa akin. Wala akong load! Hindi ko tuloy mapigilang mag-almusal ng mura para sa sarili ko dahil sa katangahan ko. Kung sinagot ko nalang agad 'yon edi sana may lovelife na ako ngayon! Tangina naman talaga! Ambagal ee!

For the long time na nag focus ako sa sarili ko at pakonti konti lang ang time ko sa SB19 dahil sa sobrang busy ko sa pag-aaral ko noon ay panandaliang nakalimutan ko ang gantong pakiramdam. Yung nasosobrahan na naman sa kalokohan ng dahil sa kanila. Thinking out of the line. Thinking that they would see me. That they would notice me that way they attract my attention. Drawing it unto them, unto him.

Bumabalik na naman ako sa dating ako na umaasa ng sobra na baka isang araw magising akong sya ang katabi ko. Siya ang gigising sa akin,  ang kanyang ngiti agad ang bubungad sa aking umaga na syang mas lalong makapagpapaganda nito.

Pero dahil sa katangahan ko, wala! Wala akong napala. Wala, nawala lahat ng porsyentong natitira para ako ay tuluyan ng magkalovelife! Hindi naman ako nagmamadali, actually pero kasi... Baka magmenopause na ko, wala pa akong baby! I kennat!

Nang mag ring ang telepono ko, dali dali kong kinuha ito saka sa sobrang taranta ko itinapat ko na ito sa aking tenga ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello? Good morning.. i'm sorry di ako agad nakasagot kanina, kakagising ko lang ee. Sorry--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng maalalang hindi pala ganto ang ringtone ng pantawag ko. Tangina! Ringtone ng alarm ito!

"What the fudge?!" Malutong na mura ko. Advance almusal para sa umagang hindi pa sumisikat ang araw nasira na agad ang mood ko. I buried my face on my pillow saka nagsisisigaw doon. Habang nanggagalaiting nagpapadyak sa ere.

Ambobo mo Lovely!

-

"Oy, Ma'am.. ba't parang galit na galit ka sa mundo at salubong talaga ang kilay mo?" Puna sa akin ni Ma'am Celia. Isang matandang dalagang kapwa ko guro. Maganda naman sya kahit may edad na sya, i mean, She's on her 40's already. Pero ang ganda nya parin, maputi rin, hindi ko lang alam kung bakit walang nanliligaw sa kanya at bakit wala syang asawa. Totoo nga ba ang kasabihan na, 'Kapag maganda ka, nakatakda kang hindi na magkaka jowa'.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now