Chapter 20

994 34 13
                                    

CHASED






--

Ang makitang umiiyak ang iyong ina dahil sa pag-aalala at sa isip nya'y wala syang magawa para sayo dahil sa napakalayo nya sayo ay isa sa pinakamasakit na bagay na maaari ring maramdaman ng kanyang anak.

Ang makitang nahihirapan ang kanyang anak dahil sa wala sya sa tabi nito ay sya ring masakit na parte para sa isang ina. Ang malala pa'y wala man lang syang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman ng kanyang anak dahil wala sya sa tabi nito.

The way my mom cried for me repeatedly saying 'sorry' to me was painful. Always heartbreaking. I've never thought that I'd come regretting what I've been telling unto myself about how much I hated my life, how much I hated to suffer again in this cruel real world.

Antanga ko lang. I was so sure ng magising ako na gusto kong matulog muli at patuloy na mabuhay sa mundong gusto ko without thinking about those people who really cares for me. Hindi ko naisip si Mama. Sarili ko lang. Nalunod ako sa panandaliang sayang naibigay sa akin ng sarili kong utak. Sarili kong isip. But the moment i saw my mom's tears. May parte sa akin ang nagsisisi. Narealize kong.. narealize kong naging makasarili nga pala talaga ako na gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko na naging makitid ang utak ko para sa mga taong nag-aalala sa akin. Para kay Mama..

Kung may tao mang pinakamahalaga sa buhay ko, yun ay ang aking ina. Naging makasarili lang talaga ako. Naranasan ko lang ang walang gaanong problema sa aking panaginip ay inayawan ko na ang totoo kong mundo at nakalimutan ang mama ko.

"W-wag mo na ulit gawin iyon, anak. Please lang, maawa ka kay M-mama.." umiiyak na sabi ni Mama sa akin mula sa videocall sa screen ng telepono ng ate ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang wala ring ampat ang pagtulo ng mga luha ko mula sa aking mga mata. Ang sakit lang makitang umiiyak ni Mama.

Akala ko masakit na ang naranasan kong hirap ng walang kasama, wala malapitan, walang makausap sa tuwing kailangan ko sila. Pero mas masakit pang makitang umiiyak ang pinaka importanteng tao sa buhay mo dahil sayo.

Batid kong nakamasid lang sa amin si Ate. Nasa tabi lang sya, nakaupo sa may couch dito sa loob ng kwartong kinalululanan ko. Bahagya kong nakikitang nakayuko rin sya habang tahimik na pinupunasan ang kanyang mga tumutulong luha.

Looks like i've been hurting them too since this whole thing happened.

Apat na araw na mula nung magising ako mula sa isang matagal at malalim na pagkakahimbing mula nung mabundol ako ng sasakyan. Who would have thought that hindi pala totoong napigilan nung Van na mabangga ako mula nung araw na akala ko katapusan na ng buhay ko.

Akala ko simpleng aksidente lang 'yon na nagising ako sa kaparehong silid na tinutuluyan ko ngayon na ang mga mata at presensya ng mga taong tinitingala ko magmula ng mapanood ko ang music video nila.

Hindi ko akalain na lahat ng napagdaanan ko kasama silang lima ay bunga lang pala ng imahinasyon ko, ginawa lang pala ng utak ko mula sa isang mahimbing na pagkakatulog na kung hindi ako nagising agad ay maaari na talaga akong lamunin nito.

I have heard many things about lucid dreams, and lucid dreaming before this whole incident happened at alam kong delikado ito. Hindi ko lang inaasahan na isa na pala ako sa mga taong makakaranas o nakaranas nito.

I know dapat aware ako na ganon na pala ang nangyayari sa akin. There are hints, but i didn't mind it. I even wished not to wake up from those deep slumbers. I am even willing not to wake up so i could be there forever.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now