Chapter 6

1.1K 48 8
                                    

KISS





--

Ilang oras na ang nakakalipas mula nang maihatid na ako dito sa bahay ng buong SB19 kasama na si Ate Rose. Pero heto parin ako at parang bulateng binudburan ng asin dahil sa hindi magkamayaw sa pagbali bali ng katawan ko na pababaling baling sa kama.

Napadako na naman ang tingin ko sa poster ng SB19, pero hindi ko na kailangang isa isahin pa ang mga nasa imahe dahil nakikilala talaga ng puso lalo na ng mga mata ko ang lalaking gusto lang matitigan nito.

Yawa! Yan, picture pa lang yan huh? Pero yung puso ko halos magtatatambol na sa sobrang kilig.

'Enebe Langgaaaaaaaa! Please, let me sleep? Para mas maganda ako sa paningin mo bukas huh?' kinikilig na sabi ko saka nag flying kiss.

Tinatamad na akong bumangon sa kama ee. Na drain lahat ni Ken ang energy ko.

Sorry Stell, Justin, Sejun, Josh.. kami na ni Ken. Charot! I mean, baby ko kayong lahat pero, my heart is really whipped by the sexiest dancer my eyes have ever seen... Sorry..

Syet! Nababaliw na ako.

Magmula ng dumating dito ang SB19 sa Zamboanga at makilala ko na sila ng personal, lagi nalang ganito ang eksena ko tuwing gabi.

Palala ka na ng palala self. Itulog mo na yan.

Hindi ko alam kung ilang oras pa ba akong nabaliw pero alam kong nakatulog ako. Na sa sobrang himbing ng tulog ko, nakalimutan kong magising ng maaga.

Paksyet! Tanghali naaaa!

Paglabas ko ng kwarto, putak na ng putak si Tita. Shit!

Agad naman akong gumalaw para gawin ang mga gawain sa bahay.

Habang nagmamadali akong gawin ang mga kailangan kong gawin bago ako umalis ng bahay, naiiyak ako.

Paano ba naman kasi, hindi ako nakapamalengke kahapon, ubos na ang ingredients na lulutuin ko. Wala ng natirang karneng manok.

Mangiyak ngiyak akong kumakain habang inuulam ang tinolang manok na niluto nila Tita kanina.

Yawa! Paano ako makakapagluto ng kare kare ngayon?

Paniguradong nasa practice na sila ngayon. Paano pa ako makakahabol?

Bwisit na araw naman oh! Ang malas ko ngayon!

Mukhang hindi na talaga ako makakapunta ngayon sa practice nila. Hindi ko muna masisilayan ang pinakagwapong nilalang na bumihag sa puso kong ngayon ay sugatan na dahil sa hindi ako makakapagluto ng Kare Kare for my Langga.

"Ang malas naman!" Malakas na sigaw ko na syang nakapagpahinto sa ginagawa ng nga kasama ko dito sa bahay.

Gulat silang nakatitig sa akin na para bang isa akong malaking tanga.

Ay! Ang oa ko na pala.

"Hehe.." awkward na tawa ko na parang kaya nitong isalba ako mula sa pagkapahiya.

"Problema mo?" Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Tita habang binibihisan ang anak nya. May lakad sila buong pamilya ee.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now