Chapter 12

1.1K 36 9
                                    

Dedicated to: Cess_295.

HINDI NAMAN KAMI NAGLALANDIAN!



--

Hindi ko mapigilang mapangisi habang pumapasok sa loob ng bahay. Pero agad ring nawala ang ngiti ko ng pagkatapos kong isara ang pintuan ng bahay ay mga seryosong pagmumukha na akala mo ay mga multong inaabangan ang biktimang matatakot nila. Halos mapatalon pa nga ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.

"Gosh! Tita, Tito naman! Ba't ba ganyan kayo makatingin. Kakagulat kayo ee." Napatalon na nga ako ng tuluyan ng pagtingin ko sa gilid nila. At talaga ngang nakahilera sila habang nakaharang sa maaaring daanan ko kapag nagtangka akong tumakas.

Doremi pa ata ang formation nila ee. Buti nalang, lumipat ng pwesto si Anthony sa gilid ni Tita Crystal bale ang formation nila is, From right to left. Nasa right side ngayon si Anthony, si Tita Crystal ang katabi nya, katabi naman ni Tita si Tito Nick na katabi si CJ at sa pinakagilid naman ay si Thirdy ang bunsong anak nila Tita at Tito.

I've been with them for few years now. And malapit na rin ang araw o buwan na aalis din ako sa puder nila at mamuhay ng hindi nakikitira sa mga kamag-anak namin.

I am a product of a broken family and si Mama ang mga ate ko nalang ang meron ako, but right now, i still have this people in front of me habang nasa malayo si Mama at naghahanap buhay para matustusan ang mga pangangalaingan pati narin ang mga luho ko sa katawan. Hindi naman ako maluho na tao but hindi rin naman maiwasan na may mga bagay akong gusto na gusto rin ibigay sa akin ni Mama. That's why i am so blessed having my mother.

Ngayon naalala ko si Mama nais kong humingi ng sorry.

'Ma, sorry.. i'm getting married na. Chos! Haha, hindi pa oy. Busit nga ee. Di pa kami bati ni Ken Palangga ko. Hindi pa ako sinusuyo. Yawa na chicken 'yon! Buti pa si Stell, pinuntahan ako at kinamusta, eh yung baby chicken ko hindi. Hayst!

"Hoy! Tinatanong ka namin, Lovely.." i was snapped out of my reverie, chars! Ang ganda ko talaga sa part na nag english ako.

Napatingin naman ako sa kanila ulit na seryoso parin talaga ang pagtitig sa sakin. Huhuhu, hot seat agad. Di pa ako kumakain ee.

Hala, si Stell kaya? Kumain na ba yun? Hindi ko pa naman sya naaya na kumain. Pinauwi ko lang kaagad.

"Lah, ka mama.. nagkita lang sila ng jowa nyang poging gangster na may mamahaling motor, natulala na.."

"Nakakatulala pala ang pagkakaroon ng ganon klaseng jowa kuya?" Inosenteng tanong ni Anthony na mas bata kay CJ.

"Ba, malay ko. Tanong mo dyan kay, Lovely."

"Hoy, wala akong boyfriend uh? Hindi nga ako nililigawan ng Langga ko. Paano ako magkakaboyfriend?!" Nakanguso na sabi ko sa kanila. Kung bakit ba kasi hindi pa ako nililigawan ni Kenchicken langga ee. Oo nga pala, may kasalanan pa pala sakin yun. Hindi kami bati.

"Oh eh, sino naman yung lalaking dumating dito kanina huh?" Nang uusig na tanong ni Tita. 'to talagang si Tita minsan sarap lagyan ng packing tape ang bibig at mata. Napakamapangahas, mapangmatyag, matanglawin-- charot. Love ko yan si Tita. Wag kayong ano.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now